Kabanata.8

993 Words
"Penelope, hija. You see —" "I know, Ma. Ayaw na ayaw ninyo kay Francisco. Well that's fine because we're over. Naghiwalay na po kami at wala na kayong ikabahala sa akin. I don't need a chaperon. I'm okay if you guys want to go to Italy. I can manage the resort and I will try my best to overcome my fear. But please, not Lorenzo!" inis na tugon ko. Bumuntong-hininga si Papa at pinahiran na nang tissue ang bibig niya. "Penelope, how sure you are that you're not returning to your so-called friends?" si Mama sa akin. Pinaikot ko na ang mga mata ko at bumagsak na ang balikat ko. "Ma? Karla is out of the country. Kaya wala na kayong problema. And besides, hindi na ako sasama sa grupo nila." "Hija, I can only trust you with Lorenzo. He will be your escort, whether you like it or not, and he can protect you," said Papa. "I don't need a chaperon, Papa! Ayaw ko. I cannot trust him!" Hinilamos ko na ang palad sa mukha ko at uminit na ang pisngi ko ngayon. Tahimik naman si Mama na nakikinig lang sa amin ni Papa. Ganito talaga kami. Mama cannot stand arguments. Ako lang at si Papa ang palaging nag-aaway talaga. I cannot give way and so is my father. "Lorenzo will stay with you, and that's my final word, Penelope." "And why? Why him? Why, Pa? Ma. Help me," pagmamakaawa ko sa ina ko. Alam ko kasi na siya lang din ang kakampe ko rito. "Anak," si Mama at pinaikot ko na ulit ang mga mata ko. Okay, I get it. There's nothing she can't do either. s**t! Mura ng isip ko. Tumayo na ako. Handa na akong tumalikod at iwan sila, pero nagsalita pa muli si Papa. "Penelope. Lorenzo is your real fiancée! Kaya umayos ka!" tigas na boses ni Papa at nahinto na ako. My brows furrowed as I stared at my father. I darted my stare at my mother, and she nodded. "What the —are you kidding, right?" titig ko kay Mama. Tumayo na agad si Mama at lumapit na sa akin. "Hija, listen. . . Lorenzo was your —" "No he's not!" putol salita ko sa ina ko. Tinitigan ko na ngayon si Lorenzo na kalmado lang at nakatitig lang din sa akin. There is no way that this stupid and rubbish-looking man is my fiancée! Aminin ko bobo nga naman si Francisco, pero at least malinis naman ang mukha ng taong iyon. Kumpara sa Lorenzo na 'to! "Paano ko naging kasintahan ang taong 'to? Wala siya sa ala-ala ko, Mama? I can't remember him at all. Pinaglalaruan niyo ba ako?" I felt like crying at this moment. Ilang beses na ba nangyari sa akin ang ganito. They thought that I was not okay. They still believe that I am not mentally okay. But the hell, I'm fine and better! And there's no freaking way that this man is my fiancée. "See? Hindi ka pa magaling. We've had enough of this, and it's been a year already, Viola. I've had enough of this, and I want you to respect Lorenzo. He's somehow inside behind your memory." Tumayo na si Papa. "It's okay, Tito. I can manage. Ako na po ang bahala rito," kindat ni Lorenzo. Kumulo na ang dugo ko at naningkit ang mga mata kong tinitigan siya. "I can't believe this!" tindi ng titig ko sa Ama ko. Malalim ang titig ni Papa sa akin. Napailing pa siya habang ininom ang kape niya. Maingat niya agad na binaba ang tasa sa mesa. Nakatayo na kaming lahat at handa na akong umalis mula rito. Kung hindi lang nakahawak si Mama sa braso ko, ay tiyak wala na ako sa harapan nila ngayon. "Penelope," kalmadong tugon ni Papa at kumalma na rin ako. "What's the most favorite thing I have from you, anak? Remember our secret?" si Papa. Napakurap akong tinitigan siya at wala akong masagot sa kanya. Nag-iba agad ang titig ni Papa sa akin. Naging maamo at nakakabasag puso ito. I don't know why I feel so guilty inside me. Pakiramdam ko ang sakit-sakit nito at hindi ko alam kung bakit. "Alfredo. . ." si Mama kay Papa. "It's okay, Mira. Minsan kailangan nating balikan ang nakaraan para sa ikabubuti ng lahat. We can't be at peace, Mira." Yumakap na agad si Mama kay Papa at bumagsak na ang luha ko. My heart is hurting so much but my mind is working like a clock. Pilit na hinahanap ko ang sagot sa tanong ni Papa hanggang sa naging blanko na sa akin ang lahat ngayon. I let my tears fall while staring at my parents. "Kung hindi mo maalala si Lorenzo sa isip mo. Hanapin mo siya sa puso mo, anak. There is more than you know of who you are, Penelope. Please, open your heart, hija," lambing na tugon ni Papa. Humakbang na agad siya na kasama si Mama at naiwan akong tulala. My tears are still fallen and I just can't understand it. Para akong statwa na umiiyak na walang hikbi at pakiramdam sa labas ng anyo ko. Ba't hindi ko nga ba masagot si Papa? . Dalawang beses na niya akong tinanong sa bagay na ito. Noong una ay matapos ang treatment ko. Matagal na iyon, mga walong taon na 'ata. And now, he's asking me the same question again. "Look at you. Hindi ka pa rin talaga nagbabago," si Lorenzo. Lumapit na siya sa akin at mariin na pinunasan ang luha ko. "You are still the same. . . Tough, stubborn, brat, but so beautiful." He softly whispered while wiping my tears. Kumunot agad ang noo ko habang pinagmamasdan siya at nang maramdaman ang haplos nang daliri niya sa labi ko ay bumalik ako sa sariling mundo. Namilog pa ang mga mata kong tinitigan siya. "Don't touch me!" Sabay tulak ko sa kanya at tinalikuran na siya. . c.m. louden
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD