Until
.
Everything is so quiet between us, walang gustong magsalita at kahit ako ay ayaw kong magsalita sa kanya. Tahimik akong nakaupo sa dulong bahagi ng yate habang abala siya sa pagmamaneho nito.
Tulala akong napatingin sa fishing rode na naka-impake sa gilid. Hindi namin nagamit ito, dahil pagkabalik ko sa kubo, ay umalis na agad ako at sa yate na nagtungo. Tahimik lang din siya at parang pinapakiramdaman ang lahat sa amin.
The noises that I'd heard in my mind before were still fresh. Parang pamilyar sa akin ang halaklak ng babae at paulit-ulit ito sa isip ko.
Tinitigan ko nang husto ang likod ni Lorenzo. Kahit ano pang gawin ko at ipokpok sa ulo ko ay wala akong maalala na kilala ko siya noon pa. Pero paano ko nga ba maipapaliwanag ang mga nararamdaman ko at nakikita ko?
Did I even exist before, and did we go on the Island? How can he explain it?
Ang pangalan ko na nakaukit sa lumang puno sa likod ng bahay kubo. . . Ang pamilyar na tinig at ang pamilyar sa batohan. Kung ano iyon, anong ginawa namin doon? At ngayon naglalaro pa sa isipan ko ang halikan namin dalawa kanina.
My goodness. Mababaliw na 'ata ako!
Ginulo ko ang buhok ko habang nagsasalita mag-isa. Ba't pa kasi ako sumama sa kanya rito? E, ito na tuloy ang napapala ko ngayon.
Nahinto ako nang marinig and pagtikhim niya. Kaya nag-angat agad ako nang tingin sa kanya. Ang nakangiting mukha niya ang sumalubong sa akin at napakunot-noo na ako.
"What?!"
"Here." Lahad niya sa soda at tinitigan ko lang ito sa kamay niya.
"What's bothering you?" Sabay upo niya sa tabi ko at kinuha ko na ito sa kamay niya.
"You," I said sarcastically while drinking my soda, and I could hear him chuckle.
"That's good. May silbi pa pala ako kahit papaano." Kindat niya at tumaas lang din ang kilay ko.
"Huwag kang assuming! Hindi kita type!" Umusog na ako at nilagay ang bag sa gitna namin dalawa.
Ayaw kong dumikit sa kanya. Pakiramdam ko kung madidikit ang balat ko sa balat niya ay nakukuryente ako rito. Rinig ko lang din ang bahagyang tawa niya. Nakakatawa nga naman siguro ako!
"Which one bothers you, love? Is it the kiss or the other way around?" he stares.
I chuckled and shook my head while staring at him. I can't be bothered to give him my answer. Kaya ininom ko na lang ang soda ko. Bahala na siya sa kung ano man ang gusto niyang isipin ngayon. All I want is to get home and to be in my own room. Gusto kong maligo at mag toothbrush ng tudo para mawala ang lasa niya sa labi ko.
Naging tahimik kami at pati na siya. Tumayo ulit siya para ayusin ang takbo ng yate at nagtagal na siya rito. Nakatayo na mag-isa. Hindi ko na tinitigan at tumalikod na ako sa bahagi niya. I don't care! Hindi nga naman mahalaga.
Nang makarating kami sa resort ay hapon na at papalubog na ang araw. Si Manong Primo pa ang sumalubong sa amin na bitbit ang mga isdang nahuli niya. Nangisda siya.
"Boss!" Saludo niya kay Lorenzo at napatingin agad siya sa akin.
"E-Este, S-Sir Lorenzo," utal na tugon niya at hindi ko naman maintindihan ito kaya napailing na ako.
"Hello, Miss Viola." Lawak na ngiti niya at ngumiti na rin ako.
"Anong gusto mong gawin ko sa isda, sir? Iihawin ko ba? Ikaw Miss Vioala? May special request ka ba? May nahuli akong pusit. Malaki ito!" Pakita niya sa akin at napakurap lang din ako.
"Ako na ang magluluto ng pusit, Manong. I know a recipe that Penelope will like. Salamat," si Lorenzo sa kanya na ngayon ay nasa likod ko na.
"Sige po, sir." Sabay alis niya.
Humakbang na ako at hindi ko na pinansin si Lorenzo. Nakasunod lang din siya sa likod ko.
"Lorenzo! Baby!" ang boses ni Rainbow. Masigla siya at kumakaway pa sa amin ngayon. Patakbong humakbang papalit sa amin.
"Ba't 'di niyo ako sinama? Ba't kayo lang dalawa?" taas kilay niyang titig sa akin. Namaywang siyang nakaharap kay Lorenzo, pero ang mga mata niya ay nakatitig sa akin ng husto. She even looked at me from head to feet.
Hmp, nagseselos ang bagets! Isip ko.
"Tapos na ba ang klase mo? Ang online assignments mo?" si Lorenzo.
"Yes, tapos na lahat. Puwede na akong makipagdate sa 'yo!" siglang tugon niya at pinaikot ko na ang mga mata ko.
I just shook my head, and I didn't care!
Pumasok na ako sa loob at nakatingin na ang lahat ng staff sa akin ngayon. May iilang bisita sa lounge area na naka check-in sa resort na ito at madalas ang labas nila ay sa hapon. Maganda kasing panoorin ang paglubog ng araw. Kaya puno ang bahaging ito ng resort.
Hindi ko na nilingon si Lorenzo. Napagod ako at gusto ko ng maligo at magpalit. Ang lagkit ng pakiramdam ko at gusto ko ng magbabad sa bathtub.
After two hours, I am clean and ready. I honestly don't feel like eating my dinner. Parang ayaw ko ng kumain at gusto kong matulog na lang din. I was about to message Lorenzo, telling him that I wouldn't be joining dinner, but someone knocked on my door. I stood up and opened it.
"Hi," lambing na boses niya at ngumiti pa.
"I can't join the dinner, Lorenzo. Pagod na ako, at hindi rin ako gutom."
Tumango lang din siya. Pero hindi ko napansin ang may bitbit pala siyang malaking plastic.
"Can I get in? Naisip kong pagod ka na at baka ayaw mo ng bumaba kaya dinalhan na lang kita," kindat niya.
Pumasok na siya at sinunod ko siya nang tingin ngayon. Sinarado ko na ang pinto at sumunod na lang din ako sa kanya. Nilapag niya ito sa maliit na mesa na meron dito sa kwarto.
Tanging kama, maliit na mesa, silya at iilang gamit ang meron dito. This room is cosy enough for me. Maliit lang ito kompara sa kwarto ko sa bahay namin sa syudad. Pero kampante ako rito.
Naupo na ako at pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa. Amoy ko agad ang sarap ng luto niya at inihanda na niya ito. Kompleto nga naman ang bitbit niya.
I can hear my tummy rumbles. Nagutom ako nang makita ang pagkain sa harap ko. Adobong pusit, calamares at pansit. May kasama pang inomin.
"Let's eat together, okay?"
I pouted but in the end I nodded. Kakain ako ngayon. Hindi ko mahihindian ang pagkain sa harap ko. Siya na mismo ang naglagay nito sa plato, at sabay na kaming kumain dalawa. Tinikman ko agad ito at masarap nga naman ang luto niya.
"Ang sarap! Salamat ah. Ang chief nagluto?" tanong ko sabay nguya. Nagkukunwari lang ako, dahil ang totoo ay alam ko na siya ang nagluto.
"No. I cooked them exclusively for you," agad na sagot niya.
"S-Salamat," kurap ko.
Napayuko na ako at hindi ko na tinitigan siya pa. I just swallowed my food and pretend that he didn't exist in front of me. Pero mahirap nga naman, dahil alam kong nasa harapan ko siya at sabay kaming kumakain dalawa.
I swallowed hard and cough a bit. Naubo ako dahil panay ang titig niya at nakikita ko ito!
"Here." Bigay niya sa tubig at ininom ko agad 'to.
Tumikhim na ako at maingat na akong ngumuya ngayon. Nakakinis lang din dahil hindi ako sanay nang ganito. Halos magkasama na kami buong araw, buong magdamag at buond linggo!
For a start, it wasn't an issue, but after the kiss, I felt distressed. Naguguluhan na ako at hindi na ako sigurado sa sarili ko. Still, I can't give up and won't give in. I cannot seem to get it, but I don't like him.
"Until when are you gonna make me feel uncomfortable, Lorenzo?" simpling tanong ko. Nahinto siya nang subo at tinitigan na ako.
"Until you will love me again, Penelope..." seryosong titig niya.
I swallowed hard and looked away, trying to maintain my posture and elegance while eating in front of him.
"Until what?" my forehead creased, and he smirked.
"Until all the stars shine in the middle of the rain. . . Until the sun set and rose again. Until forever, Penelope... I won't give up. I cannot give up, and I won't ever give up love," he stared deeply, and I swallowed hard again.
Parang nag marathon ang puso ko sinabi niya. It may sound so korney but somehow I like it. Kaya napatitig na ako ng husto sa kanya.
Ew, Penelope nabaliw ka na! Isip ko habang nakatitig sa kanya ng husto.
Tsk, ito na nga ba ang napapala ko sa halik niya kanina. Hay naku! Erase ano ba! Sigaw ng isip ko.
Umiwas na ako at nagbaba nang tingin sa plato ko. I shook my head and laugh a bit.
"Until, until one of us will die?" pilit na ngiti at subo ko.
It was only a joke, and I did not intend to say it. Pero nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa kakaibang titig niya sa akin ngayon.
The smooth brown eyes I've seen are now gone, replaced by dark, fiery ones. I looked away and darted my stare at the food again. Kakaiba naman pala magalit ang isang Lorenzo dahil nag-aapoy ang titig nito.
"D-Did I say something wrong?" kumunot na ang noo kong tinitigan ulit siya.
"Don't say it, Penelope. Hindi nakakatawa," igting ng panga niya. Pinunasan ang kamay. Tumayo siya at kinuha ang beer sa gilid at ininom ito.
Napalunok na ako at natahimik na sa sarili.
I just realized the words that I have said. It's totally wrong to think that I was nearly facing death, and luckily I survived.
"I'm sorry," wala sa sariling sambit ko.
Humarap na siya at naupong muli sa silya. He drink his beer while staring at me. Kumain na ulit ako. Kung tapos na siya puwede na siyang umalis, pero parang ayaw kong sabihin ito sa kanya.
"I can't let you go on the same road again, Penelope. I will kill everyone that will try to kill you," igting ng panga niya at kinabahan na ako.
Natahimik na ako sa sarili at nanlamig na ako ng tudo.
From this moment I find him so dangerous and crazy. There's no freaking way that Lorenzo Ferrero was my lover before. Dahil ang mga taong katulad niya ay hindi ko gusto talaga.
Nanayo na ang balahibo ko at tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
"Busog na ako. S-Salamat."
Tumitig na ako sa kanya. He's still staring at me deeply but then his eyes expression change. It became soft and hearty again. Nawala ang galit na titig nito na gaya kanina. Umiwas ako at humakbang na patungo sa kama. Pero nahinto lang din ako dahil nanikip na ang dibdib ko, at parang hindi ako makahinga rito.
"I need to go out," saad ko at iniwan na siya sa kwarto.
.
c.m. louden