Crazy
.
"Miss Viola! I miss you!" Ang tili at sigaw ni Kakay ito. Yumakap siya sa akin at tinitigan ang kabuuan ko.
"Tumaba ka 'ata, Miss Vi? Oy, nagustuhan mo na ang resort ano? O baka naman nagustuhan mo na si Lorenzo." Lumaki ang mata niyang nakatitig sa akin at napangiwi na ako.
"Over those frogs, dead body, Kakay!" Sabay nguso ko sa fishpond sa harapan.
May iilang palaka kasi na nandito at maingay pa! Maulan ang buong linggo. Mabuti na lang at natapos ko na ang landscape na ginawa namin ni Ivan. Naghihintay lang din kami sa delivery. E, mukhang mahihirapan kaming gawin ito ngayong linggo, dahil walang tigil ang ulan.
Panay na ang iwas ko kay Lorenzo. Simula kasi nang gabing iyon ay ang mukha na niya at halik ang palaging bumabalik sa isip ko.
I hate to admit, but he's getting on my nerves, and he's spoiling most of my days. Pero kahit anong iwas ko sa kanya, ay para siyang kabuti na basta na lang susulpot sa harapan ko!
Tinitigan na ako ng mabuti ni Kakay habang nakatitig ang mga mata ko sa fishpond sa harap. Napakurap ako, dahil ang mukha na naman ni Lorenzo ang nakikita ko ngayon.
Ugh! May mali na 'ata sa utak ko!
"Mabuti na lang at may eroplano at nakasakay ka," pilit na ngiti ko kay Kakay.
"Akala ko nga ma-kansela ang flight ko, Miss Vi. Mabuti na lang at hindi. Ang sungit pa naman ng panahon."
"Hang-on. Ang utos ko? Dala mo ba?"
"Yes, Miss Vi. Nandoon sa loob ng maleta ko. Kukunin ko na ba?"
"Mamaya na. Kumain ka muna. Kararating mo lang," ngiti ko sa kanya.
Inutusan ko kasi siyang dalhin ang maliit na lumang box na nasa storage room ko. Matagal na itong hindi ko binuksan.
It's my treasure chest of little memories—old pictures and letters from when I was in grade school and secondary school. I saw it when I was cleaning the attic. Doon nakalagay ang lahat ng mga lumang gamit sa attic room sa itaas ng kwarto.
At first, I was too scared to climb the attic. I even took Kakay with me. May hinahanap kasi ako noong araw na iyon, kaya naisama ko siyang umakyat sa attic storage room.
"Alam mo, Miss Vi. May nahanap akong isa pang box doon sa attic. Kagaya rin ito ng box na ipinakita mo. E, nalito ako sa dalawa. Kaya ang dalawa na ang kinuha ko."
"Ha?" awang ng labi ko.
I can't remember that I have two of the same design. Isa lang naman ang meron ako. Impossible naman.
"Are you sure? Baka naman kay Mama iyon. Kinuha mo talaga?" kunot-noo ko sa kanya.
"Hala! Kay Madame iyon? Naku, hindi ko alam, Miss Vi. Magkapareho kasi, kaya kinuha ko na lang din."
"Mabuti naman at nagkasya sa maleta mo?"
"Maliit lang naman iyon, Miss Vi. Dalawang damit lang ang dinala ko at pantalon. Bibili na lang ako ng damit dito," ngiti niya at tumango na ako.
Tumingala ako at sabay na bumuhos ang malakas na ulan mula rito sa kinatatayuan namin, dahilan nang pag-atras namin dalawa.
"Pasok na tayo."
Nauna na akong humakbang palayo sa kanya. Iniwan ko na siya sa kusina at umakyat ako patungo sa meeting staff area. We'll probably outline the final layout of the rooms. Dapat kasi sa kabilang resort namin ito gagawin. Pero dahil hindi maganda ang panahon ng linggong ito ay dito na muna kami.
Ang nakangiting mukha ni Ivan agad ang sumalubong sa akin. Naglakat sa lamesa ang mga blueprint at sketch plan na gawa niya. Katabi niya ang isa pang Engineer, he's a Civil Engineer, si Engr Glenn Mondragon. They work as a team here.
Engineer Ivan Fortunato is our Architect, and Engr Glenn Mondragon is our Civil. They both looked at me at the same time and smiled. I smile, too. Walang ibang tao rito maliban sa kanilang dalawa. Akala ko pa naman nandito si Lorenzo, eh wala pala.
And why do I expect him to be here? Mas mabuti nga'ng wala siya rito para walang buntot sa likod ko.
"Hi, Viola," si Glenn. Tumayo siya at inilahad ang upuan sa tabi ni Ivan para maupo ako sa gitna nilang dalawa.
"Thank you. Simula na ba o patapos na?" tanong ko.
"Halfway," si Ivan sabay hilot sa sentido niya. Tiningnan ko na ito sa mesa at tama nga naman, patapos na sila.
"What do think?" si Glenn sa akin.
"Hmm..." nag-iisip ako habang tinitigan ito.
Ang totoo wala akong naiintindihan dito. E, ikaw ba naman? Titigan mo kaya ang purong sketch at blueprint. Guhit Engineer na pinagdugtong-dugtong na may numero. May maiintindihan ba ako? Wala ano! E, ibang estilo ng desenyo ang tinapos ko! Hindi ganito. Pero in-fairness malinis at maganda ang pagkakagawa at naiintindihan ko na rin kahit papaano.
"Next month puwede mo ng simulan ang interior design, Viola. Matatapos na natin ito. Binibilisan ko na may proyekto pa akong kasunod nito," si Ivan sa akin at tumango na ako.
"Same here, bud. Enzo is actually pressuring me." Iling ni Glenn sabay titig sa akin.
Napatitig kasi ako sa kanya. Ngayon ko lang siya napansin ng tudo at malapit sa akin.
I have seen him a few times before, but from afar. He's famous at his job. Sikat pero ang mas nagpapasikat sa kanya ay ang pangalan niya. He's a Mondragon, and he belongs to a group of elite Mondragon billionaire's royalties.
"You're the fashion interior designer, right, Viola?" he smiled, and I nodded.
"Enzo Denver is looking for one to work a design on his newly built Mediterranean House in the Island. Hindi niya kasi nagustuhan ang ginawa nang una. May ipapabago lang siya. Do you want the job?" ngiti niya.
"H-Ha?" utal na tugon ko at napalunok na akong nakatitig sa kanya.
"No. She's not free, bud."
Ang boses mula sa likod ang sumagot. Kakapasok lang din niya at may kasama siya.
"Lorenzo! The Ferrero fierce, man!" si Glenn sa kanya at nag handshake na sila.
"Kumusta? Tapos na ba?" si Lorenzo. Tumabi agad siya sa akin at hinaplos na ang likod ko. Tinitigan niya ang mga papelis na nagkalat sa mesa.
"Malapit na," sagot ni Glenn at napatitig siya sa kasama ni Lorenzo ngayon.
.
c.m. louden