Kabanata5

1715 Words
Foreign . I got home feeling annoyed. Wala sina Mama at Papa. I know they meet someone who is so dear to them. Sinabi na sa akin ni Mama na may importante raw silang lakad, and probably tonight that visitor will join us for dinner. Kaya halata ang magandang ayos ng harden ngayon. Abala ang lahat sa ginagawa nila. Mom hired catering services for everything. Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos pagmasdan sila na sa harden. Nakasunod lang din si Kakay sa akin. Nahinto ako at hinarap siya. "Kakay, can you speak the Italian language?" Mahina lang din siyang tumango at walang ngiti sa mukha niya. Kumunot na agad ang noo ko. Nakapagtataka lang din kasi. Pakalat-kalat lang naman siya noon sa bangketa, tapos alam ang lengwahing italyano? "Ahm, a-ano kasi, Miss Vi. May naging kaibigan ako noon, noong bata pa ako. Tinuruan niya akong magsalita nito," pilit na ngiti niya at tumaas lang din ang kilay ko. "Sure, ka?" "Oo, Miss Vi. Konti lang alam ko. Pero ang nakapagtataka, Miss Vi ay ikaw? Nakakapagsalita ka pala nito? At ang linis pa at mukhang sanay na sanay ka." Tumaas bahagyang ang kilay niya habang nakangiti. Napailing na ako. Hindi lang ako makapaniwala. "Hindi ko nga rin alam, Kakay. Baka kagaya mo lang din ay natutunan ko lang siguro sa pagbabasa ng magazines." Sabay talikod ko. "Okay na, bumalik ka na sa kwarto mo. Akin na 'yan." Ibinigay na niya agad ang maliit na maleta na bitbit niya. Tahimik lang din akong pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang kurtina ng bintana at tinanaw ang lahat sa babang harden. Who the hell is that man before? Sino siya? Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakita. Lutang na tuloy ang isip ko habang pinagmamasdan ang silang lahat sa baba. . Pagkaraan ng iilang minuto at pagkatapos maligo ay pinatuyo ko na ang buhok ko. Lumabas na ako sa balkonahe ng kwarto at tinanaw lang din sila ulit sa baba. Patapos na sila at naglilinis na lang din. Iilang lamesa lang ang meron, ibig sabihin mga importante tao lang ang bisita nila mama at papa ngayong gabi. I don't think it's their anniversary—Malayo pa iyon. Ano ba kasing meron mamaya? At bakit ba ang araw na ito ay puno ng sorpresa sa akin. Nakapagtataka lang din. Sinuklay ko na ang mahabang buhok ko habang iniisip si Francisco. I just can't believe that he's a user or worst? Hindi ko alam. Kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa loob at naghanap ng balita tungkol sa kanya. And I was right! An article was released about him in jail just five minutes ago. Kinabahan akong binasa ito at namutla na din. No one knows about me being his girlfriend. Pero ang mas kinaiinisan ko ngayon ay ang dalawang pangalan ng babaeng nasa showbiz na nakadikit sa pangalan niya. Alam ko naman na love-team silang dalawa. Wala naman kasing may alam na ako talaga ang totoong girlfriend niya, at siguro wala rin maniniwala kapag nilantad ko ang sarili ko sa madla. I am so stupid, and I know that! This past month, I've been acting weird, and I don't know. Hindi naman mahigpit sina Mama at Papa. Pero nararamdaman ko na palaging may nakasunod sa likod ko at binabantayan ako. Hay naku! Ang gulo-gulo! Hanggang sa tumunog na ang cellphone ko. Si Francisco ito. "Hello?" padabog na sagot ko. "Sweetie pie, honey bunch! How could you do this to me? You are engaged, and yet you still want to marry me? Are you a scammer, my honey bunch?" baliw na tanong ni Francisco. "Anong scammer? Baka liar!" pagtatama ko. "Okay, liar, liar. That's right, honey bunch. You are a liar. Are you lying?" Kumunot na ang noo ko at kumulo na ang dugo ko ngayon sa kanya. "Hindi ko siya kilala, Francisco, okay? At wala akong pakialam sa kanya! At ikaw? Kailan ka pa nahilig sa droga? You know that I hate drugs and illegal things. You know that Francisco! Hindi ka naman ka-gwapuhan at matalino, pero nagkagusto ako sa 'yo. Kasi pakiramdam ko mabait kang tao. E, user ka pala, animal ka!" "I only tried a little honey bunch. It was okay," he scoffed. "And by the way, I'm out on bail. I'm calling you now because. . ." Natahimik agad siya sa kabilang linya at parang naiiyak pa na nag-da-drama. Ang baliw nga talaga! Artista nga ang baliw na ito! "I hope you don't cut your head, my honey bunch. You are still my honey bunch, sugar pie, but I'm breaking up with you." He paused, acting in a silly cry. "Please don't jump in the building, honey bunch. You have no wings. You can't fly. Don't worry about me. You will soon forget me. But I know you cannot find another handsome, macho like me. So, just smile and think of the rainbow, honey pie." Napaawang na ang labi ko na parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko ngayon. Dapat sana ako ang makikipag-break sa kanya. E, bakit naunahan ako ng baliw na ito? Hindi na tuloy ako makapagsalita ngayon. "Honeybunch? H-Hello? Viola? I know this is hard for you my sweetie pie," paiyak-iyak niya na drama. "I know I am so handsome and adorable. You may not get another boyfriend like me. I'm sorry, honey bunch. Don't jump in the building, okay? I know it may take a long time for you to forget me, sweetie pie, but - " "Oh, shut up, Francisco! Vai all'inferno e muori! Non mi interressa!" Pinatay ko agad ang tawag at nag-aapoy ang mga mata ko. Uminit ang mukha ko sa inis. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sandaling ito. I can't believe he was my boyfriend and I was about to marry him! Ang baliw ko na at ang gaga pa! "Miss Vi?" mahinang boses ni Kakay sa likod ko. Nilingon ko na siya at pilit na inaayos ang sarili ko. Hawak niya ang damit ko at bahagyang inilahad ito. Alam niyang galit na ako ngayon at ganito ang paraan niya palagi sa tuwing umiinit ang ulo ko. "Salamat. Magpapalit lang ako, Kakay." Tatalikod na sana ako pero humarap ulit ako sa kanya. "Kakay?" Humarap ulit siya. "P-Po?" "Narinig mo ako kanina 'di ba?" Mahina siyang tumango. "What did I said to Francisco?" litong tugon ko. "Ah, nagmura po kayo, Miss Vi." My brows lifted in surprise. I wonder if I am capable of talking italian language at all. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay sanay na sanay na ako rito. "T-talaga?" Tumango na siya bago nagsalita. "Sabi niyo po. 'Oh, shut up, Franciso! Go to hell and die! I don't care!" sa ngising tugon niya at napangiwi na ako. Napakurap ako at napailing pa. Nakakatawa pero tama nga naman siya. "Okay. Salamat, Kakay." Tumango na siya at tumalikod na. Tulala na naman ako ngayon at parang hindi makapaniwala. Hay naku! Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Kailangan ko na 'atang magpa schedule sa doktor ko. Ewan ko ba! I feel foreign in my own self. Parang hindi ako ito at hindi ko kilala ang sarili ko. . After two hours I'm on and ready. Alam kong dumating na sina mama at papa. Dahil rinig ko ito kanina nang sumilip ako sa balkoneha. Mabilis ko lang inayos ang sarili at bumaba na. I feel so beautiful in this long silky dark maroon night dress. Dikit ito sa balat ko at litaw ang hubog ng katawan ko. Nang makababa, ay sina Mama at Papa agad ang una kong nakita. "Ma." Halik ko sa pisngi niya at pati na kay Papa. "Look at you? You look so beautiful, hija," si Mama sa akin. "Thank you, Ma. Kanino pa ba ako magmamana?" "I know, anak. Sa akin ka nga nagmana." Yakap ulit ni Mama. Umayos na ako at nilingon ang buong paligid. May iilang kakilala ni papa sa negosyo ang nandito na. Abala naman si Mama, dahil lumapit na sa kanya ang matalik niyang kaibigan. Ngumiti na ako at nagbigay galang na din. "Ang laki na nag pinagbago ni Viola," tugon ng kaibigan ni Mama. "Salamat po," tuwid na ngiti ko. "Wala ka pa bang planong mag-asawa, hija? Jane is married already and living happily in America with their two kids," ngiti niya. Nawala agad ang ngiti sa labi ko at tumango lang din. "Don't worry, Mare. Darating din si Viola diyaan. Malapit na," si Mama sa kanya. "Why don't we get something to eat." Hinila na agad ni Mama ang kaibigan niya at sumenyas lang din sa akin. There are only less than ten people around here. Mga kalapit kaibigan lang nila ito. I know Jane from a long time ago. Simula ng mag-asawa siya ay hindi ko na siya nakita ulit. I still remember when I talked to her in the phone when I was still in the hospital. Her voice sounds so foreign to me. Sabi nga nila siya raw and matalik na kaibigan ko simula pa noong bata pa ako. Pero hindi ko maramdaman ito. Lumapit na ako sa cocktail drinks area at kumuha nang inumin ko. I looked at everyone and my parents. They're happy talking to their friends. Inubos ko lang ang cocktail drink at kumuha ng isa pa. Hanggang sa naging pangatlo at pang-apat na. "Slow down, love," baritong tugon niya mula sa likurang bahagi ko. Napalingon agad ako habang inuubos ang natirang inomin ko sa baso. I nearly chocked myself when I saw his face again. Pati ba naman dito sa sariling pamamahay ko, ay sinusundan ako ng mukong na 'to? He smiled at me while grabbing his drink. He's an absolute neat today. Naka-pormal ang damit niya at halata ang magandang hubog na katawan nito. Napako na tuloy ang paningin ko sa dibdib niya. And I know that underneath that clean tuxedo top is his firm and solid muscles. "Do you want more?" Kumuha siya nang para sa akin at kinuha ang baso sa kamay ko. Wala ng laman ito. Tinangap ko na rin ang binigay niya at tinalikuran lang din siya. I walk away from him. Hindi ko siya kilala. Siguro isa siya sa mga anak ng mga importanteng tao na kasamahan ni Papa sa negosyo. Huh, ang malas ko lang din talaga! . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD