Tumaas na ang kilay ko sa babaeng kasami ni Lorenzo.
She smiles at her widest while chewing her bubble gum. Matangkad, mestisa at maganda.
She stared at Glenn with her wicked smile, and Glenn looked away. Tumaas lang din ang kilay niya kay Glenn at napako na ang titig sa akin. Tinitigan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
"By the way. . ." si Lorenzo.
"Hi! I'm Carmella!" Putol ni Carmella sa pagsalita ni Lorenzo at mabilis na hinawakan ang kamay ko.
"You must be Penelope Viola, right?" ngiti niya at hindi pa bumitaw sa akin.
"Y-yes," pilit na ngiti ko.
"Oh, great! Finally nice to meet you. Penelope. Nagkita rin tayo. The past and the present," sa pilyang ngiti niya kay Lorenzo at napailing na si Lorenzo sa kanya.
"I wonder who's gonna be the future to this drama?" lawak na ngiti niya at bitaw sa kamay ko.
"Carmella," igting ng panga ni Lorenzo sa kanya at nawala agad ang ngiti sa mukha ni Carmella.
"Ikaw naman 'di na mabiro. Parang wala naman tayong pinagdaan noon," kindat ni Carmella kay Lorenzo. Pero agad nabaling ang titig ni Carmella kay Glenn at Ivan. She look at the work on the table and walk closer towards Ivan side.
"Hi..." Ngiti niya kay Ivan at halos idikit na niya ang katawan nito.
Sinunod ko lang siya nang tingin. Hindi ko tuloy mabasa kong anong klaseng babae siya. E, ang landi niya!
"How are you feeling, love? Did you miss me?" he smiled at me, and I looked away.
"She's obviously not, Lorenzo. Ang baliw mo!" si Carmella. Siya ang sumagot sa tanong ni Lorenzo at bahagyang natawa na si Ivan sa kanya.
Rinig ko ang mahinang mura ni Lorenzo na nakayuko pa ang ulo. Tumikhim si Glenn at kinuha ang iilang papelis at gamit niya sa ibabaw ng mesa.
"I'm done. Magkita na lang tayo bukas, bro," si Glenn kay Ivan. Tinapik lang din niya ang balikat ni Lorenzo at agad na umalis na.
"I hate that bastard!" mahinang mura ni Carmella.
"Oh? Magkakilala ba kayo baby ko?" pabirong tugon ni Ivan kay Carmella at natawa na. Pinalakihan siya ni Carmella ng mga mata niya at binatukan pa ito.
"Ouch! That's rude!" reklamo ni Ivan at humawak siya sa balikat niya pero natatawa pa rin.
I don't know what sort of woman she is, but the way she smacked Ivan on his shoulder was not ordinary. She can fight.
"Wala na talagang lalaki na papatol sa 'yo, Carmella. Hindi kita type!" Bahagyang tawa ni Ivan sa kanya at napahawak pa siya ng husto sa balikat niya. Masakit siguro ang ginawa ni Carmella.
"Don't say that, Ivan. Baka kainin mo ang sinabi mo." Naupo na siya sa mesa at humarap na kay Ivan ngayon.
"Akitin mo na lang ang mga bodyguards ni Lorenzo. Marami sa baba!" pagbibiro ni Ivan at napatitig na ako kay Lorenzo.
My brows crossed when I stared at him. He swallowed hard and cleared his throat. Ivan and Carmella went quiet and stared at us.
May mali 'ata. May hindi ba ako nakuha o may hindi ba ako nakita?
Since when did Lorenzo has his guards around me? Wala naman ah? Mga tauhan naman ni Papa ang nasa baba at mga tauhan namin.
"Oh, my bad. W-What I mean is. . . iyong mga tauhan ng resort akitin mo, Carmella!" pagtatama ni Ivan.
Carmella chuckled and rolled her eyes. Naging troll na tuloy ang paningin niya kay Ivan ngayon at umatras na ito sa harapan niya. Humawak agad si Lorenzo sa baywang ko at iginiya na niya ako palabas dito.
"Let's get out, love. The two of you behave!" Turo ni Lorenzo sa kanilang dalawa.
"Bro, help!" si Ivan sa kanya at napailing lang din siya.
Lumabas na kami at sa balkonahe na nagtungo. Malakas pa din ang ulan sa labas at nang tiningnan ko ang baba ang kotse ni Glenn Mondragon ang nakita ko. Palabas na sa gate ng resort ito.
"Do you want to go out swimming tonight?"
Tinitigan ko na siya. Minsan nagtatanong na ako sa sarili ko. May mali ba sa taong ito? Lorenzo is not bad at all. He's got the qualities that other woman loves to have from a man. He can cook, he can do other sort of jobs. He can be your cleaner, gardener, guard and bed warmer. To think he can really kiss so damn good... Pero iwan ko ba, wala talaga akong nararamdaman sa kanya.
"Not tonight, Lorenzo. Umuulan!" inis na sagot ko at iwas sa titig niya.
"But you like to swim in the rain, love."
I chuckled and shook my head. "Really? Huh, in your dreams!"
He just shook his head and smiled sweetly.
"You're the same, love. Your sweet behavior reminded me of you when you were only seventeen," he smiled again and winked.
Napailing na lang din ako sa sarili ko. Kung may baliw man sa aming dalawa ngayon ay siguradong hindi ako ito.
Tsk, iba nga naman mabaliw ang isang Lorenzo Ferrero.
.
c.m. louden