Ang harden agad ang nadaan ko at maraming nang nagbago rito.
Papa changes the landscape into something new. The pool is enormous, and he's making another portion for two more pools.
Hanggang sa marating ko na ang ibabaw at tuktuk at tanaw ko na rito ang dagat.
The land level is high. Sinadya ito ni Papa, para hindi umabot ang tubig dagat rito. Kung iisipin mo nga naman ang layo pa nito sa tubig. But I know my Papa. He's thinking not just for today, not just for ten years but also after fifty years to a hundred.
Alam naman natin na kakainin ng tubig dagat ang buhangin pagdating ng iilang dekado o siglo. Kaya nakuha ko agad ang utak ng ama ko.
Humalukipkip akong tinitigan ang dagat. Malayo ang utak ko sa puso ko ngayon. And once again I feel so lost.
"Hi! Did you have a good look around?" baritonong boses niya.
Parang liwanag ang dala ng kabuuan niya nang lumingon ako.
He's tall, dark and handsome. Ito nga naman ang madalas sinsabi nila kapag nakakita ka ng gwapo sa harap mo.
Well, ganito rin ako noon, noong una kong nakilala si Francisco.
Ugh! It reminds me of that crazy user!
Tumikhim muna ako bago humarap sa kanya, at sa hindi inaasahang kadahilanan ay napaawang ang labi ko sa ganda ng mukha niya.
"Engr Ivan Furtonato." lahad kamay niya at ngiti pa.
Like Papa, he stand mighty too. Pormal, gwapo, matipuno at malinis. He's an ideal partner that every woman wants to have. Tumikhim na siya at napakurap lang din ako ngayon sa harap niya.
"Oh, Um, Penelope Viola Altera."
Tinangap ko agad ang kamay niya at ang lambot nito. Aminin ko naglalaro ang iilang paru-paru sa ilalim ng tiyan ko.
"Ahm, have we met before?" saad ko sa kanya na nakangiti. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya at parang kilala ko na siya.
"Did we?" taas ng kilay niya at pilyong ngiti nito.
Umikot siya nang hakbang sa likod ko at tumabi na sa akin ngayon.
He crossed his arms and at the same time his eyes darted on the same view. Pareho naming tinanaw ang dagat at rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"This place is the same as two years ago," mababang tugon niya.
"Have you been here before my accident?" nagtatakang titig ko sa kanya.
He smile and nodded. "Yes... This place was so special to me. Ang dami kong alaala rito sa kanya."
I swallowed hard and looked away. When I heard it my heart bleeds in silent. Hindi ko alam pero parang napunit ang puso ko ngayon sa sinabi niya. I am sure that he's not part of my past. But the heck, how can I explain this feeling inside me.
"I am happy that I am working in the same project with you, Viola..." sa tindi ng titig niya. "Let's dig the past together and bring your memory back. Shall we?" Sa lahad kamay niya.
Napakurap na ako at mas lalong lumakas ang t***k sa puso ko.
Hindi ko naman siguro pinsan ang mukong na 'to ano? I can't remember I have a handsome cousin like him. If so, who is he? Nakatitig pa din ako sa kanya habang naghihintay siya na tangapin ko ang kamay niya.
"Ivan! Bro!"
Sabay kaming napalingon sa boses mula sa likurang bahagi namin. Nothings surprise me at all because it is just Lorenzo! Huh, ang bilis niya namang nakabalik? Umalis ba siya? E, parang hindi 'ata!
"Lorenzo Guissepe Ferrero, bro!"
Nag-handshake agad ang dalawa at bump shoulder pa. They seem too close with their actions and smiles.
"Look at you, man! You've changed," si Lorenzo kay Ivan.
"Gumagaya lang din ako sa 'yo," kantyaw ni Ivan at tawang-tawa pa, "so what keeps you busy? Akala ko 'di ka na babalik at mananatili na sa Italya," pagpatuloy niya,
"You know me. Nagpapahinga lang ako. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ito," turo nang mga mata ni Lorenzo sa akin at napalunok na ako.
Now, both of them are staring at me. I blink my eyes and furrow my brows, too, but I can't join their conversation because I couldn't understand a thing.
"By the way, love. I forgot to give you this."
He fished out something from his pocket and gave it to me. It's a gold bracelet. I am sure I put it back inside the bag pack before.
Nahulog pala...
"I saw it on car seat, on your side and I am happy to see, love... Ang akala ko kasi nawala na 'to sa 'yo," sa lahad niya nito. I stared at it and I can't get my hands to accept it. Kaya imbes na ako ang kukuha ay si Ivan ang kumuha nito.
"Can I have a look?"
Binigay agad ito ni Lorenzo sa kanya at tinitigan ni Ivan ito nang husto.
"This is beautiful... Naalala ko 'to. Pinilit mo kami," sa bahagyang tawa ni Ivan. "Ang korney naman kasi ng mensahi mo, bro."
Sa iling niya at binigay rin ito pabalik sa kanya. Nilahad itong muli ni Lorenzo sa akin at kinuha ko na. So after all this proves that this item is really mine.
Hindi ko siya tinitigan at nilagay ko lang ito sa bulsa ng pantalon ko. Natahimik din sila na para bang pinapakiramdaman ako.
"By the way. I have to go. You take care of her, Ivan. Don't do anything stupid or else. . ."
"I know, bro. Mapupugutan ako ng ulo sa 'yo!" Bahagyang tawa ni Ivan sa kanya at natawa na silang dalawa.
.
c.m. louden