Push
.
Isang oras din kaming naglibot sa buong Isla, sa tabi ng dagat ang lakbay namin. Panay ang talon at sipa ko sa bawat alon sa gilid. Kagaya niya nakapaa kaming dalawa. Iniwan namin ang stinelas at iilang gamit sa bahay kubo at nagpasya kaming maglakad muna.
Were walking in the same pace and just talking. He talked a lot about the plan of this Island. Hindi ko naman makuha ang gusto niya, kaya tango ako nang tango na parang sira!
I just listening to him and I like his plan. Pero mukhang gagasto rin ito ng malaking pera. Hindi ko nga alam kung anong pinagkakaabalahan niya sa buhay. E, hindi naman siya mukhang anak mayaman.
"What do think?" Pamaywang niya habang nakatingala sa pinakatuktok na bundok na nandito.
There are a few mountains around the Island, and I bet plenty of wilds are around, too.
Ang dami sigurong ahas dito at kung ano-ano pa. Nakakatakot masyado.
"Ha? A-Ano?" kurap ko.
I wasn't paying attention on what he stated before. Sa ibang demensyon kasi pumasok ang utak ko at hindi sa kwento niya.
"I mean, what do you think about this project?" tugon niya habang nakatitig padin dito.
Napalunok na ako at hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. Kaya tumango na ako.
"Well, that's great! You can do that. Ang problema ang daming ahas dito. And how would you build a castle on a seclusive Island? Gagasto ka pa ng milyon, bilyon? Ang laki!"
"I know. Kaya pinag-iisipan ko," tugon niya at tango.
Bumuntong-hininga na ako at yumuko na. May maliit na alimango kasi na papalapit sa akin at mukhang kakagat pa.
"Oh my, talaba!" Lundag ko at hawak sa braso niya. Para tuloy akong ungoy na kumapit sa kanya at bahagya na siyang natawa.
"Bwesit ka! Pag ikaw mahuli ko, sa apoy ang katapusan mo!" Turo ko sa maliit na alimango at rinig ko lang din ang bahagyang tawa ni Lorenzo kaya bumitaw agad ako.
"At anong nakakatawa?" Humakbang na akong nauna at iniwan na siya.
"It's your sudden expression, love. Ganito ka kasi." Tawa niya at napailing pa.
Inirapan ko na siya at mabilis na akong naglakad palayo sa kanya. Pero nahinto ako, dahil hindi ko alam kung bakit mas lumalayo kami ngayon sa bahay kubo. Kaya nilingon ko na siya pabalik.
"Hanggang saan ba tayo?" Pamaywang ko. "Ang layo na natin ah? Bumalik na lang tayo."
Humakbang na ako pabalik at nagsalubong na kami. Humarang agad siya sa daan ko at natawa.
I glared at him as he's playing chase with me. Sa bawat hakbang ko ay nakaharang siya, at bakas masyado sa mukha niya ang sobrang saya. Ang baliw talaga ng weirdong ito!
"Stop it, Lorenzo!" Sabay hakbang ko at harang ulit niya.
Umiwas agad ako at humakbang pakabila, pero walang silbi ito dahil ang matipunong pangangatawan ng dibdib niya ang nakaharang sa mga mata ko. Kaya nahinto na ako at tinitigan siya nang husto.
He was laughing, and the way he expressed it was so dense!
Namula na nga ang mukha niya dahil halata na ang inis sa mga mata ko. I actually don't like this. Hindi ko 'to gusto! Kung sa taong gusto ko makikipaglaro ng ganito ay tiyak nakalutang na ang puso ko. Pero hindi kay Lorenzo, dahil naningkit at sumikip lang ang dibdib ko.
"Get out of my way! And stop this!"
"We're not even halfway, love. Don't worry I will carry you if your feet gets tired," titig niya sa mga paa ko.
Humalukipkip na ako at mas kumunot na ang noo ko.
Nabaliw na nga ang weirdo na 'to! Dinaig pa 'ata si Francisco!
"You mean malayo pa tayo? E, isang oras na tayong naglalakaad, Lorenzo! E, puro buhangin at dagat lang naman ang nandito ah! Sa kabilang banda puro puno ng niyog at iyan! May bukid pa! Papatayin mo ba ako rito?" inis na tugon ko at ngumiti lang din siya.
Namaywang ulit siya at seryoso na akong tinitigan ngayon.
"Then, I will carry you."
My eyes widened when he unexpectedly scooped me. He lifted me, held my butt, and carried me with all his muscle strength.
"The heck, Lorenzo!" sorpresang tugon ko, at napahawak agad ako sa balikat niya.
"Don't move, love."
Humigpit lang din ang pagkakahawak niya sa akin at mas binilisan ang hakbang niya.
I was about to complain, but when I felt his movement, my inner senses changed. My heart pounded so hard, and my face heated.
Uminit ang mukha ko at hindi na ako nakapagsalita pa. This type of feeling is unusual and I felt like floating. Hanggang sa marinig ko ang munting boses sa tainga ko,
.
"Oh, God! Hawakan mo akong mabuti. Kapag ako nahulog patay ka sa akin!"
"I won't let you fall, love. I promise. Mahulog na ako, huwag lang ang mahal ko," halakhak niya. Halakhak nilang dalawa.
.
Pinikit ko na ang mga mata ko at humawak na ako nang husto kay Lorenzo ngayon. Ang mumunting halakhak na boses ng babae ang naririnig ko.
I opened my eyes again and swallowed hard. I don't know why, but I couldn't hear the waves of the sea or the breeze it made. Parang nabingi ako at ang boses nang babaeng tumatawa lang ang naririnig ko.
Mas humawak na ako nang husto sa leeg ni Lorenzo at niyakap lang din siya nang buo. I felt so scared and it deafened me at this moment. Hanggang sa mahinto si Lorenzo at pinakiramdaman ako.
"Are you okay? Hey?" bulong niya sa tainga ko.
"Love? Penelope? Are you okay?" tanong ulit niya.
Maingat na niya akong binaba at yumakap din siya nang husto sa akin ngayon. Nawala na ang boses na narinig ko kanina at rinig ko na ang ang alon sa dagat at ang hangin dito. Bumitaw agad ako at tinitigan lang din siya.
Puno ng pawis ang mukha niya at tagaktak ito. Napatitig ako ng husto sa mga mata niya at ang ganda nga naman.
His deep brown eyes are so beautiful. Lorenzo's eyes are like a healing phantom for me. I shook my head and face down. Pilit na inaayos ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay nawala ako kanina.
"O-Okay ka lang ba? I'm sorry... did I scare you?" nag-aalalang boses niya.
Napahilamos ako gamit ang palad at pagkatapos ay nag-angat na ako nang tingin sa kanya.
Naguguluhan ako, pero naiinis ako ngayon na pinagmamasdan siya. Simula kasi nang magpakilala siya na fiancé ko ay sari-saring emosyon na ang nararamdaman ko ngayon, at may mga bagay akong naalala at naririnig sa utak at tainga ko.
.
c.m. louden