E, hindi naman kami kalayuan mula sa Isla ng resort.
Binalik ko na ito sa bulsa ko at umikot na ako. Tinitigan ang kabuuang bahagi rito.
The Island is still wild and I bet, there's a lot of snakes and other creatures here at night. Inisip ko pa lang ito ay gusto ko ng bumalik sa resort. Pero ba't nga ba kami nandito?
.
"Hija, Viola. Pagbigyan mo na si Lorenzo, anak," si Mama sa kabilang linya. "I know you don't like him and maybe you hate him. But trust me, anak. Ayaw kong balang araw ay pagsisisihan mo ito at maging huli na ang lahat."
.
Bumuntonghininga na ako nang maalala ko ito. Noong nakaraang araw pa siya nangungulit sa akin na pumunta kami rito. Gusto niyang ipakita sa akin ito at gusto niyang makuha ang opinyon ko. Hmp, ang weirdo talaga ni Lorenzo.
.
I looked around again trying to find gems in this messy place. Binuksan ko na ang pinto na meron dito at may maliit na kwarto sa loob. May higaan, upuan at maliit na mesa. Walang kuryente, at may kandila sa gilid. Sinarado ko na ito at umikot na ako sa likurang bahagi ng kubo.
May dalawang malalaking puno na nagsisilbing silong sa init kaya malamig ang hangin sa bandang ito. Napangiti pa ako nang mapansin ang nakaukit na puso sa puno, kaya lumapit na ako rito.
Ang hugis puso na nakaukit sa puno ay halatang luma na. Napatitig ako sa letra at napaawang lang din ang labi ko. Parang nanlamig ang buong sistema ng katawan ko at kinakabahan na ako.
Don't tell me it's the initial of my name and Lorenzo.
The heck, ano ba 'to! Halos hindi ako makapaniwala at lumapit ako para haplusin ito.
.
Lorenzo love Viola... LGF and PVA forever, 8/18/2018
.
Namilog na ang mga mata ko at bumilis na ang t***k ng puso ko. I stared at it like I am being hypnotize at this moment. Hindi ko na namalayan na pumatak na ang luha ko at hindi ko naramdaman ito.
"Penelope?" tawag ni Lorenzo.
Napakurap na ako at agad na pinunasana ng luha ko. Umayos agad ako at humakbang na pabalik sa harapan ng kubo.
"Aray! Ang daming langgam!" Pagsisinungaling ko habang tinatangal ang tsinelas na suot ko ngayon. Hindi ko muna siya tinitigan at nagkunwaring nililinis ang stines ko dahil sa dami ng buhangin.
"What are you doing behind the hut house? Hindi ka man lang nag-iingat sa ahas," tugon niya.
"Ha? A-ahas!" biglang tuwid ko at lingon sa bawat gilid ngayon. Bahagya na siyang natawa dahil nataranta na akong talaga.
"I'm just kidding, love. This part is safe. But don't go wandering around on your own." Sabay lapag niya ng basket sa mesa.
Sinuot ko na agad ang stinelas ko at lumapit na ako sa kanya. Nilapag na niya ang plato at ang pagkain namin ngayon.
"Ang baliw mo talaga. Ba't ba kasi dito mo ako dinala? Ano bang mapapala ko rito. E, puro gubat at buhangin lang naman ang nandito ah! At kaninong Isla ba ito? Sa 'yo ba? Anong itatayo mo rito? Bahay nating dalawa?" inis na tanong ko at umupo na ako sa tabi niya.
He simply shook his head and chuckled while preparing my food.
"Oo, bahay nating dalawa and itatayo ko rito," ngiti niya.
"In your dreams! Ayaw ko rito. Nakakatakot at wala man lang signal!"
Ipinakita ko na ang cellphone sa kanya at nilapag ko ito sa gilid ng mesa. Hindi ko na pinansin ang expresyon ng mukha niya, dahil sa pagkain na napako ang paningin ko.
"Let's eat," tugon niya at nagsimula na ako.
.
Natahimik kaming saglit habang kumakain. Magkatabi kami ngayon at walang malisya sa akin ito. Natakot kasi ako kanina sa sinabi niyang mga ahas. E, matakutin pa naman ako nito. Pareho kaming nagkamay at wala akong kaarte-arte pagdating sa kanya.
What he see on me right now is what he gets! Hindi naman talaga ako maarte at kaya kong kumain kahit ano pa.
"Alam mo, masarap 'ata ang buko ng punong iyan oh." Nguso ko sa kabilang puno ng niyog at napatingin agad siya nito.
"Do you want some? Hang-on." Sabay tayo niya at punas nang kamay gamit ang wet wipes.
"Mamaya na. Kumain ka muna," wala sa sariling tugon ko.
"No. I'll get some for you now. Just stay here and watch me," kindat niya at ngiti pa. Napailing na ako at gusto ko sanang matawa pero pinaikot ko lang din ang mga mata ko sa kanya.
I watch him walking towards it as he started climbing it. Napangiti akong pinagmasdan siya. May lahing ungoy rin pala si Lorenzo. He perfectly climb the coconut tree swiftly. Parang walang kahirap hirap ito sa kanya. Inihulog niya lang din ito sa lupa at maingat na bumaba na. Kinuha niya ang dalawa at humakbang na palapit sa akin. May itak din siyang dala at binuksan na ito.
"Here, love." Lapag niya nito sa mesa ko. Nilagyan pa niya ng straw ito.
"Salamat." At ininom ko agad 'to.
"Matamis. Tikman mo." Lahad ko nito sa kanya at uminom na siya.
I stared at him smiling while his drinking the buko juice. We actually shared the same buko and the same straw. Hindi ko inisio ito at ngayon ko lang din napansin na komportable ako sa kanya.
"Magbubukas pa ako ng isa," tugon niya at tumayo na.
Tinitigan ko lang siya at halatang pinagpapawisan na siya sa ginagawa. Tapos na din akong kumain kaya walang ibang magawa ang mga mata ko kung 'di pagmasdan lang siya.
"Matutunaw ako, love." Lapag niya nang isa pa sa mesa.
I am actually curious right now. Paano ko ba siya nagustuhan noon? Sino ba ang baliw sa aming dalawa?
I find it hard to believe that Lorenzo is my fiance. Hindi ko pa kasi makita ang sarili ko na kasama siya. Pero sa nangyayari ngayon at sa paligid ko ay nagdududa na ako sa pagkatao ko.
.
c.m. louden