Kabanata 21

1056 Words
Curios . Buong gabi ako hindi nakatulog. After that conversation with him I choose to walk away. Iniwan ko siya sa kwarto at hindi ako bumalik hangga't hindi siya lumabas. I don't know what to say to him, and I don't know if he's stating a fact or lie. Ang totoo naguguluhan na ako. Lahat sila nagsasabi na hindi pa ako magaling at may kulang pa. . Nag ayos na ako sa sarili ko dahil pupunta kami ngayon sa kabilang Isla. Hindi ko alam kung ano ang meron roon, pero may kaugnayan ito sa ipapagawang bago. I don't know if this is part of the resort, but I'm okay with getting away from here and going to the other island. Nagsawa na ako sa mukha ni Lorenzo sa bawat araw ko rito. It's nearly two weeks and seeing him everyday really annoys me. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita siya. And seeing him with Rainbow makes me happy. Mas bagay 'ata sila at mas maganda kung sila na lang din talaga! But the heck, I know that he's treating Rainbow as his younger sister. Halata naman masyado siya kung makaasta na parang kuya na siya ni Rainbow at katulad ni Ivan. And speaking of Ivan, ang weird niya rin. Madalas akong nakatitig sa kanya at hindi ko alam kung bakit. His image alone is so familiar that I have seen him before. Hay, nku! Ang gulo-gulo na ng utak ko! . "Good morning, Miss Viola," si Manong Primo. "Hello po, Manong, si Lorenzo?" "Nasa dock na po at naghihintay sa inyo. Ihahatid na po kita, Miss Viola." "Huwag na, Manong. Salamat. Malapit lang naman ito. Alam ko na po. Sige po!" Kaway ko at humakbang na ako palayo sa kanya. Nakatitig lang din siya sa akin at ngumiti na ako nang nilingon ko siya. I haven't had my breakfast yet. Hindi pa ako gutom at kape lang din ang ininom ko kanina. I'm wearing my denim black short and floral shirt. Suot ko pa ang malaking sombrero sa ulo ko at bitbit ang summer bag ko. I bought some pads and other little things with me. May extrang damit din akong dala. I am excited for this. Although I don't like the idea that Lorenzo is with, ay alam kong may iba naman kaming kasama. Well, that's what I thought but the heck, kaming dalawa lang pala! "Tayo lang?" Kunot-noo ko habang inalalayan niya ako paakyat dito. "Ivan is supposed to join us, but he's got an emergency call. Kaya tayo lang muna." "What about Rainbow? Ang iba?" Sabay lunok ko nang tumuntong ang mga paa ko sa yate na ito. "I can't take Rainbow with us, and besides she's on her online class. Nag-aaral pa iyong bata," tiim-bagang niya. Humakbang na ako patungo sa cabin sa bahaging baba at nilapag ko lang ang bag na dala ko. I looked around the yacht and everything here is complete. Napansin ko agad ang fishing gear niya sa gilid. "Mangingisda ba tayo?" tanong ko habang abala siya sa paghila ng lubid. "We'll see. I bought some food with us, and if we run out, we can catch some fish," he smiled. "A-ano? What do you mean? Hindi ba tayo babalik agad sa resort?" Kinabahan na akong tinitigan siya. "We will. Babalik tayo, pero naghahanda lang ako." Bahagyang ngiti niya at tumaas lang din ang kilay ko. "Ang baliw mo talaga ano? Sana nga mahulog ka!" Sabay irap ko sa kanya at tinalikuran na siya. Natawa na agad siya habang inaayos ang lubid ng yate. He then walked closer to the ship's steering wheel and started it. I sat down near the back, where I could see the side of the yacht. Maliit lang ang yateng ito pero kompleto naman lahat dito. Solar panel ang nagpapaandar sa lahat sa loob. Tahimik kaming dalawa at inaaliw ko lang din ang sarili ko sa dagat. Hanggang sa mapansin ko na ang Isla sa unahan, Mukhang doon kami patungo. . It took us two hours and a half. Inihinto niya ito sa may docking spot. Mabuti na lang at nagawan ng docking spot rito. Madalas kasi sa mga Isla ay walang docking spot kaya nahihinto ang yate sa bandang gitna ng dagat. The wooden pathway down to the white sand is really durable. At least hindi mababasa ang paa ko sa tubig dagat. Nauna na akong bumaba at nakasunod lang din siya sa likod ko. Nahinto ako at tinitigan ang kabuuan ng Isla. Malaki ito, pero magulo pa. Maraming punong niyog at ibang uro ng puno sa paligid. The Island itself seems very lonely. Hindi ko alam, pero ito ang nararamdaman ko rito. "What do you think?" tugon niya sa likurang bahagi ko at tumabi na siya sa akin ngayon. Napako pa rin ang kabuuang titig sa buong Isla. "Ang bigat... Ang lungot dito." Wala sa sariling tugon ko at humakbang na ako. I put on my sunshade because the sun is too bright in my eyes. I stop momentarily when I notice little crabs everywhere, walking freely in the sand. I smile, and I turn around to see Lorenzo's face. He's staring at the same thing. "Don't worry. They don't bite," ngiti niya at tumabi na agad siya sa akin. "Alam ko." Ngumiwi ako sa kanya at humakbang na ako patungo sa may bahaging kubo. Hindi ito kalayuan mula rito. It's made of nipa hut and the way it's built was obviously from all the materials around the Island. Tinangal ko na agad ang suot kong sun shades dahil okay na sa bandang ito. Ang bahay kubo na yari sa mga materyales na makikita mo lang dito ay maganda. "Oh, I forgot. I'll be right back. Kukunin ko lang ang ice chest at nang makakain na tayo," tugon niya at tumango na ako. I stared at him walking away from me. Naka-singlet na puti lang din siya at army khaki short. Makisig at matipuno ang pangangatawan ni Lorenzo at kahit na sino mang babae ay gustong-gusto ito. Pero sa tuwing nakikita ko ang lahat ng tattoo sa braso niya at naiinis akong pagmasdan siya. Sayang perpekto na sana. Isip ko habang pinagmamasdan siya. Dinukot ko na ang cellphone sa bulsa, at ngumuso ako dahil wala ni isang signal dito. Heck, saang lupalop ba kasi ito ng mundo? . c.m. louden
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD