Chapter Six

2230 Words
Chapter Six             “Anak okay ka lang?” tanong ni Mrs. Soledad nang makauwi ang anak galing sa outing. Napansin niyang matamlay ito at namamaga ang mga mat anito senyales na galling ito sap ag-iyak.  “I’m okay Ma, I’m just tired,” sagot sa kanya ng anak at dumeretso na ito sa kanyang kuwarto. Pagpasok ni Thea sa kuwarto niya ay pabagsak siyang humiga sa kanyang kama. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanya ngayong araw, hinalikan niya ang lalaking gusto niya ng walang kamalay-malay. Napahawak siya sa kanyang labi at iniisip ang ginawa niyang paghalik.  “Masarap 'di ba?” napatayo siya nang makarinig ng boses. Tiningnan niya ang paligid at wala naman siyang ibang kasama dito.  “Ano ba ang feeling ng mahalikan siya? Satisfaying ba?” tanong ng boses, this time ay napatingin na siya sa kanyang vanity mirror. Kakaiba ang kanyang repleksyon, matalim ang mga mat anito ay may kakaibang ngiti. Napapaligiran din ng kulay berdeng apoy ang katawan ng nasa salamin.  “S-sino ka?” Dinaluhong ng takot ang kanyang dibdib, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.  “Ako ay ikaw, ikaw ay ako,” sagot sa kanya ng repleksyon. Tumayo na siya at dahan-dahang nilapitan ang salamin at talagang magkamukhang magkamukha sila. “So ano? Ano feeling mo ng halikan ang lalaking gusto mo?” tanong sa kanya at napahawak siya sa kanyang labi. “I-I don’t know, hindi ko matandaan. Nagulat na lang ako ng sabunutan ako ni Mica,” sagot niya at tumawa ang nasa reflection niya.  “I know marami kang gusto na mayroon ang babaeng iyon. I can help you to achieve that. Lahat ng kanya, puwede mo ng makuha,” sabi niya at napaisip siya. Lahat ay mayroon ang babaeng iyon, friends, fame, boyfriend. Name it, she has it all. Tumingin siya ng deretso sa mata ng kanyang kausap. “Papaano?” tanong niya at lalong ngumiti ng kakaiba ang kanyang repleksyon. “Accept me, put your hand in the mirror,” utos sa kanya at kaagad naman niyang ginawa. Nagulat siya ng pumasok sa loob ang kamay niya. “Wait! What is happening?” tanong niya pero tanging halakhak lang ang isinagot sa kanya. Wala na siyang nagawa ng pumasok na ang buong katawan niya salamin. Pagkapasok niya ay nginitian lamang siya nito at lumabas na ng salamin. “This is the price you will pay, inggitera ka!” sigaw sa kanya. Pinilit niyang lumabas sa salamin pero hindi na siya makalabas pa. Hinampas niya ang salamin hanggang sa nagkaroon ng lamat ang salamin. Dito na siya napaluhod at nagsimulang umiyak. “What have I done?” tanong niya sa kanyang sarili.             “Happy?” napatingin ang pekeng Thea sa nagsalita at tumango. “Very happy. Sa wakas ay nakalabas din ako sa pagkakakulong ko. In denial pa ang loka pero dahil sa pagiging inggitera niya lalo lamang lumakas ang mga desires niya. Thanks,” she said and Leviathan just smiles at her.  “Just don’t get yourself caught. Kapag nangyari iyon, malalagot tayo,” Leviathan said at naglaho na sa pamamagitan ng berdeng apoy. Pagkalabas ni Levi ay masaya siyang nahiga sa kama at nagpagulong-gulong. “Sa wakas! I’m free! I can do whatever I want!” sigaw niya at tumayo saka tumalon-talon sa kama. Siya ang isa pang katauhan ni Thea, ang nagtatago sa kanyang mga maitim na kagustuhan. Ngayon ay sa tulong ni Levi ay nabigyan siya ng pagkakataong makalabas at hinding hindi niya hahayaang makabalik ang orihinal na Thea.             Ilang araw na ang lumipas at napapansin ni Mrs. Soledad na kakaiba ang ikinikilos ng anak. Lagi itong umuuwi ng maraming dalang mga gamit at mukhang mamahalin pa ito, minsan ay may dala siyang lalaki na siyang ikinagalit niya pero hindi lamang siya pinansin. Iniisip niya na baka nagrerebelde lang ang anak hanggang sa isang gabi ay kumakain sila, ngayon na lang ulit nila nakasabay sa hapag ang anak.  “Maraming salamat, Panginoon sa pagkaing iyong handog---” natigil ang kanilang pagdarasal nang hampasin ng anak nila ang hapag. Gulat na gulat sila sa inasal ng anak nila.  “Thea, huwag kang bastos. Alam mong nagdadasal tayo,” suway sa kanya ni Mr. Soledad at umirap lang sa kanya ang anak.  “Why do we need to pray? As if there is God!” sigaw sa kanya. Dito na nagalit ng husto si Mr. Soledad at sinampal niya ang anak. “Kailan ka pa naging bastos? Kalian ka pa natutong kwestyunin ang Panginoon? Magdasal ka! Hindi tayo magsisimula hangga’t hindi ka nagdadasal!” sigaw niya at sinamaan lang siya ng tingin.  “Ayoko,” matigas na sagot sa kanya. Sa asar niya ay kinuha niya ang kamay ng anak at akmang pagsa-sign of the cross. “In the name of the Father, of the son---” nabigla sila ng marahas na binawi ng anak ang kamay at tila umuusok ang noo at daliri nito. “Sinabing ayoko!” sigaw nito sa kanila at itinapon lahat ng pagkain mula sa lamesa. Dito na nila napansin na tila nag-iiba na ang boses ng anak, malalim na para bang galing sa ilalim ng lupa.  “Thea!” sigaw ni Mrs. Soledad ng tumakbo ang anak papasok ng kuwarto nito.             “Hindi, hindi!” sigaw niya nang makitang nasunog ang kanyang noo at daliri.  “That b*stard!  Pinilit niya akong magdasal!” sigaw niya at tila gumagapang sa noo niya ang sunog. Sa galit niya ay nagwala siya. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay naglutungan ang mga gamit sa loob at hinagis niya ito sa kung saan man. Narinig niya ang pagkatok sa pinto pero hindi niya ito pinansin.  “Thea? Anak? Ano bang nangyayari sa iyo?” dinig niyang tanong ni Mrs. Soledad pero hindi niya ito pinansin.  “Nakakaasar! Nakakaasar!” sigaw niya. Napatigil siya ng may biglang apoy na lumitaw sa gilid ng kama niya. Isang apoy na kulay kahel.  “Sinabi na sa iyo ni Levi na huwag kang magpapahuli o magpapahalata hindi ba?” tanong sa kanya nito. Nagulat siya ng unti-unting nawala ang apoy at lumitaw ang demon of pride na si Lucifer.  “Lucifer?” lumapit si Lucifer sa kanya at napaatras siya.  “A-anong gagawin mo sa akin? Nasaan si Leviathan?” tanong niya.  “Idiots can be found everywhere. Isa ka na doon. Sinabihan ka na, masyado kang nagpakampante dahil kapag nahuli ka lagot ka. Hindi ka na naming matutulungan pa.”  “Pero teka Lucifer! Tulungan niyo ako! Paniguradong hahanap sila ng paraan kapag nalaman nilang hindi ako ang anak nila! Ayokong mawala dito! Tulungan moa ko Lucifer!” pakiusap niya pero imbes na tulungan siya ay ngumiti lang ito sa kanya. A sinister smile.  “Lucifer!” sigaw niya pero tuluyan na itong naglaho. Dito na siya nagwala. Ilang bolang apoy na kulay berde ang pinakawalan niya.  “Thea!” sigaw ni Mrs. Soledad ng makita ang ginagawa ng anak. Hindi namalayan ni Thea na nasa likod na niya ang ama at dito siya hinampas ng vase sa ulo dahilan para mawalan siya ng malay.  “There is something wrong with her. Hindi siya si Thea,” sabi ng kanyang asawa.  “What?”  “Narinig natin siyang tinatawag ang pangalang Lucifer and see that green fire? Hindi ordinaryong tao ang gagawa niyan,” paliwanag sa kanya ng asawa.             Marami na silang hiningian ng tulong. Ilang albularyo na din ang umatras sa kanila. Mayroong isa ang sumubok pero namatay ito dahil sa atake sa puso. This time lumapit na sila sa pari ng kanilang Parokya, si Father Jose.  “Pasensya na pero hindi ako isang exorcist. Wala akong kaalaman sa kanyang bagay,” sabi sa kanila ng pari. Hinawakan ni Mrs. Soledad ang kamay ng pari at nakiusap.  “Please Father, help us. We need help. Tulungan niyo ang anak ko,” umiiyak na pakiusap niya. Napabuntong hininga siya.  “I can see what I can do.”             “Umalis ka dito!” sigaw sa kanya ng demonyo nang makapasok siya sa loob ng kuwarto. Bitbit ang kanyang mga gamit ay inilapag niya ito sa isang lamesa. Binuksan niya ang kanyang bag at isinuot ang kwintas na krus at ang kanyang estola. Kinuha niya ang kanyang bibliya at nagsimula ng magdasal.  “In nomine patris et filii et spiritus sancti. Amen,” (In the name of the Father, of the son and of the holy spirit. Amen.) panimula niya at sinabuyan ng holy water ang babae. Dito na nagwala ng husto ang babae, parang asido ang epekto sa babae ng holy water. Nagkabutas butas ang mukha nito at may kung anong likido na lumalabas mula sa bibig nito.  “Pater noster, qui es in Caelo, Adoremus nomen tuum. Erit nostrum regnum tuum. Tuum sequere cor hie in terris in caelis.,” (Ama naming sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para lang sa langit.)   “Ah! Itigil mo ‘yan! Nasasaktan ako!” sigaw sa kanya at muling niyang sinabuyan ng holy water ang babae.  “Panem nostrum cotidiánum da nobis hódie; Et dimitte nobis debita nostra, Sicut et nos dimittimus debitoribus nostris qui est;” ( Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw; at patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin,) this time ay kinuha niya ang isang sang ana ibinabad niya sa holy water at pumunta sa paanan ng babae.  “Nec sinit tentari. Et nos ab omni malo defendat. [Et erit in te regna: et potestas, et gloria in sempiternum.] Amen.,” (At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. [Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan.] Amen.) muli siyang nag-sign of the cross.  “Lumayas ka sa katawan ng babaeng ito!” sigaw niya at hinampas niya ng sanga ang mga binti nito. Umiyak sa sakit ang babae.  “Hindi! Hindi ako aalis dito! Lumaya na ako mula sa pagkakaulong ko! Hayaan niyo akong maging malaya!” sigaw sa kanya.  “Malaya?” tanong ni Father Michael. “Matagal na siyang kinakain ng kanyang inggit. Siya ang lumikha sa akin. Mismong si Thea ang gumawa sa akin. Ako ang kanyang madilim na pagkatao. Isang inggitera na lahat ng bagay ay gusto niya mayroon siya! Ngayong nakalabas na ako hinding hindi ako aalis dito!”  “Ikaw ang katauhan niyang puno ng inggit. Katauhang kinu-corrupt ng mga demonyo. Ikaw ang bumigay hindi si Thea. Ikaw ang may kagustuhan, hindi si Thea.”  “Kagustuhan niya ito! Nabulag siya sa kanyang inggit!”  “Tinanggap mo ang kapangyarihang binigay sa iyo ng demonyo!” sigaw niya at muli siyang hinampas ng sanga ang binti nito. “Umalis ka sa mundong ito! Hindi ka nararapat sa mundong ito!” sigaw niya. Kinuha niya mula sa kanyang bag ang isang salamin, isang full body mirror. Itinapat niya ito sa babae at nasunog ang katawan nito.  “Umalis ka diyan!” napatingin sila sa repleksyon mula sa salamin at nakita nila ang orihinal na Thea. “Umalis ka diyan!” sigaw ulit nito.  “Hindi! Hindi ako aalis!” Dito na itinapat ni father Michael ang salamin sa katawan ng babae. Nagsusumigaw ito at tila hinahatak siya papasok ng salamin.  “Hindi! Ayoko!” sigaw niya at tuluyan na siyang hinigop ng salamin.  “Sit tenebræ tuæ concupiscentias rott in inferno,” (May your darkest desires rot in hell.)  Nilapitan na niya ang babae at bumalik na sa dating hitsura nito. Inalis na niya ang mga tali nito sa kamay at paa.  “Father, salamat!” sabi sa kanya ni Thea at niyakap siya ng mahigpit.  “Welcome. Huwag mong hayaang lukubin ng inggit mo ang iyong puso. Manalig at magdasal ka sa Panginoon, hindi ka niya pababayaan,” sagot niya. Tumayo na siya at binuksan ang pinto. Nakita nila ang mag-asawa na naghihintay sa kanilang sala at taimtim na nagdadasal.  “Mom? Dad?” tawag ni Thea at agad na napatingin sa kanya ang mag-asawa.  “Thea!” lumapit ang mag-asawa at niyakap siya ng mahigpit. Lumapit naman si Father Jose kay Father Michael at tinapik ang balikat niya.  “Good job, Father,” sabi sa kanya at inirapan lang niya ang kapwa pari. “That was easy. Si Leviathan ang may pakana ng lahat ng ito,” paliwanag niya at tumingin sa kanya ang pamilya.  “Leviathan?” tanong ni Thea.  “Si Leviathan, the demon of envy. Inggit. Kaya iwasan mo na ang pagiging inggitera mo,” he said at inayos na ang kanyang gamit. Lumapit si Mrs. Soledad at inabot ang isang puting sobre.  “Father, pasasalamat ko sa iyo,” sabi ni Mrs. Soledad at kinuha niya ito sabay pasa kay Father Jose.  “Teka? Para sa iyo ito,” sabi sa kanya at umiling naman siya.  “Nope. You can have it. Para lalong gumanda ang Parokya mo,” he said at lumabas na ng bahay.  “Father Michael!” napatingin siya kay Father Jose na hinabol siya sa labas ng bahay. “O bakit?” tanong niya. “Salamat sa iyong tulong,” tumango na lang siya bago sumakay sa kanyang kotse. Nagsindi pa siya ng kanyang sigarilyo bago pinaandar palayo ang kanyang kotse.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD