Chapter Five

2307 Words
Chapter Five YEAR 2020, PILIPINAS             “Father? Father Michael?” tawag ng isang sacristan na pumasok sa kuwarto ng pari. Napangiwi siya ng makita kung gaano kagulo ang silid nito. Nagkalat ang mga papel, libro, upos ng sigarilyo at ilang bote ng alak. “Hala, ano ba naman itong pari?” bulong niya sa kanyang sarili. Marumi, magulo at mabaho ang silid. Nang pumasok pa siya lalo ay nakita niya ang pari na nakahiga at humihilik pa. nakasuot ito ng simpleng shorts at sando. Nilapitan niya ang pari at ginising, “Father Michael? Father?” tawag niya at marahang niyugyog ang binti ng pari. Umungol ang pari at nag-iba ng puwesto, tumalikod ito sa kanya. “Paano ba ‘to?” bulong niya. Muli niyang niyugyog ang binti ng pari na mas malakas kaysa kanina, mukhang natinag na din ang pari. “Ano ba ‘yun?” tanong sa kanya. “Ah e Father, tanghali na po kasi,” sagot niya. Bumangon na ang pari at tiningnan siya, halatang nag-inom na naman mag-damag ang kausap niya. Humikab pa ito saka siya muling tiningnan, “Anong oras na ba?” tanong sa kanya. Tiningnan niya ang relo niya at pasado alas onse y media na. “Father, eleven- thirty na po. Tanghalian na,” sagot niya. Tumayo na ang pari at nagtungo sa banyo upang mag-ayos. “Father, hinahanap po pala kayo ni Father Jose, mukhang importante ang sasabihin niya,” sabi niya at inilabas naman ng pari ang ulo niya sa pinto ng banyo. “Nandiyan siya ngayon?” tanong sa kanya at tumango naman siya. “Opo, kanina pa nga po niya kayo hinihintay. Lalabas na po ako, Father, manananghalian na muna ako,” sagot niya at tuluyan ng lumabas ng kuwarto ng pari.             Pahikab-hikab pa si Father Michael habang isinusuot ang kanyang sotana. Tiningnan niya ang kanyang sarili at halatang may-hang over pa siya. “Mukhang naparami ang inom ko kagabi,” sabi niya sa kanyang sarili. Inayos niya ang kanyang sarili dahil alam niyang sermon ang aabutin niya kapag nakita siyang wasted ni Father Jose. Paglabas niya ay agad siyang dumeretso sa kusina, doon ay binati siya ng ilang tauhan ng simbahan. Nagtimpla siya ng sarili niyang kape para kahit papaano ay maibsan ang kanyang hnag-over. Pagkatapos ay nagpunta siya sa kanyang opisina, doon nakita niyang nakaupo na si Father Jose. “Good morning Father Jose!” batai niya at tinaasan lang siya ng kilay ng kapwa pari. “It’s almost noon, Father Michael. Look at yourself! You look wasted and you stink! Ganyan ba dapat ang hitsura ng isang lingkod ng Diyos?” pangaral sa kanya na ikinaikot lang ng mga mata. Si Father Jose ang tumatayong bishop ng kanilang bayan, malapit niyang kaibigan at halos magkapatid na ang turingan nila. Hindi niya pinansin ang pari at naupo na sa kanyang office chair saka huimigop ng kapeng barako. “What can I do for you Father Jose?” tanong niya na lalong ikinainis ng pari. Natawa siya dahil halatang-halata ang pagpipigil na masapok siya. “Tanghali na pero ngayon ka palang magkakape,” puna sa kanya. “Kanya-kanya lang tayong trip Father,” sagot niya at muling humigop ng kape. “Michael,” dama niya ang pagiging seryoso ng pari kaya umayos na siya at ngumiti. “Ano ba ang sadya mo at nagpunta ka dito sa Parokya ko Father Jose?” tanong niya. “Ikaw lang ang alam kong malalapitan ko,” sagot sa kanya. Tumayo ang pari at nagpalakad-lakad saka muling humarap sa kanya. “Tulungan mo ako, Michael,” sabi sa kanya. “Papaano kita tutulungan kung hindi mo sinasabi ang gusto mo? Ano bang nangyari?” tanong niya. Huminga ng malalim ang pari, “I need your help. Help me to exorcize a demon,” sagot nito sa kanya. “Why me? Ang daming exorcist priest ah, bakit ako? Si Father Henry, bakit hindi siya ang kausapin mo dito?”  “Father Henry declined as well as Father Robert,” sagot sa kanya. “Ah, so I’m your last resort,” sabi niya at nilagok na ang kapeng tinimpla niya. “Ano bang nangyari?” tanong niya. “There is a family in my town na ginagambala ng demons. They seek helped sa albularyo pero namatay ang albularyo. This time they asked me to help them but alam mo naman na hindi ako exorsist. Sina Father Robert ayaw nilang mag-deal about demons, kung spirits daw papayag sila but demons? They said a big no,” paliwanag sa kanya.  Natawa siya at inalala ang dalawang pari na nakasama niya sa exorcist class noon. “Mga duwag namang dalawang ‘yun eh. Mga walang bayag naman sila eh. Namimili pa ng mga cases samantalang mga pari sila. Dapat hindi tayo namimili ng tutulungan. Sabi ko naman sayo noon ay magtake ka na din ng exorcist course eh.” Umiling naman si Father jose. “No, hindi ko kaya. Hindi kaya ng isipan ko ang mga ganyang bagay,” sagot sa kanya.  “Sige bukas, lalakad tayo,” sabi niya na ikinatuwa ng kapwa pari. “Thank you!” sa tuwa ng pari ay niyakap siya. “Nah, don’t thank me yet. Wala pa nga akong ginagawa eh.” Humiwalay sa pagkakayakap sa Father Jose at napangiwi sa amoy niya. “Naligo ka ba? You really stink. Sakit sa ilong ng amoy mo. Tigilan mo na nga iyang bisyo mo. Baka kwestyunin pa ng mga tao ang pagiging pari mo kapag nakita ka nilang ganyan. Smoking and drinking alcohol.” “Hayaan mo sila sa kung ano ang iisipin nila. Kilala ko ang sarili ko so why I give a sh*t about them?”              “Lumayas kayo! Umalis kayo dito!” napaatras sila ng sumigaw ang dalaga na nakatali ang mga paa at kamay sa kama. Napangiwi pa siya sa hitsura ng dalaga, kulay pula ang mga mata nito at may kung ano ang inilalabas nito sa bibig nito. Muling sininara ng ina ang pinto ng kuwarto ng dalaga at mangiyak-ngiyak na tumingin sa dalawang pari. “Please, help my daughter. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya,” sabi ni Mrs. Soledad ang ina ng dalaga. Bumalik sa pagkakaupo sa sofa si Father Michael at agad namang sumunod si Father Jose at si Mrs. Soledad.  “Ano bang nangyari?” tanong niya.  “Nagsimula ito noong galling siya sa outing nilang magkakaibigan. They went to mountain hiking then pagkauwi niya dito sabi niya masama na ang pakiramdam niya. We thought simple flu or trangkaso lang ito but nagiging kakaiba na ang mga ikinikilos niya. She has a power to move objects then ipapatama sa amin. Nag-iba na din ang boses niya. A very deep voice na parang galing pa sa ilalim ng lupa. Minsan, narinig ko siyang may kausap and narinig ko ang pangalang Lucifer,” kuwento sa kanila ni Mrs. Soledad. Nagkatinginan ang dalawang pari and Michael confirmed it na demon nga ang gumagambala sa kanila. “May nakita ka bang kakaibang kulay ng apoy sa kanyang katawan or mata or anything?” tanong ni Father Michael.  “One time, nakita ko siyang umaapoy ang kamay niya at kulay green ito,” sagot sa kanya,” napatango siya.   “Sa tingin ko, hawak siya ng demon of envy na si Leviathan. Mukhang may nangyari sa anak mo during her trip at tinake-advantage ito ng demon. Don’t worry, I’ll save her,” he said at halos lumuhod na si Mrs. Soledad sa tuwa.  “Thank you, Father!” sabi sa kanya at umiling ang pari. “Don’t take me yet. Wala pa akong ginagawa.”              “Thea, let’s go na?” Napatango ang dalaga sa kaibigan at nagsimula na silang umakyat ng bundok. Habang umaakyat silang magkakabarkada ay hindi niya maiwasang mapatingin sa dalawang pares na nasa unahan nila. Napasimangot siya dahil sa ka-sweetan na mayroon ang dalawa. Naninibugho ang damdamin niya dahil ang saya-saya ng dalawa samantalang siya ay napilitang sikmurain ang nagyayari sa kanila.  “Huy! Okay ka lang?” tanong ni Jeffrey sa kanya at agad naman siyang tumango. “Oo naman,” sagot niya. “Alam mo, hindi mo naman dapat pilitin ang sarili mo eh. Alam kong nasasaktan ka ng malaman mong mag-on na sila ni Karen.” Napatingin siya sa kaibigan at inirapan ito. “I’m not hurt okay? I’m happy for them. Very happy,” mapait na sagot niya at iniwan na ang binate. ‘That b*tch! Lahat na lang ng gusto ko nasa kanya! Fame! Money! Friends! Even the boy I want! Lahat na lang napupunta sa kanya! I hate that b*tch!’  bulong niya sa kanyang sarili. Walang kamalay-malay na may nagmamasid lang sa kanya.             “Wow! Mukhang another victim ah,” sabi ni Asmodeus kay Leviathan o mas kilala bilang Levi na demon of envy. Nakasandal sa puno ang lalaking at napangiti ng maramdaman ang inggit lumulukob sa dalaga.  “Why do people are so envious?” tanong pa nito sa kanya. Tiningnan niya si Asmodeus na nakaupo sa taas ng puno habang pinagmamasdan ang grupo na lumagpas na sa kanila. “That is the most stupid question, Asmo. Of course, people are envious because I am here. Trabaho ko ‘to no,” sagot niya. Natawa naman ang kapwa demon niya sa kanya. “Ikaw din stupid! Sinagot mo tanong ko eh!” pang-aasar ni Asmodeus, ang demon of lust. Sa asar ni Levi ay hinatak niya ang paa ni Asmo dahilan para lumagapak ito sa lupa. “Ow! Why so salbahe, Levi? Di ka na mabiro eh!” reklamo niya at tumayo na habang sapo ang kanyang balakang. Inirapan na lang ni Levi ang kapwa demon at sinundan na ang mga nagha-hiking.             Pagdating sa summit ay manghang-mangha ang lahat sa ganda ng tanawin maliban kay Thea. Hindi niya magawang maappreciate ang tanawin dahil nagdidilim ang paningin niya sa dalawang pares na todo kuha ng litrato. ‘Itulak ko kaya silang dalawa? Masyado silang masakit sa mata,’ usal niya sa kanyang isipan. “Nakakainngit 'no?” napalingon siya dahil sa may bumulong sa kanyang tainga. Tiningnan niya ang paligid at napansing busy ang lahat sa pagseselfie.  “Lahat ng mayroon siya ay wala ka,” dagdag pa ng boses niya. ‘Sino ka?’ tanong niya sa kanyang isipan. “Nothing. You don’t need to know who I am,” sagot sa kanya ng boses. ‘Sino ka?’ tanong ulit niya. “Bakit siya nasa kanya ang lalaking gusto mo? Ano bang mayroon siya na wala ka? Bakit siya nakukuha niya ang lahat ng gusto niya samantalang ikaw hindi?” napatakip siya ng kanyang tainga dahil sa boses na lumalason sa kanyang isipan.  “Okay ka lang Thea?” tanong ni Jeffrey at nilapitan siya pero itinulak lang niya ang binata.  “Why don’t you kiss the man you like? Para naman matikman mo siya, para naman malaman ng babaeng iyan na kaya mong agawin ang syota niya.” Tila may mainit na pumasok sa kanyang dibdib papasok sa kanyang puso. Para bang nakalutang ang kanyang isipan. Hindi na niya alam ang nagyayari pero gumagalaw ang kanyang katawan. Nagtaka ang lahat ng makita si Thea na lumapit sa dalawang magkapares na masayang nagpapaicture. Nabigla ang lalaki ng hawakan siya sa braso ng dalaga. “Thea?” tanong niya at seryoso lang itong nakatingin sa kanya. “Hey! What are you doing b*tch?” tanong ng nobya nito sa kanya. Nagulat ang lahat ng hatakin ni Thea ang leeg ng lalaki at hinalikan ito. Halos hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita, ang lalaki naman ay tila nagustuhan ang ginawa ng dalaga at sinagot ang maalab na halik nito.  “How dare you!” sigaw ng nobya at hinatak palayo si Thea at doon na sila nagkasakitan. Sa di kalayuan ay may dalawang tuwang-tuwa sa kanilanh nakikita.  “You saw the face of the girl? That was priceless!” sabi ni Asmo na tawang tawa sa tabi.  “I know. Ikaw ang salarin why the jerk kisses the b*tch back,” sabi ni Levi at tumigil naman si Asmodeus sa pagtawa.  “Of course, to spice things up! Boring kapag walang ginawa ang boy,” sagot sa kanya at napailing na lang si Levi.             Hindi niya alam kung ano ang nagyayari sa paligid niya, wala na siyang maintindihan. “Malandi ka! Mang-aagaw! Inggitera!” sigaw sa kanya ng babae habang siya naman ay pilit na tumatayo. Nilapitan siya ni Jeffrey at inalalayang makatayo.  “Ano bang nangyari?” tanong niya kay Jeffrey at nagtaka naman ang binata sa kanya.  “Ha? You didn’t know what you did? Lumapit ka sa kanya then kissed him,” sagot sa kanya at siya naman ay gulat na gulat. “What? I did that?” tanong niya. “I-I’m sorry! I don’t know what happened! Hindi ko alam wala akong maalala!” sigaw niya na lalong ikinagalit ng nobya. “Babe, don’t get mad!” sabi ng lalaki at ito naman ang pinagbalingan niya. “Isa ka pa! Magsama kayong dalawa! Break na tayo!” sigaw ng nobya. “Look babe, hindi ko alam bakit ako sumagot sa lhalik niya.” “Gagawin mo pa kaming tanga? Bulag? Come on! Magkasama kayong mga baliw!” at padabog na umalis ang nobya. Nagkatinginan sila ng lalaki at sabay ding nag-iwas ng tingin. “Honestly, I don’t know what happened. Pag-akyat natin dito there’s a voice inside of my head. Then suddenly wala na akong maalala,” paliwanag niya kay Jeffrey. “Come on, let’s go home. Ihahatid n akita sa inyo,” sagot ng binata sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD