Chapter Seven

2032 Words
Chapter Seven             Napangiwi siya ng marinig ang nakakabinging sigaw ng kanyang pasyente. Sinilip niya ang pasyente at halos sirain na ang mga gamit sa loob ng hospital room nito. Tinatanong niya ang kanyang sarili bakit ba siya nandito sa lugar na ito samantalang hindi naman siya psychiatrist o psychologist. Isa siyang physician, hindi siya ang gumagamot sa mga nasiraan ng bait.  “Doc, pasensya na at pinatawag ka namin dito. Gusto lang naming siya ipa-check sa iyo,” sabi ng nurse na sumundo sa kanya sa kabilang ospital. Napabuntong hininga siya, kung hindi lang naman sa pakiusap ng kaibigan niya hindi siya pupunta sa institution na ito.  “It’s okay. Wala naman na akong magagawa pa. How can I check him if ganyan siya kaagresibo?” tanong niya dito at napakamot sa ulo ang babaeng nurse.  “Don’t worry Doc, we will sedate him,” sagot sa kanya at napatango na lang siya. Siya si Dr. Raphael Rosario, isang public doctor sa Maynila. Isa siyang physician at ngayon nga ay pumunta siya sa Mental Instituite of the Philippines na nasa Mandaluyong dahil napakiusapan siya ng kapwa niya doctor.  Pinanuod niya kung papaano isedate ng mga nurse ang lalaki. Payat lang ang lalaki pero  limang nurses ang nagtulong-tulong to sedate him. Naghintay siya ng ilang minuto bago siya pumasok sa loob ng kuwartong iyon. Napatakip pa siya ng ilong dahil sa hindi magandang amoy ng kuwarto. Nilapitan niya ang pasyente at nandiri sa kanyang nakita. May nakita siyang mga insekto na gumagapang sa balat nito at sa bibig.  “Nililiguan niyo ba siya?” tanong niya sa isang nurse. Umiling naman ang nurse at sinabing, “Hindi po Doc. Ayaw niya magpalinis, lagi siyang nagwawala kapag nakakakita ng tubig, lagi siyang sumisigaw na holy water daw iyon.” Tiningnan niya ang lalaki at napansing nabubutas ang balat nito. Nagsuot siya ng gloves at tiningnan ang balat ng pasyente, sa palagay niya ay hindi pangkaraniwang sugat ang mayroon ang lalaki.  “Ano bang nangyari sa kanya?” tanong niya at nagkibit-balikat lang ang nurse sa kanya.  “Hindi namin alam doc. Bagong pasok lang siya dito, mga mahigit apat na araw na ang nakakalipas. Ang sabi sa amin ng kamag-anak ay matino naman daw ang lalaking iyan. Tauhan nga daw po ng bangko iyan eh, pero bigla na lang nagkaganyan kaya ipinasok na dito sa loob,” sagot sa kanya.  “Hindi ba ito natingnan ni Dr. Petez?” Umiling ang nurse.  “Hindi po dahil nga palaging nagwawala. Lagi siyang may binubulong na pangalan.”  “Ano naming pangalan?”  “Mammon.”  Nagulat siya ng biglang hawakan ng pasyente ang kanyang kamay. Tinitigan siya nito at ngumiti, isang nakakapangilabot na ngiti.  “Kilala kita!” sigaw sa kanya at naramdaman niya ang paghigpit ng hawak sa kanya.  “Ikaw! Isa ka sa mga suwail! Tatlo kayong suwail! Mga pinatay ng Diyos!” sigaw ulit nito at ngayon nga ay inilayo na siya ng nurse mula sa pagkakahawak nito. Lumabas na siya ng kuwarto at naupo sa gilid. Hindi naman dapat siya maniwala sa sinasabi ng baliw pero pakiramdam niya ay may katotohanan ang sinabi sa kanya.  “Oks ka lang Doc?”  Napaangat ang ulo niya at nakita ang isang pari. Nakasuot ito ng damit ng mga pari na kulay itim at ang nakakapagtaka ay may sigarilyong nakasupalpal sa labi nito. Tumayo siya at tinitigan ang pari.  “Ah yeah,” sagot niya at dito na niya napansin ang mga mata ng pari. It is very unusual to see a pair of yellow eyes. Oo, dilaw ang mga mata ng pari.  “You’re a priest?” tanong niya at natawa ang pari.  “Hindi ba halata?” tapos ay kinuha nito ang sigarilyo na nasa labi niya. “Ah ito ba? You know, vices can’t stop,” the priest said at tinapakan na ang sigarilyo.  “Ngayon ka lang ba nakakita ng paring nagyoyosi?” tanong sa kanya at napatango naman siya.  “Oo,” sagot niya.  “Well, I’m not your ordinary priest. I can say I’m a little bit special,” sabi nito at sinilip ang lalaking pasyente sa loob. “Do you believe in demons?” tanong sa kanya. Sa totoo lang hindi niya alam ang isasagot niya, minsan na din sa buhay niya ay may naencounter siya na mga ganitong bagay ngunit walang naniwala sa kanya.  “Maybe,” sagot niya.  “Look at the man’s aura.” Nagtaka naman siya sa sinabi ng pari.  “Aura?”  “Look closely, can you see the purple flames?” Dito na niya tiningnan ng maiigi ang pasyente. He can see the faint color purple flames na naglalaro sa katawan nito. “Kita mo? That man was possessed by a demon. The demon of greed, Mammon.”             “Achoo!” bahing ni Mammon habang nasa rooftop ng isang mental institution. Suminghot-singhot pa siya at pinunasan ang sipon.  “Bless you!” sabi ni Belphegor na nakahiga sa railings ng rooftop.  “F*ck you,” sigaw niya. Siya si Mammon, ang demon of greed. Sa unang tingin ay aakalaing isa siyang simpleng binatilyo, naglalaro sa labing-anim hanggang labing-walo ang kanyang pisikal na anyo pero ang totoo ay ilang libong taon na ang tanda niya.  “Someone came, Mammon. Looks like your playtime is over,” sabi pa sa kanya ng kapwa demonyo at inirapan lang niya.  “No, not yet Bel. I’m just getting started,” sagot niya at inilagay na sa kanyang tainga ang headphones na nasa leeg niya. Paborito niyang pakinggan ang mga sigaw at panaghoy ng mga taong kinuha niya dahil sa pagiging gahaman at sakim.   Two months ago…             “Manuel, pakicompute na daw sabi ni Sir.” Napatingin siya sa kanyang kasama at tumango na. In-open niya ang kanyang Microsoft Excel para gawin niya ang inuutos sa kanya. Siya si Emmanuel Alcaraz, isang accountant sa isang kilalang bangko.  “Daming pinapacompute, mababa naman magpasahod,” bulong niya sa kanyang sarili habang ginagawa ang kanyang trabaho. “Dayaain ko kaya ito? Kukunin ko ‘yung sobra,” bulong na naman niya.  “Go on, do it. Nobody will find out about that.” Napalingon siya sa kanyang likod at nakita ang isang binatilyo na may headphones sa leeg nito. Nagtaka siya dahil papaano nakapasok sa office nila ang batang ito.  “Bata, bawal ka dito. Employees lang ang puwede dito,” suway niya at ngumiti lang sa kanya ang binatilyo. Lumapit ito sa kanya at naupo sa kanyang tabi.  “You know what, maganda iyang ideyang naisip mo. Dayain mo ang computation para may kick-back ka diyan,” sabi nito sa kanya at napatingin siya sa binatilyo. Dito niya napansin na kulay lila ang mga mata ng binatilyo, isang hindi pangkaraniwang kulay ng mata. ‘Baka contact lens?’ sabi niya sa kanyang isipan at humarap naman sa kanya si Mammon.  “Nope. My eyes are real.”  “What the?” hindi siya makapaniwala. ‘Nabasa niya ang nasa isip ko?’ “Oh yes. Wala kang maitatago sa akin,” sabi sa kanya. “So anyway, maganda iyang idea na ginawa mo. Manipulate the computation then get the kick-back. Tutal mababa ang sahod mo diba? If you do that, you can have more money. Mabibili mo na lahat ng gusto mo,” sabi sa kanya at napatango-tango siya.  “Pero baka mahuli ako nito,” sabi niya at umiling ang binatilyo sa kanya.  “No. tutulungan kita,” sagot sa kanya. Hindi niya napansin ang pag-liwanag ng kaliwang kamay nito na kulay lila at inilapat sa kanyang likod. Nakaramdam siya ng init sa kanyang katawan papunta sa kanyang dibidb. Tila may sumabog na liwanag sa kanyang isipan at siya ay natumba mula sa pagkakaupo. Nang idilat na niya ang kanyang mga mata ay sumilay ang isang nakakakilabot na ngiti sa kanya. Tumingin siya kay Mammon na nakangiti sa kanya.  “At last, your free. The dark side of that jerk,” sabi nito sa kanya. Bumalik na siya sa pagkakaupo at ginawa na niya ang kanyang balak. Lumabas na si Mammon at pinuntahan ang kapwa demonyo niya. “Looks like you corrupt someone again ah,” sabi sa kanya ni Belphegor na nakaupo sa may hagdan ng banko.  “As usual, people are easily to corrupt. I need to go back in hell. Magbibilang pa ako ng kayamanan ko,” he said at nauna ng maglakad. Pangiti-ngiti pa si bel na tumayo at sumunod sa kanya.     Simula noon ay napapansin ng pamilya ni Emmanuel na palagi itong may bagong gamit. Bagong damit, sapatos, relo, maging sasakyan ay nagkaroon ito. This time ay nilapitan na siya ng kanyang ina para tanungin.  “Anak,” tawag niya sa kanyang anak na busing-busy sa pagse-cellphone.  “Ano ‘yun?”  “Napromote ka ba anak?” tanong niya at napatingin ang anak sa kanya.  “Bakit mo natanong ‘nay?”  “Wala naman. Napapansin kong parang andami mong pera ngayon,” sagot niya.  “Oo ‘nay. Napromote ako,” pagsisinungaling niya. “Talaga? Kailan pa?”  “Noong nakaraang buwan lang.”  “Naku! Dapat nating icelebrate iyan! Halika, kumain tayo sa labas.” At hinatak na ang anak papalabas pero huminto siya.  “Teka lang ‘nay. Magbibihis lang ako,” sabi niya at pumasok sa kuwarto. Habang nagbibihis ay nagulat siya ng biglang kumalampag ang salamin sa cabinet niya. Napangiti siya ng makita ang totoong Emmanuel na nakakulong sa salamin.  “Palabasin mo ako dito! Hayop ka!” sigaw nito sa kanya kaya nilapitan niya ito.  “Ito ang gusto mo hindi ba? Marami na akong pera, may kotse, alahas at iba pa,” sagot niya dito. Hinampas-hampas ni Emmanuel ang salamin hanggang sa magkaroon ng lamat ito.  “Oo, gusto ko iyon pero hindi ibig sabihin na dapat ikulong ako!” sigaw niya at humalakhak ang lalaki. “Hindi puwedeng dalawa tayo dito sa labas. I am your darkest desires, ako ang kasakimang taglay mo,” sagot sa kanya. Kinuha nito ang isang bote ng pabango at inihagis sa salamin dahilan para mabasag ito. Mukhang narinig ito ng ina kaya kinatok ang kanyang pintuan.  “Anak? Ano iyang nabasag?”  “Wala ito ‘nay. Nasagi ko lang ang bote,” sagot niya at lumabas na ng kuwarto.     Kanina pa niya sinusundan ang ina sa paglalakad at masama ang ang kutob niya dito dahil nakikita niya sa 'di kalayuan ang simbahan.  “Nanay, saan ba tayo pupunta?” tanong niya.  “Diyan lang, may bibilhin lang ako,” sagot sa kanya. Sa kanilang paglalakad ay nakasalubong nila ang kanilang kura-paroko na si Father Larry.  “Magandang hapon, Father,” bati ng kanyang nanay. Tumigil siya sa paglalakad dahil sa kanyang nakita. ‘Sh*t’ bulong niya sa kanyang isipan.  “Nanay! Kumusta na?” tanong ng pari at ngumiti naman ang kanyang ina.  “Okay naman po Father. Sa katunayan po ay napromote sa trabaho ang anak ko,” sabi nito at lumingon sa kanya. Napangiti siya ng alanganin dito.  “Ah ganoon ba Nanay, congrats po sa anak niyo,” sabi ng pari.  “Emmanuel, lumapit ka dito at magmano ka kay Father,” sabi ng kanyang ina kaya lalo siyang napaatras. Dahil sa kanyang inasal ay nagtaka ang pari at ang kanyang ina.  “Okay ka lang ba hijo? Mukha kang nakakita ng multo,” sabi sa kanya ng pari. Wala na siyang nagawa pa ng hatakin siya ng kanyang ina papalapit sa pari.  “Sige na, magmano ka na,” utos ng kanyang ina. Hindi siya gumalaw, hindi niya sinunod. “Ah Nanay, huwag po natin siya pilitin,” sabi ni Father Larry at umiling naman ang ina. Napabuntong hininga ang pari at ipinatong na lang ang kanyang kamay sa ulo niya.  “Pagpalain ka nawa ng ating Panginoon,” pagkasabi ng pari ay agad niyang binawi ang kanyang kamay dahil biglang umusok ang ulo nito. Tila may kung ano ang sumingaw sa kanyang katawan at pag-angat niya ng ulo ay nakita ng kanyang ina at ng pari ang unti-unting pagkabutas ng kanyang balat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD