Chapter Twenty-five “Ano bang nangyari? Ang alam ko nasa bar ako kasama sila Lawrenz,” sabi ni Kent habang nakaupo sa sofa. Nagkatinginan ang kanyang asawa na si Jermalyn at ang mga kasama nitong lalaki. “Wala kang natatandaan kahit ano, Love?” tanong sa kanya ni Jermalyn. Umiling naman siya bilang sagot. Naguguluhan siya, hindi niya alam ang mga nangyayari ngayon. Ang huling natatandaan niya ay sumama siya kina Lawrenz sa bar at may lumapit na babae sa kanya. After that, wala na siyang maalala. Kaya nagtataka siya kung sino ang mga lalaki na nasa loob ng bahay nila. May apat na lalaki at ang isa ay mukhang pari dahil nakasuot ito ng damit na pangpari. “Hindi mo ba alam na ilang lingo ka ng nakauwi?” Napatingin sila kay Father Michael na nagsisindi ngayon ng sigarilyo. P