Special Chapter Three: Uriel Alcasid Ipinanganak si Uriel sa isang may-kayang pamilya. Ang ama niya ay isang contractual employee sa munisipyo ng Quezon City at ang kanyang ina naman ay isang guro sa public school. Siya lang ang nag-iisang anak, hindi na muli pang nagkaanak ang kanyang mga magulang. Bata pa lang siya ay sadyang tahimik at mahiyain na siya. Sa tuwing isinasama siya ng kanyang mga magulang mga trabaho tuwing Christmas Party ay tahimik lang siya. Ni minsan ay hindi siya sumali sa mga palaro o kasiyahan. Nakaupo lamang sa isang sulok, pinagmamasdang maiigi ang mga nasa paligid niya. Nakikinig sa mga bulong ng bawat taong naroroon. Pinagmamasdan ang mga kilos at bahavior ng mga taong nasa paligid niya. “Alam mo ‘yang si Ma’am Monica? Ang sabi ay kabit