Chapter twenty-four Pagpasok ni Jermalyn sa loob ng kanilang tahanan ay naabutan niya ang kanyang asawa na nagkakape sa may sala nila. Hindi na sana niya papansinin si kent kaso bigla itong nagsalita. “Saan ka galing?” tanong nito sa kanya. Nataigilan siya at humarap sa kanyang asawa. “Diyan lang, nagpahangin, nagpalamig,” sagot niya at dumeretso na sa kanyang kuwarto. Doon ay pabagsak siyang humiga at napapikit. Iniisip niya ang sinabi ni Father Michael sa kanya. Hindi kaya totoo ang sinasabi ng pari? What if talagang may demonyong gumagambala sa aming mag-asawa? Kinagabihan ay hinintay niyang makatulog ang kanyang asawa. Inaabangan niya ang kung ano ang mangyayari kay Kent sa pagtulog nito. Pasado alas tres ng madaling araw nang marinig niya ang pag-ungol ng asawa. Masa