Chapter Fifty-one: “O Romeo? Bakit?” tanong ni Abel sa kasamahan niyang security guard na si Romeo. Pumasok kasi ito sa loob ng bangko at iniwan ang pwesto nito sa labas. Hindi siya sinagot ni Romeo at tinitigan ang paligid. Maraming tao ngayon sa loob nga bangko dahil araw ng Lunes. “Romeo?” tawag niya ulit at dito na siya tinitigan ni Romeo. May kakaiba sa kanyang kasama. Para bang wala na ito sa sarili niya. Tinititigan niya ang mga mat anito at tila ba nawala na ang ningning ng mga mata ng kanyang kasama. Nagulat na lamang siya ng biglang ikasa nito ang hawak na shot gun at itinutok sa kanya. “O-oy Romeo!” sigaw niya. “Anong problema mo?! Ibaba mo ‘yang hawak mo! Hindi magandang biro iyan!” sunod-sunod na sabi niya ngunit hindi natinag ang security guard. Nakatingin lan