Special Chapter 7: Sina “Oy Uriel!” Napatingin siya ng may tumawag sa kanya. Sa kanyang paglingon ay sumalubong sa kanya ang isang pares ng itim na mat ana tila nagniningning na bituin. “I-ikaw pala Sina,” sabi niya. Hindi niya malaman kung bakit nauutal siya sa tuwing nakakausap ang babae. “Kumusta? Buti nakita kita ngayon. Alam mo ba, gusto kitang kausapin sa school kaso ang suplado mo kaya hindi kita malapitan. Mamaya kasi iisnob mo lang ako. Sino pala kasama mo ngayong magsimba?” sabi ng batang babae. Pinagmasdan niya ang batang babae. Nakasuot ito ng simpleng puting bestida na aabot hanggang sa tuhod. May suot din siyang puting medyas na may laces sa gilid at nakasuot ng itim na sapatos. Maayos na nakapusod ang itim at maalon nitong buhok. “K-kasama ko sila Mama at