Chapter Fifty-two: “Tumataas ngayon ang bilang ng mga krimen ngayon sa bansa. Ayon sa tala ng SDS, pumalo sa 80% ang krimen na nangyari sa nakalipas na anim na buwan. 50% dito ay murder. Nababahala ngayon ang pulisya dahil karamihan sa mga suspects, ay nagpapakamatay o kapag nahuli naman ay kataka-takang namamatay habang nasa piitan. Sa ngayon ang payo ng mga otoridad ay mag-ingat na lamang ang publiko habang hindi pa nasusugpo ang mga krimen ngayon.” Napabuntong hininga na lamang si Father Michael. Inabot na lang niya ang remote control at pinatay ang telebisyon. Sumandal siya sa kanyang couch at sumimsim ng kapeng barako na itinimpla ni Roman. “Ayos ka lang ba Father Michael?” Napatingin siya kay Roman na nakaupo sa kabilang upuan. Tumango naman siya at kinuha ang kaha ng