Chapter Forty-five: Napamaang ang lahat dahil sa pagsulpot bigla ng isang babae. Napatitig ng husto si Uriel sa babaeng sumulpot mula sa kanyang likuran. Mahaba at maitim ang buhok nito at may magandang pares ng mga mata. Hugis puso ang mukha nito at may katamtamang tangkad. Ang nakahuli talaga sa kanyang atensyon ay ang manipis at mapula nitong labi. “Azrael?!” sigaw ni Gabriel nang makilala ang babae. “Yup! The one and only!” sabi nito sa kanila. “Wait.” Napatingin ang lahat kay Raphael na gulong-gulo na sa mga nangyayari sa paligid nito. “Sinasabi mong ito si Azrael? Ang angel of death?” tanong nito at tumango naman ang dalawang anghel. “Yup! Ako si Azrael, ang anghel ng kamatayan. Ikinagagalak ko kayong makilala!” sabi nito sa kanya. “A-anong ginagawa mo dito Azr