Special Chapter Six: Lucifer “Magandang araw Lucifer!” bati sa kanya ng mga nasasalubong na anghel. Ngumiti siya at inakbayan ang dalawang anghel na babae at halata dito ang kanilang paghanga sa napakamatipunong anghel ng dakilang lumikha. “Magandang araw din sa inyo mga binibini!” bati niya at naghagikhikan naman ang dalawang anghel. “Mauna na ako sa inyong dalawa dahil may pagpupulong na gagawin ngayon sa bulwagan,” sabi niya at hindi na siya naghintay pa sa sagot ng dalawang anghel at nauna na siyang maglakad patungo sa bulwagan. Siya si Lucifer, ang isa sa pinakamagaling na anghel ng dakilang lumikha. Siya ang tinatawag na light bringer sapagkat siya ang inatasan ng dakilang lumikha na mangalaga sa araw at mga bituin. Siya ang pinakamaliwanag sa lahat ng mga arkanghe