Chapter Forty-four: “Occidere. Occidere. Occidere.” (Kill. Kill. Kill.) Iyan ang paulit-ulit na binibigkas ni Kat habang naglalakad sa isang madilim na highway. Ang dating putting bestida niya ay may bahid n angayon ng putik at mga natuyong dugo. Ang kanyang mga kamay ay puno na din ng natuyong dugo at hindi pa rin niya binibitawan ang punyal ni Azrael. Tila ba wala na siya sa tamang katinuan. Sa kanyang paglalakad ay may nasalubong siyang isang pulang kotse. Huminto ito sa tabi niya at binusinahan siya. Huminto siya sa paglalakad at tinitigan ang kotse. Ilang sandali lang ay bumukas ang bintana ng driver’s side at bumungad sa kanya ang isang lalaki na mukhang anak mayaman. Nagsusumigaw sa karangyaan ang suot nitong kwintas na gawa sag into, maging ang singsing nito. “Hi m