Chapter Eight
Hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang anak. Pinagmano lang naman niya ang anak pero ito na ang naging sumunod na nangyayari. Nakita niya din ang pagkabigla ni Father Larry at binawi na nito ang kamay.
“Ahh!” sigaw ng kanyang anak at tila sinusunog ang balat nito.
“A-anak, ano bang nangyayari?” tanong niya pero binigyan lang siya ng matalim na titig. Lalapitan niya sana ang kanyang anak pero agad na itong tumakbo palayo sa kanila. Napatingin siya kay Father Larry at tinanong siya, “Anong nilalang ang iyong anak?” hindi niya alam ang kanyang isasagot dahil maging siya ay hindi na rin niya alam.
Tumakbo siya, tumakbo siya ng napakabilis.
“Hindi! Hindi!” sigaw niya. Bawat taong makakasalubong at madaraanan niya ay tinatapunan siya ng kakaibang tingin. Nagtaka ang mga kaanak niya pagkauwi dahil sa kanyang inasal. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng kuwarto. Titingnan niya sana ang kanyang hitsura pero pagtingin niya ay basag ito, binasag ng apala niya kanina.
“Nakakaasar ang matandang iyon! Nakakasaar!” sigaw niya. Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng sunud-sunod na katok sa kanyang pinto.
“Emmanuel! Ano bang nangyayari sayo?” tanong ng kanyang ina. Lalong namuo ang inis niya at pabalang binuksan ang kanyang pinto at sinakal ang kanyang ina.
“Ikaw! Ikaw ang dahilan! Hayop kang matanda ka!” sigaw niya habang sinasakal ang ina gamit ang isa niyang kamay.
“Nay!”
“Emmanuel!” sigaw ng ilang kaanak na nandoon. Isinandal niya ang kawawang matanda at dito binuhat niya mula sa pagkakasakal ang matanda.
“Sinira mo ang plano ko. Sinira mo ang mukha ko! Sinira mo ang pagkakataon ko!” at itinapon niya ang matanda sa kabilang bahagi ng bahay. Dahil sa lakas ng pagkakabato niya ay nawalan ng malay ang ina. Dito na siya pinagtulungan ng kanyang mga kapatid niya. May humawak sa kanyang mga braso at leeg pero nakaya niyang itulak silang lahat. Dito na siya tumakbo palabas. Tumakbo siya ng tumakbo kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hingal na hingal siyang napaupo sa ilalim ng tulay. Tiningnan niya ang kanyang braso at kumakalat na ang pagkasunog ng kanyang balat, may nakikita na din siyang mga insekto sa loob nito kaya histerikal niyang pinagpag ito.
“You should know how to refuse kasi.” Napatingin siya sa likuran niya at nakita si Mammon na nakasandal sa pader at nakapamulsa. Agad niyang nilapitan ang demonyo at lumuhod.
“Tulungan mo ako, ayokong maglaho. Ayokong bumalik sa loob nig lalaking iyon at ikulong na naman. Ayoko Mammon. Please help me,” pagmamakaawa niya at tinitigan lang siya ng demonyo.
“You should know na once nahawakan ka ng mga sagrado o banal na tao o kagamitan ay ito ang mangyayari sayo. Dapat gumawa ka na ng paraan para maiwasan ito,” sagot nito sa kanya.
“Ayoko lang kasing pagdudahan ako na hindi ako ang tunay na Emmanuel,” sagot niya at napailing ito sa kanya.
“I cannot help you. We demons only give a single chance. Kaya dapat sulitin mo o alagaan mo ang mga pagkakataong ibinibigay namin,” sagot sa kanya kaya akmang yayakapin niya ang binti nito pero agad na tinapakan ni Mammon ang kamay niya.
“Ahhh!” sigaw niya at namimilipit sa sakit.
“Don’t touch me filth,” sabi sa kanya at naglakad na ito papalayo.
“Mammon! Sandali lang! Mammon!” pero hindi na siya pinag-aksayahan pa ng oras nito. Pinanuod na lang niyang lamunin ng kulay lila na apoy ang demonyo.
Ilang araw ng pinaghahanap si Emmanuel Alcaraz. Simula ng umalis ito sa kanila ay hindi pa siya nahahanap ng kaanak. Kinasuhan siya ng kamag-anak niya mismo ng Physical Injury dahil sa pananagit sa kanyang ina kaya maging ang mga kapulisan ay tumutugis na sa kanya.
“Nasaan ka na ba anak?” tanong niya sa kanyang sarili habang naglalakad sa kahabaan ng tulay. Kasama niya ang kanyang isa pang anak at pamangkin na naghahanap din kay Emmanuel.
“Nanay, ano ba kasing nangyari? Umalis lang kayo ni Kuya tapos pagbalik niya para na siyang baliw,” tanong sa kanya ng anak na babae niya. Napabuntong hininga siya.
“Hindi ko din alam. Pinagmamano ko lang siya kay Father Larry,” sagot niya.
“Alam Auntie, napapansin ko diyan kay Manuel ay parang ibang tao siya. Alam niyo ‘yun hindi siya ang kilala nating Emmanuel,” sabi naman sa kanya ng pamangkin.
“Ano ‘yun? Sinaniban ng ibang nilalang? Doppleganger ganern?” napatingin siya sa anak at tila may napagtanto siya. Mahirap man paniwalaan pero sa tingin niya ay mukhang tama ang anak niya.
“Hindi kaya sinapian siya ng demonyo?” tanong niya at napatingin lang sa kanya ang dalawa niyang kasama.
“Hala, hindi ba si kuya iyon?” sabay turo sa ilog. Nakita nila ang isang lalaki na nasa gilid ng ilog at nakatulala lamang. Agad nilang pinagbigay alam sa kinauukulan at kaagad na narescue si Emmanuel. Nang lapitan nila ito ay napangiwi sila sa hitsura nito. Ang mga sugat nito sa katawan ay inuuod na, may mga insekto ding lumalabas sa bibig nito at tila wala na ito sa katinuan. Dito na sila sinabihan na dapat ng dalhin sa isang mental institution ang binata.
Nang dalhin si Emmanuel sa ospital para sa mga nairaan ng bait ay napatakip siya ng kanyang tainga. Maingay, sobrang ingay. Maraming sumisigaw, umiiyak at tumatawa. Nang ilagay na siya sa kanyang kuwarto ay pinagmasdan niya ang paligid. Lahat ay kulay puti.
“Ayoko ng puti! Galit ako sa kulay puti!” sigaw niya at nagwala na. Hinampas-hampas niya ang pader ng kuwarto niya ng unan, sinuntok niya ito hanggang sa dumugo na ang mga kamao niya at inuumpog na din niya ang ulo niya ditio. Napupuno ng kasiyahan ang puso niya kapag nakikita ang kulay pula sa pader, ang malinis na pader ay nabahiran na ng mapulang dugo. Nang makita ito ng doctor at mga nars ay agad nila siyang tinurukan ng pampatulog. Dito na siya pinagmasdan ng doctor.
“Doc, ano bang nangyayari sa kanya?” tanong ng isang nurse at napakakibit-balikat na lang ang doctor.
“I don’t know. Kakaibang sakit mayroon siya. Kahit anong linis ang gawin sa mga sugat niya ay patuloy pa rin ang paglabas ng mga insekto dito. I think need ko na humingi ng tulong sa kaibigan ko,” sagot sa kanila at tumango-tango ang mga nurse sa kanya.
Naglalakad siya at iniisip kung ano ba ang nangyari sa anak niya at nagkaganoon ito. Napadaan siya sa simbahan kaya nagpasya siyang pumasok at magdasal. Pagpasok niya ay naupo na siya.
“Panginoon, ano na po bang nangyayari kay Emmanuel? Panginoon, tulungan niyo pa siya. Bigyan niyo po siya ng lakas ng loob,” naiiyak niyang dasal. Nang matapos siyang magdasal ay ilang minute pa siyang nanatili sa loob. Palabas n asana siya nang may tumawag sa kanya.
“Nanay!” paglingon niya ay nakita niya si Father Larry na patakbong lumalapit sa kanya.
“Ikaw pala Father,” sabi niya at matamlay na ngumiti sa pari.
“Balita ko nakita na ang anak mo,” sabi sa kanya.
“Nasa mental siya ngayon. Sa totoo lang,” hindi niya mapigilang maiyak at nakita niya ang awa sa mga mata ng pari. “Hindi ko na alam ang nangyayari sa amin,” naramdaman niya ang kamay ng pari sa kanyang balikat.
“May awa ang Diyos. Nanay, may gusto sana akong sabihin sa iyo.”
“Ano po iyon?”
“Huwag kang magagalit ah. Napansin ko kasi ang anak mon a tila kakaiba ang ikinilos nang makita niya ako. Hindi kita pipiliting maniwala sa akin, pero sa tingin ko hindi iyon ang anak mo. Sa tingin ko, kinuha ang anak mo ng isang demonyo. Kita mo ng umusok ang katawan niya ng hawakan ko siya?” paliwanag sa kanya at napatango-tango siya.
“Father, naniniwala ako sayo. Tulungan mo ako Father. Tulungan mo akong mabawi ang anak ko,” hinawakan na niya ang kamay ng pari.
“Nanay, hindi ako eksperto sa ganyang bagay pero mayroon akong kilala na maaaring makatulong sa kanya.”
“Father Michael?” tawag ni Father Larry. Nasa isang simbahan sila at ngayon ay kinakatok ang opisina ng isang pari. Sinamahan siya ni Father Larry para kausapin ang paring maaring makatulong sa kanya. Bumukas ang pinto ng opisina at bumungad sa kanila ang isang pari na may sigarilyo sa bibig. Nagtaka siya sa kanyang nakikita, ngayon lang siya nakakita ng isang paring may bisyo. Nakita niya ang pagtaas ng kilay ng pari saka ito ngumiti sa kanila.
“Ikaw pala Larry. Napasyal ka, anong mayroon?” tanong nito sa kanila at pinapasok sila sa loob. Napaubo pa siya ng dahil sa usok ng sigarilyong sumasayaw sa loob. ‘Pari ba siya?’ tanong niya sa kanyang isipan. Umupo sila sa isang sofa at nasa tapat nila ang pari.
“Ah Michael, may ilalapit ako sayong problema. Alam kong eksperto ka pagdating sa ganitong bagay,” panimula ni Father Larry sa kanya na ikinatawa ng pari.
“Haha! Ako talaga ah? Nakakataba naman ng puso iyang sinabi mo Father Larry,” sagot nito at pinatay niya ang sigarilyo sa ash tray at sumeryesong tumingin sa kanila.
“Ano bang nangyari?” tanong sa kanila. Tumingin sa kanya si Father Larry at siya na ang nagkuwento. “Ang anak kong si Emmanuel, may suspetsa kami na hindi siya ang anak namin, na ibang tao siya. Hindi normal ang mga ginagawa niya, tapos noong nakaraang lingo ay pinagmano ko siya kay Father Larry at bigla na laman siyang umusok at nasunog ang kaniyang balat. Sobrang lakas din niya, muntik na din niya ako mapatay,” kuwento niya at tumango-tango naman ang pari sa kanya.
“Nasunog kamo ng hawakan ni Larry?” tumango naman sila.
“Base sa kuwento mo ay sa tingin ko ay demonyo ang may hawak sa anak mo. Mukhang bumigay ang anak mo sa tukso. Lahat naman tayo ay may mga darkest desires na tinatawag, mga bulong sa atin. Nasa sa atin na lamang kung susundin natin ang mga bulong nila. Ang isang demonyo ay takot sa mga banal na bagay o kahit simpleng pari ay takot na dahil balot kami ng panalangin kaya umusok siya ng hawakan ni Larry,” paliwanag sa kanila.
“Tulungan mo kami Father. Magbabayad ako kahit magkano tulungan mo lang kami,” pakiusap niya. Tumingin sa kanya si Father Michael ng seryoso.
“Nanay, wala akong pake sa pera. Tutulungan ko kayo dahil nangangailangan kayo hindi dahil sa pera,” tumayo ang pari at kinuha ang isang kaha ng Marlboro Lights sa kanyang office table at kumuha ng isa saka niya ito sinindihan.
“Nasaan ang anak mo ngayon?”
“Nasa Mental Institute of the Philippines,” sagot niya.
“Ah sa Mandaluyong? Sa looban.”
“Pakiusap, ibalik mo na ako,” pagmamakaawa ni Emmanuel habang tinititigan siya ni Mammon. Inilagay siya ng demonyo sa isang garapon at wala siyang alam papaano makakabalik sa mundo. Nasa isang kuwarto sila, dito niya napansin ang mga nakahilerang garapon sa mga shelves at patuloy na umiiyak at sumisigaw na pakawalan sila subalit mukhang musika lang ang kanilang sigaw sa tainga ng demonyo.
“Why would I? Gusto mo yumaman di ba? Gusto mong marami kang pera. I gave it all, mayaman na si Emmanuel,” sagot sa kanya.
“Hindi siya si Emmanuel! Ako si Emmanuel! Pakawalan mo na ako!” sigaw niya pero ngumiti lang ito sa kanya.
“Siya ay ikaw, ikaw ay siya. Siya ang iyong darkest desire. Ang pagiging gahaman mo sa pera ay nakamit na niya. Sad to say tatanga-tanga siya kaya ayun, naagnas na kahit buhay pa siya at nakakulong sa mental.”
“Pakiusap! Ibalik mo na ako,” umiling lang ang demonyo sa kanila.
“Nope. May kabayaran lahat Emmanuel. Ako na ang nagmamay-ari ng kaluluwa mo. Sa akin ka na."