Chapter Nine

1042 Words
Chapter Nine             “Papaano mo nakita ang purple flames?” tanong ni Raphael sa pari na si Father Michael. Nasa labas sila ng ospital at doon muna nagpapahangin. Tumingin muna sa kanya ang kausap bago binuga ang usok mula sa sigarilyong ito.  “Simple lang. I’m an exorcist that’s why I have the ability,” sagot sa kanya.  “Eh paano ako? I’m a doctor not an exorcist but I can see the flames although faint lang,” tanong niya.  “It means your special. You’re not just an ordinary doctor. Anyway,” humarap na sa kanya ang  pari at pinagmasdan ang mukha niya.  “Pamilyar ka eh. Have we met before?” sa totoo lang ay nakaramdam siya ng familiarity sa paring ito. Alam niyang ito ang unang beses na magkita sila pero pakiramdam niya ay tila malalim na ang pinagsamahan nila. Para bang matagal na panahon na silang magkakilala.  “No, this is the first time I met you,” sagot niya at napaisip naman ang pari.  “How strange? Feeling ko nagkakilala na tayo dati,” sabi nito sa kanya at tumingin ito sa loob ng ospital.  “Maiwan na kita, tatrabahuin ko pa ang demonyo,” at pumasok na sa loob.  Dito niya naisipang sundan ang pari.  “Wait!” sigaw niya at lumingon naman ang pari sa kanya. “Sasama ako sayo. Curious ako sa gagawin mo,” sabi niya at tinalikuran na siya. Ni hindi man lang ito sumagot sa kanya pero sumunod pa rin siya.  Pagpasok nila ay nakita niyang may tali na ang dalawang kamay at paa ng pasyente, napatingin siya kay Father Michael na naglalabas ng mga gamit sa kanyang bag. Nakita niya ang pagsuot nito ng krus na kwintas, ng estola. Kinuha nito ang isang botelya at sa tingin niya ay holy water iyon at ang isang bibliya. May nakita din siyang ilang maninipis na sanga sa bag nito at kumuha ng isa ang pari.   “In nomine patris et filii et spiritus sancti. Amen,” (In the name of the Father, of the son and of the holy spirit. Amen.) pagsisimula ng pari at bigla na lamang dumilat ang pasyente at nagwala.  “Itigil mo ‘yan! Itigil mo!” sigaw nito at nagwala na. Pilit kumakawala mula sa pagkakatali.  “Itigil mo ‘yan!” sigaw nito pero hindi natinag si Father Michael.   “Pater noster, qui es in Caelo, Adoremus nomen tuum. Erit nostrum regnum tuum. Tuum sequere cor hie in terris in caelis.,” (Ama naming sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para lang sa langit.)  Sinabuyan ng pari ng holy water ang pasyente at lalo itong nagwala. Dito niya nakita na lalong lumalala ang mga sugat, na tila isang agua oxinada na bumubula dahilan para lumaki ang mga ito. Nakikita pa niya ang pag-usok nito tuwing matatamaan ang balat.  “Tigilan mo ‘yan! Masakit! Mahapdi! Tulungan niyo ako! Mammon!” sigaw nito at kitang kita niya ang paglabas ng mas maraming insekto sa katawan nito. .  “Panem nostrum cotidiánum da nobis hódie; Et dimitte nobis debita nostra, Sicut et nos dimittimus debitoribus nostris qui est;” ( Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw; at patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin,) this time ay kinuha ng pari  ang isang sanga na ibinabad sa holy water at hinampas sa binti ng pasyente. Naghumiyaw ito at kita niya ang mahabang latay sab inti nito.  “Tama na! Mammon!” sigaw nito ngunit hindi natinag si Father Michael. Dito na niya nakita ang unti-unting paglabas ng kakaibang likido sa bibig nito.  “Nec sinit tentari. Et nos ab omni malo defendat. [Et erit in te regna: et potestas, et gloria in sempiternum.] Amen.,” (At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. [Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan.] Amen.) At muling hinampas ng sanga ang binti nito. Iniiwas ng pasyente ang binti pero hindi niya magawa dahil sa pagkakatali nito.  “Lumayas ka sa katawang ito! Ibalik niyo ang kaluluwang nagmamay-ari ng katawang ito!” sigaw ni Father Michael at sinabuyan ng holy water ang katawan kaya nagkikikisay ito sa sakit.  “Hindi! Hindi na siya babalik! Hindi na siya ibabalik ni Mammon! Pag-mamay ari na siya ni Mammon!” sagot nito sa pari.  “Ang kasakiman ay kahit kalian ay hindi nagtagumpay. Bumalik ka kung saan ka galing!”  “Hindi ako aalis dito! Akin ang katawang ito!”             “Oy, anong gagawin mo?” tanong ni Belphegor habang pinagmamasdan ang ginagawa sa kanyang laruan. Siya naman ay serysong pinanunuod ang nangyayari sa loob ng kuwartong iyan.  “Hindi ba iyan din ang paring tumapos sa na-corrupt ni Levi?” tanong niya at nagkibit si Belphegor.  “Siya ba ‘yun? Hindi ko alam. Ngayon ko lang nakita ang paring iyan,” sagot sa kanya. Dito siya nakaisip ng magandang ideya.  “It’s just getting started,” sagot niya at inilahad ang kanyang palad. Ilang segundo lang ay may lumitaw na kulay lilang apoy. Inilapit niya sa kanyang bibig ang apoy at bumulong.  “Occidit autem sacerdos.” (Kill the priest) Biglang sumayaw sa hangin ang apoy na lila at mas lalo itong nagliyab sa palad ni Mammon. Ilang sandali lang ay lumaki ang apoy nito na aaakalaing binuhusan ng gas. Sobrang laki ng apoy na nasa palad niya. Mula sa palad niya ay unti-unting gumapang papunta sa kuwarto ng pasyenteng si Emmanuel. "It's showtime, Belphegor."     Napatigil si Father Michael sa kanyang pagdadasal ng may biglang pumasok na apoy na lila mula sa bintana at gumapang sa pasyente. Nilamon ng apoy ang buong katawan at hanggang bigla na lamang nawala ang apoy sa katawan ni Emmanuel. Para bang ina-absorb ng katawan ng pasyente ang apoy. "S-saan galing ang apoy na iyon? Bakit galing sa bintana?" tanong ni Raphael at humugot ng malalim na hininga ang pari. "I think, nandito sa paligid natin ang demonyong kumuha sa kaluluwa ng taong iyan. Talagang lalabanan niya ako," sagot ni Father Michael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD