Chapter Twenty-two Abala sa pagluluto so Jermalyn ng kanilang hapunan para sa kanilang mag-asawa. Abala siya sa paggagayat ng mga gulay na isasahog niya sa paboritong ulam ng mister ng makatanggap siya ng isang text message mula sa kanyang asawa. From: Kent Honey, late ako makakauwi. Niyaya ako ng mga ka-workmates ko to unwind tonight. Take care always. I love you! Napabuntong-hininga na lang siya. Tila nawala ang kanyang excitement dahil sa nabasa niyang text message. Inintindi na lang niya ang kanyang asawa at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Ngayong gabi lang naman din sumama ang kanyang asawa sa pag-aaya ng mga katrabaho nito. Dalawang taon na silang kasal ng asawang si Kent Hernandez. Highschool lovers sila noon at hanggang sa nagkatuluyan sil