Chapter Twenty-three Gumaan ang loob niya ng mailabas niya ang kanyang hinanakit sa paring kausap niya. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil pinapunta nito ang pari para may makausap siya. Nakinig lang si Father Michael sa kanya habang sinasabi niya ang kanyang mga saloobin. Kung papaano siya nasaktan ng asawa at ano ang mga kanyang naramdaman. Hindi niya maiwasang maguilty ng sabihin niya na hidi siya palasimba, napapaisip siya na sana noon pa siya nagsimba para nakilala agad niya si Father Michael. “Are you okay?” tanong ulit sa kanya ni Father Michael. Tumingin siya sa pari at bahagyang ngumiti saka siya tumango. “Medyo po. Salamat po sa pakikinig, Father Michael.” Tumayo na ang pari at inayos pa ang pulang pants nito. “Why don’t we have a cup of coffee?” sabi sa kanya. “Po? Huwag n