Chapter Sixteen

2323 Words
Chapter Sixteen             “Hays,” napatingin si Gabriel kay Berachiel na nagbuntong-hininga. Kasalukuyan silang nasa pahingahan at katatapos lang ng pagpupulong kasama ang Diyos.  “Ang lalim niyan ah. May problema ka ba?” tanong niya sa anghel at umiling naman ito sa kanya.  “Wala naman. Naalala ko lang ang dati, noong unang panahon. Panahon kung saan kumpleto pa tayo,” sagot sa kanya. “Alam mo, naisip ko kung ano kaya ang mangyayari kung hindi natin sila isinugo sa Diyos. Buhay pa kaya sila? Magagalit ba ang Diyos? Maibabalik kaya nila sa Earth ang bata?” sunod-sunod na tanong ni Berachiel sa kanya.  “Bearchiel, ilang daang taon na ang lumipas. Kalimutan mo na sila,” sabi niya at tinalikuran ang anghel.  “Masama bang alalahanin sila? Naging kasamahan naman natin sila bilang archangels ah,” marahas siyang humarap kay Berachiel at nilapitan ang anghel.  “Mga suwail sila, Berachiel. Dapat lang sa kanila ang maparusahan. Sinuway nila ang Diyos. Nasa batas natin na paparusahan kung sino man ang lumalabag sa utos ng Panginoon,” madiin ang bawat salitang binibigkas niya.  “Kilala natin ang Diyos. Kung ang mga mortal ay pinatatawad niya, tayo pa kayang mga anghel na kasunod niya? Sa totoo lang, labag sa kalooban ko na inutusan mo akong ipaalam sa Panginoon ang itinatago nila Michael. Masakit sa akin na kalabanin at patayin si Raphael. May dahilan sila kaya nila sinuway ang utos ng Diyos,” sagot sa kanya.  “Sa totoo lang, hindi ko alam ang iisipin ko sayo. Anghel ka pero pakiramdam ko ay nakakaramdam ka ng inggit,” dagdag ni Berachiel na siyang ikinainit ng ulo niya. Sa asar niya ay hinatak niya ang suot nitong puting roba. Ipinagdikit niya ang mga noo nila at binigyan ng matatalim na titig ang kapwa anghel.  “Anong gusto mong iparting? Na naiinggit ako? Kanino naman?” tanong niya at ngumisi si Berachiel.  “Kanina pa ba? Eh 'di kay Michael,” sagot sa kanya na lalong ikinadilim ng paningin niya. Akmang susuntukin niya ang anghel nang may biglang nagsalita.  “Anong nangyayari dito?” napalingon sila at agad na naghiwalay nang makita ang Diyos Ama na nasa harapan nila, nasa tabi nito ang angel of blessing na si Seraphiel.  “Anong nangyayari dito, Gabriel? Berachiel?” tanong sa kanila ng Panginoon.  “Wala po, Ama,” sagot ni Gabriel at umiwas ng tingin.  “Nagkapikunan lang po kaming dalawa, Panginoon. Huwag po kayong mag-alala,” sagot naman ni Berachiel.  “Ayokong nakakakita ng mga nag-aaway na anghel. Apat na lang kayong archangels ko tapos mag-aaway away pa kayo,” sabi sa kanila at pareho silang nayuko.  “Ama,” tawag ni Gabriel. “Ama, bakit hindi ulit kayo gumawa ng mga panibagong arkanghel. Kapalit ng tatlong suwail?” dito na sinamaan ni Berachiel at Seraphiel ng tingin ang kasamahan nila.  “Kahit kalian ay hindi mapapalitan ang mga arkanghel, Gabriel,” sabi ni Seraphiel.  “Bakit hindi? Wala na sina Michael, Raphael at Uriel. Naging abo na? ano pang silbi nila? Kulang na tayong mga arkanghel. Kaya Ama, baka panahon na para gumawa ka na ulit ng mga bagong arkanghel,” sabi niya at napa-atras siya ng lapitan siya ng Panginoon.  “Gabriel,” tawag nito sa kanya. “Kahit na naging suwail sila Michael, Raphael at Uriel ay hindi naman sila mapapalitan basta-basta. Wala akong nakikitang dahilan para gumawa ng mga panibagong arkanghel para punan ang mga wala. Huwag mo akong pangunahan, Gabriel,” sabi sa kanya bago ito umalis palayo sa kanila. Agad naming sinundan ni Seraphiel ang Panginoon pero binigyan niya ng mapag-uyam na titig ang anghel bago umalis. Si Berachiel naman ay nailing na lang sa mga sinabi ng anghel at umalis na din. Dito pakiramdam ni Gabriel ay wala na siyang tamang ginawa. Ginawa lang naman niya ang tama noon, sinabi nila ang itinatago ng tatlong arkanghel noon pero bakit parang pakiramdam niya ay kasalanan niya pa ang mga nangyari noon?   New Bilibid Prison, Muntinlupa City             “Tahimik ka ngayon, bata,” napatingin si Roman sa inmate na lunmapit sa kanya. Nasa ground sila at umupo sa tabi niya ang lalaki.  “Anong kailangan mo, Archie?” tanong niya habang seryosong nakatingin dito.  “Oy! Relax lang, hindi ako naparito para maghamon. Nakakatamad na din naman ang palaging naghahamon ng away sayo,” sabi nito sa kanya. Si Archie Francisco, ang leader ng isa sa mga gang sa loob ng New Bilibid Prison.  “Ilang taon pa gugugulungin mo dito?” tanong sa kanya.  “Tatlo pa. Anim na taon ang ipinataw sa akin,” sagot niya.  “Ilang taon na pala. Reclusion Perpetua sa akin ah. Nakapatay kasi ako. Murder,” sabi nito sa kanya at napatawa siya.  “Halata naman sayo na murderer ka,” biro niya at mahinang sinuntok siya ni Archie sa braso.  “Loko!” sigaw ng kapwa inmate. Napatingin siya sa dalawang jail guard na may hawak na isang preso. Napangiwi pa siya ng makita ang hitsura nito, parang ibang tao na. ang bitbit nila ay ang inmate na nanakit kahapon.  “Anong nangyari doon?” tanong ni Archie.  “Hindi ko din alam,” sagot niya. Tumayo na siya at napagdesisyonang sundan para malaman kung saan dadalhin ang inmate na iyon.  “Hoy! Saan ka?” tanong ni Archie pero hindi na niya pinansin ito. Sinundan niya ang mga jail guards at nagtaka ng dalhin ito sa isang kubol na nandoon.  “Anong nangyari doon?” tanong niya.  “Curious ka?” agad siyang napatingin sa nagsalita. Napaatras pa siya dahil sa gulat, nakita niya ang isang pari na nakangiti sa kanya.  “Sorry, nagulat ata kita,” sabi nito sa kanya. Tiningnan niya ang pari, may sigarilyo pa itong nakalagay sa labi nito. ‘Anong ginagawa ng pari dito? Bagong pasok ba dito ang isang ‘to?’ tanong sa kanyang sarili. Sa hindi malamang dahilan ay pakiramdam niya ay nakita na niya ang pari.  “Sorry kung nagulat kita,” ulit nito at tumango naman siya.  “Father!” napalingon silang pareho sa sumigaw at nakita ang humahangos na sina Uriel at Raphael.  “Bakit ka nauna dito kaagad? Ni hindi mo man lang hinintay ang jail warden,” sabi ng isa. Napatingin naman sa kanya ang dalawa at hinatak palayo sa kanya ang pari.  “Naku, pasensya ka na. may ginawa ba sayo itong si Father Michael? Patawarin mo na siya, minsan talaga mayabang na loko-loko ang paring ito,” sabi sa kanya at inirapan lang ng pari ang lalaki.  “Wala naman siyang ginawa. Curious lang ako, hindi naman kayo mukhang bagong pasok dito. Bakit nandito kayo? Sa pagkakaalam ko hindi puwedeng pumasok ang mga outsider dito. Alam niyo naming bilibid dito,” sabi niya.  “May trabaho kami dito. Nakita mo ‘yung pinasok sa kubol na iyon?” sabi ng pari sa kanya at tumango naman siya. “Sinaniban iyon ng demonyo kaya nandito ako,” paliwanag sa kanya ng pari.  “Sanib? Totoo ba iyon?” tanong niya at nagkatinginan naman ang tatlong lalaki.  “Why don't you join us?” tanong sa kanya ng pari. “Let me introduce myself. Ako si Father Michael, isang exorcist priest,” pakilala nito sa kanya.  “Ako naman si Roman,” sagot niya.  “Ako naman si Raphael, isa akong doctor. Ito naman si Uriel, isang scholar,” pakilala sa kanya ng dalawa pa. Tumango na lang siya  bilang sagot.  “Halika, sab inga nila to see is to believe.”             Pagpasok nila sa loob ng kubol ay nakita na nila ang biktima na walang malay at  nakatali na ang mga kamay at paa nito sa kama. Sumunod sa kanya sina Raphael at Uriel at ang isang inmate na nagngangalang Roman. Nang makita niya ang inmate ay napansin niya na magaan ang kanyang kalooban sa presong ito. Tiningnan niya si Roman at tila nag-aabang ito ng mga susunod na mangyayari. Habang wala pang malay ang biktima ay inayos na niya ang kanyang gamit. Sinuot na niya ang kanyang estola at kwintas na krus. Inilabas na din niya ang kanyang bible at holy water. Dumako na siya sa paanan ng biktima at sinimulan na ang kanyang dasal.  “In nomine patris, et filii, et spiritus sancti. Amen,” (In the name of the Father, of the son and of the holy spirit. Amen.) pagsisimula niya at dito na bumukas ang mga mata ng biktima. Kita nilang lahat na halos kulay puti na ang mga mata nito at napakaputla na.  “Pater noster, qui es in caelis, sanctificetur nomen tuum. Adveniat regnum tuum. Fiat voluntas tua, in terris quod est in Caelo,” (Our Father, who art in heaven, hallowed be Thy Name.  Thy Kingdom come. Thy Will be done, on earth as it is in Heaven.) sinimulan niyang sabuyan ng holy water ang biktima at dito na ito nagsimulang magsisisigaw.  “Ahhh! Itigil mo ‘yan! Ahhh!” sigaw ng demonyo pero niya ito hinayaang mawala sa kanyang konsentrasyon.  “Panem nostrum quotidianum da nobis hodie. Et dimitte nobis debita nostra, sicut et nos dimittimus debitoribus nostris. Et ne nos inducas in tentationem; sed libera nos a malo. Amen.” (Give us this day our daily bread. And forgive us our trespasses, as we forgive those who trespass against us. And lead us not into temptation, but deliver us from evil. Amen.)  “Itigil mo ‘yan!” sigaw ng demonyo at bawat patak ng holy water na bumabagsak sa balat nito ay parang asido na sumusunog sa balat nito.  “Panginoon, bigyan moa ko ng lakas na harapin ang demonyong ito. Tulungan niyo ang taong ito na labanan ang kapangyarihan ng kasamaan,” at muli niyang sinabuyan ng holy water ang demonyo.  “Nakakatawa ka. Nakakatawa kayo! Hahahahaha!” sigaw ng demonyo. Tinitigan nilang lahat ang demonyo na histerikal ng tumatawa.  “Ikaw!” tumingin ito sa kanya. “Papaano ka naging alagad ng Diyos kung noon ay sumuway ka sa kanya?” sabi nito. Dito na siya natigilan, hindi lang isa kung hindi tatlong beses na niyang naririnig ang mga salitang ito sa mga demonyo.  “Kayong dalawa!” tumingin ito kina Raphael at Uriel na parehong napaatras. “Mga suwail din kayo! Mga dating naglingkod sa Diyos na pinarusahan! Sumuway kayo dahil sa taong iyan!” sabay tingin kay Roman na napaatras din. “Dahil sa isang mortal, sa isang batang mortal kaya kayo naparusahan! Tapos ngayon ay naging alagad pa din kayo ng Panginoon? Hahahaha!” nagkatinginan silang apat.  “Ang dami mong sinasabing demonyo ka,” sabi niya at nilapitan na ng husto ang demonyo. Kumuha siya ng isang banal na langis at ipinahid pa-krus sa noo nito. Dito na lalong nagsisisigaw ang demonyo at unti-unti ng nalulusaw ang balat nito.  “Mahapdi! Tigilan mo iyan!” sigaw nito.  “Lisanin mo ang katawang ito at bumalik ka na sa impyernong pinanggalingan mo. Ibalik mo ang kaluluwang nagmamay-ari sa katawang ito!” sigaw niya at hinatak ang kwintas niya saka niya idiniin sa noo nito.  “Ahhh!” tila nagkaroon ng usok galling sa bibig nito at nagsimulang magpatay-sindi ang ilaw. Ilang sandali pa ay nawala ang maitim na usok galling sa bibig nito at napansin na nil ana nawalan ng malay ito. Sinampal- sampal ng pari ang pisngi ng preso. Nang magkamalay ay nakita nilang bumalik na sa normal ang mga mat anito.  “A-anong nangyari?” tanong nito. “Anong nangyari? May natatandaan ka ba?” tanong niya.  “Wala akong gaano matandaan. Alam ko kagagaling ko lang sa canteen para kumain, adobong sitaw pa nga ang ibinigay sa amin. Pagkatapos kong kumain, wala na akong matandaan,” kuwento sa kanya. Ngumiti siya at tinapik ang balikat nito. Dito na napansin ng preso na nakatali ang mga kamay at paa niya.  “A-ano ito? Bakit ako nakatali?” tanong niya. Lumapit si Raphael sa preso para tanggalin ang mga tali.  “Wala naman. Napagtripan ka lang,” sabi niya. Inihatid ni Uriel sa labas ng kubol ang preso na kaagad sinamahan ng mga jail guards.             “Father Michael,” tawag ni Raphael sa pari. Tumingin naman sa kanya ito habang naupo sa kama. “Sa totoo lang, bumabagabag sa akin ang mga naririnig ko kanina,” dugtong niya at napabuntong hininga ang pari.  “Ilang beses na tayong sinasabihang suwail. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga demonyong ito pero may bumubulong sa akin na totoo ang mga sinasabi nila. Hindi ko maintindihan ang mgasinasabi nila,” sabi niya at tumingin sa kanya si Father Michael.  “Naalala ko, noong una tayong magkakilala. Sinabihan din tayong tatlo ng suwail. Mga lumabag sa utos ng Diyos. Ngayon, sinabihan na naman tayo. Sa pagkakaintindi ko sa sinabi ng demonyo, tayong tatlo daw ay suwail dahil sa isang batang mortal. At tiningnan niya itong si Roman,” sabi naman ni Uriel at tumango si Father Michael.  “Noong isang araw,” napatingin sila kay Roman.  “Sinabihan din akong suwail. Pumasok daw ako sa langit ng walang pahintulot,” kuwento niya. Dito na sila napaisip ng husto.  “Ilang beses na tayong sinasabihan Father Michael. Ano bang ibig sabihin nito?” tanong niya.  “Sa totoo lang, hindi ko din alam. Hindi ko din maintindihan kung ano ang sinasabi ng mga demonyong ito. Ang turo ng simbahang katoliko ay ang mga demonyo at mapanglinlang. Guguluhin ang isipan at damdamin ng tao kaya madali nila itong makuha. Pero sa mga sinasabi nila, may alam ang mga demonyo tungkol sa atin. Naisip ko na ito noon, kung what if totoo ang mga sinasabi nila. Aaminin kong suwail ako, as you can see ako ang paring may bisyo na dapat ay wala. Pero ang sinasabi nila, pinarusahan daw ako ng Panginoon. Naguguluhan na din ako, wala rin naman akong mapagtanungan tungkol dito dahil iisa lang din naman ang kanilang sasabihin. Na ang mga demonyo ay mapanlinalang, mga sinungaling.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD