Special Chapter One: Father Michael Dela Cruz

2059 Words
Special Chapter One: Father Michael Dela Cruz             Lumaki sa isang relihiyosong pamilya si Father Michael Dela Cruz. Mula pagkabata ay laman na siya ng simbahan. Ang kanyang ama ay isang leigh minister, ang ina naman niya ay commentator at kasali din sa church choir. Walang mintis kung isama siya sa pagsisimba. Anim na taong gulang palang ay bihasa na siya sa pagdadasal gamit ang rosary. Bawat mysteries na binabanggit sa pagrorosaryo ay kabisado na din niya. Lagi siyang isinasama sa mga paaral ng simbahan, sa bawat aktibidad ng Parokya, naging sacristan din siya pagtuntong niya ng edad na labing-lima. Isa din siya sa mga alaga ng kura-paroko noon na si Father Benoit.             “Michael,” napatingin siya sa kanyang ina habang siya ay gumagawa ng kanyang assignment.  “Bakit ‘nay?” tanong niya at napansing parang kakaiba ang hitsura ng kanyang ina, maging ang ikinikilos nito. Tila ba nahihirapan ang kanyang ina, may pinipigilan, may kinokontrol.  “’Nay?” tanong niya. Nabigla siya ng hinawakan ang kanyang braso, napangiwi pa siya sa sobrang higpit.  “Aray po! Masakit ‘Nay!” sabi niya at dito niya nakita ang pabago-bago ng kulay ng mga mata ng kanyang ina. Mula sa natural na kulay na brown ay nagiging pula ito. Dito na siya dinaluhong ng takot dahil sa kanyang mga nakikita.  “A-anak,” sabi ng kanyang ina. “Tawagin mo si Father Benoit! Tawagin mo! Tawa---” napaatras siya ng biglang sumilay ang using nakakatakot na ngiti mula sa dating maamong mukha ng pinakamamahal niyang ina.  “Tawagin mo na bata. Tawagin mo na, tingnan natin kung may magagawa ba ang Diyos niyo sa kapangyarihan ko,” sabi sa kanya at humalakhak ito. Sa takot niya ay nagpupumiglas siya. Sa pagtawa ng kanyang ina ay buong lakas niyang binawi ang kanyang braso sabay takbo palabas sa kanyang bahay. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari noon pero minabuti niyang sundin ang ina at tawagin si Father Benoit. Pagdating niya sa simbahan ay kaagad siyang dumeretso sa kuwarto ng pari. Marahas niyang kinatok ng kinatok ang pinto ng kuwarto.  “Ano ba iyan?” bakas sa boses ang pagkairita ng pari dahil sa sunod-sunod na pagkatok niya. Natigilan at nagtaka si Father Benoit nang makita siya.  “Michael? Humahangos ka? May nangyari ba?” tanong sa kanya. Kahit hinahabol pa niya ang kanyang hininga dahil sa ginawang pagtakbo ay pinilit niyang magsalita.  “Father, puntahan niyo po si nanay. Tulungan niyo po si nanay!” sabi niya at hinawakan na ang kamay ng pari. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot.  “Teka, ano bang nangyayari?” tanong ng pari at gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil sa sobrang pag-aalala para sa ina niya.  “Si nanay kakaiba ang kinikilos! Kulay pula ang mata niya! Sinabi niyang papuntahin ka sa bahay! Tara na Father! Please! Baka kung ano mangyari kay Nanay!” sigaw niya. Kaagad na sumama sa kanya si Father Benoit at patakbo nilang tinahak ang papunta sa kanyang bahay.  Pagdating nila ay tahimik ang buong kabahayan. Tahimik at nagkalat ang mga kasangkapan sa kanilang tahanan.  “Nanay?” tawag niya. Nakarinig siya ng kaluskos sa may kusina. Sinundan niya ang ingay at doon nagimbal silang dalawa ni Father Benoit sa kanilang nakita. Ang kanyang ama ay naliligo na sa sarili nitong dugo, may malaking sugat ito sa may dibdib kung saan nagmumula ang malakas na pag-agos ng dugo nito.  “Tatay?” tawag niya at dahan-dahang nilapitan ang bangkay ng ama. Tinapik-tapik niya ang maputlang mukha ng ama, hinihintay kung sasagot ba siya sa kanya.  “’Tay?” tawag niya ulit ngunit hindi na siya nakatanggap pa ng kahit anong sagot mula sa ama.  “Huli ka na,” napatingin sila sa may gilid ng lamesa at nakita ang kanyang in ana may mga bahid ng dugo sa mukha nito at ang magkabilang kamay ay punong-puno ng dugo. Naramdaman niya ang paghatak sa kanya palayo ni Father Benoit. Inilagay siya sa likuran ng pari at hinarap ang kanyang ina.  “Sa ngalan ng Ama, ng anak at ng espiritu santo. Amen,” nagtaka siya ng biglang magdasal ang pari.  “Father?” tawag niya pero hindi siya pinansin. Napatingin naman siya sa kanyang ina at nakitang nakangiti lang ito.  “Father God, we praise you for your love and faithfulness towards your children. We praise you for being a perfect, holy, trustworthy God that is bigger than all the evil we experience here on earth,” pagdadasal ulit ni Father Benoit at nagulat sila ng biglang may lumipad na kutsilyo sa kanila. Mabuti na lamang ay nakailag sila.  “Akala niyo ba matatalo niyo ako gamit ang dasal?” tanong ng kanyang ina ngunit hindi nagpatinag ang pari at ipinagpatuloy ang pagbigkas sa panalangin.   “We ask that you give us eyes to see when evil is before us, hearts to hate evil and the desire to flee from its presence. We ask that you would not lead us into temptation, but deliver us from evil and draw us closer to yourself. We ask for the long-expected Jesus to come quickly and make all things new. We ask these things His precious name. Amen,” natapos sa pagbigkas ng panalangin si Father Benoit at nakita niyang may dinukot ito sa likurang bulsa ng pantalon. Napag-alaman niyang holy water iyon at biglang isinaboy sa kanyang ina. Nang masabuyan ang kanyang ina ay nakita niyang umusok ang balat nito at unti-unting nagkakasugat. Imbes na sumigaw sa sakit ang kanyang ina ay humalakhak pa ito.  “Hindi mo ako matatalo! Ipapakita kong hindi kayo magtatagumpay!” sigaw sa kanila.  “Inuutusan kita, sa ngalan ng Panginoong Hesukristo na lisanin mo ang katawang iyan! Ibalik mo sa babaeng iyan ang katawan niya!” sigaw ni Father Benoit na mas lalong ikinalakas ng paghalakhak ng kanyang ina. Nagsimula ng mag-iba ang boses ng kanyang ina, ang dating malambing na boses nito ay naging malalim na tila mula pa sa pinakailalaimang lupa nanggaling.  “Hindi ako aalis sa katawang ito! Ako na ang nagmamay-ari ng katawang ito. Gagawin ko kung ano man ang gusto ko!” sabi ng kanyang ina. Napailing siya, ‘hindi si nanay ang babaeng iyan,’ Bulong niya sa kanyang isipan. ‘Hindi si nanay iyan. Hindi niya magagawang patayin si tatay. Hindi niya magagawang sigawan si Father Benoit,’ sabi niya sa kanyang sarili at nabigla siya ng mapatingin sa kanya ang babae at ngumiti ito ng kakaiba.  “Tama ka, hindi na nga ako ang iyong ina. Wala na siya, pinaalis ko na siya sa katawang ito. Alam mo ba kung bakit ko kinuha ang iyong ina?” tanong sa kanya at umiling naman siya.  “Inggitera ang nanay mo. Naiinggit siya sa mag-asawang Vingno dahil may anak silang babae! Na mas nakakaaangat sila sa buhay! Nilamon ng inggit ang puso ng iyong ina. Hahahaha!”  “Inuutusan kitang umalis sa katawang iyan. Ibalik mo sa tunay na nagmamay-ari ang katawang iyan! Ginawa ng Diyos ang katawang iyan kaya lisanin mo na iyan!”  “Ginawa nga ng Diyos mo pero, nakanino na ba ngayon? Akin na ang katawang ito. Malaya kong gawin kung ano man ang gusto ko sa katawang ito,” sabi ng demonyo at kumuha ng kutsilyo mula sa kitchen drawer. Kitang kita nila kung papaano hiwain ang braso ng kanyang ina. Kitang kita niya ang pagtulo ng mapula at sariwang dugo mula sa mga sugat.  “Tigilan mo iyan! Huwag mong saktan ang nanay ko!” sigaw niya at tila natuwa pa ang demonyo sa kanyang pagsigaw.  “Tingnan mo ako ng mabuti. Tingnan mo ng mabuti kung ano ang gagawin ko,” sabi sa kanya at nabigla na lang siya ng matumba ang kanyang ina. Kaagad na nilapitan ni Father Benoit ang kanyang ina at nakita niya ang pag-agos ng dugo mula sa leeg nito. Hinding hindi niya makakalimutan kung papaano nilaslas ng demonyo ang katawan ng ina. Kung papaano pinatay ang kanyang ina. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na ito.             Mula ng maulila ay si Father Benoit na ang kumupkop sa kanya. Mula ng araw na iyon, nagbago na ang takbo ng kanyang buhay. Si Father Benoit ang gumabay, nagpaaral at naging kasama niya hanggang sa bawian ito ng buhay noong twenty-two years old siya. Dito niya napag-alaman na isang exorcist priest pala ang paring kumupkop sa kanya at dito na niya napagdesisyonang sundan ang yapak ni Father Benoit, dito din niya napansin na parang may nagtutulak sa kanyang maging pari.  Habang nasa seminary siya ay maraming katanungan ang pumapasok sa kanyang isip, bakit nga ba kailangang sundin ang Diyos? Naiisip niya na halos sinunod ng pamilya niya ang mg autos ng Diyos, kulang na lang ay oras-oras ay magdasal sila. Sa bawat gawain nila, sa kanilang pagkain, sa kanilang pagtulog ay nagpapasalamat sila sa Diyos. Pero bakit hinayaan ng Diyos na mapasakamay ng demonyo ang kanyang ina? Bakit hinayaan ng Diyos na mamatay ang kanyang ama at ina? Bakit hinayaan ng Diyos na mabulag sa inggit ang isip at damdamin ng kanyang ina? Halos lahat naman ay ginagawa nila para sa Diyos. Nang pansamantalang nakalabas siya sa seminary ay dito niya nakita ang totoong mundo. Dito siya natutong manigarilyo at uminom, minsan na din siyang nambabae ngunit isang araw ay tila hinipan siya ng hangin. Na pakiramdam niya ay may bumubulong sa kanya upang magbalik loob sa Panginoon. Na nakakalimutan na niya ang nangyari sa kanyang pamilya, ang tungkol sa kumupkop sa kanya na si Father Benoit. Muli ay bumalik siya sa seminary at pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang maging isang ganap na pari. Nang matapos sa seminary ay dito na siya pumasok sa pagiging exorcist.             “Tandaan niyo na ang mga demonyo ay mapanlinlang kaya huwag na huwag kayong kakagat sa mga sinasabi nila,” sabi ng paring nagbibigay sa kanila ngayon ng lecture.  “Ang mga demonyo ay kahit kalian ay hindi sila nagsabi ng totoo. Paiikutin at paglalaruan nila ang isipan at ang damdamin ng mga tao, kaya kayo ay dapat huwag kayong magpalinlang. Alam na alam nila ang mga kahinaan natin,” dagdag pa ng pari.  “Father?” napatingin sila sa kasamahan nila na nagtaas ng kamay.  “Ano iyon?” tanong ng pari.  “Father, lahat ba ng mga demonyo ay malalakas? Lahat ba sila ay malakas ang kapangyarihan?” tanong nito.  “Lahat ng demonyo ay malakas. Huwag niyong ina-underestimate ang mga demonyo. Pero mayroong pitong demonyo na lubhang malakas. Sila ang tinatawag na strongest seven, minsan seven respective demons ang tawag. Bawat isa sa kanila ay taglay ang pitong kasalanan ng mundo,” dito na siya nagkaroon ng interes.  “The seven deadly sins. Alam kong pamilyar kayo doon. Ano- ano ba ito?” tanong ng pari at agad siyang nagtaas ng kamay.  “Yes Michael?”  “The seven deadly sins are Pride, Wrath, Envy, Greed, Lust, Gluttony and Sloth,” sagot niya. “Very good. Yes, those are the seven deadly sins na umiikot ngayon sa mundo. Bawat isa sa kanila ay may nakatagang demonyo. Si Lucifer, na itinapon ng Diyos mula sa langit dahil sa kanyang pagrerebelde. Si Lucifer ay ang Pride. Si Satan nap uno ng galit. Siya ang Wrath. Si Leviathan nap uno ng inggit, ang demon of envy. Si Mammon na sakim, siya ang greed. Si Asmodeus na puno ng kamunduhan, siya ang lust. Si Beelzebub na matakaw, siya ang gluttony at si Belphegor na nuknukan ng tamad, kawalan ng interes. Siya ang Sloth,” paliwanag ng pari. “Tandaan niyo, kung saka-sakaling makaharap niyo sila ay huwag kayong panghinaan ng loob. Humingi kayo sa ating Panginoon ng lakas at proteksyon laban sa kanila. huwag kayong magpapalinlang sa mga tulad nila.”             Baon ang mga aral mula kay Father Benoit, sa seminary at sa mga propesyonal na exorcist ay ginampanan niya ang tungkulin niya bilang isang pari. Dito na siya itinalaga bilang kura-paroko ng simbahan ng Our Lady of Guadalupe. Hindi siya magsasawang tumulong sa mga nangangailangan, sa mga nanghihingi ng tulong laban sa demonyo. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanyang ina, na pinatay ng demonyong sumanib dito. Hangga’t maari ay ililigtas niya at dadalhin sa tamang pananamlataya ang mga nalihis ng landas. Tutulungan niyang magbalik loob sa Diyos ang bawat mga taong nasasakupan niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD