Chapter Fifteen
“Where are you going?” tanong ni Lucifer kay Belzeebub nang makita niya itong bihis na bihis.
“No particular destination. You know, maglalakad-lakad lang,” sagot sa kanya ng demonyo.
“Just be careful. Baka makasalubong mo ang exorcist priest, mahirap na at baka matulad ka kay Belphegor. If nakasalubong mo, ikaw na lang muna ang umiwas,” paalala niya at tumango naman sa kanya si Belzeebub.
“Don’t worry, Lucifer. I’ll keep that in mind,” sagot sa kanya at tuluyan na itong umalis. Napabuntong hininga na lang muna siya. Bilin sa kanila ni Satan ay huwag munang gagawa ng kung ano man sa lupa. Masyadong mainit pa sila sa exorcist priest. Baka tuluyan na silang maglaho.
“Boss! Good morning!” bati ng mga kasama niya nang pumasok siya sa kanilang canteen. Napailing siya ng makitang punong-puno ang lugar at wala ng bakanteng lamesa sa kanya.
“Boss! Dito ka na lang!” sigaw ng isang kalbo na puno ng tattoo ang braso at likod. Ngumiti siya at lumapit dito. Tumayo na ang kalbong lalaki at umalis sa upuan para ibigay sa kanya ang puwesto nito. Ang mga katabi niya ay agad na nagsi-usad para mabigyan siya ng sapat na espasyo.
“Boss, pagkain niyo po,” sabi ng isang lalaki na may dalang tray at inilapag ito sa harapan niya. Tumango siya at agad na umalis ang lalaki na tila nasa langit na ng ngitian niya ito.
“Sige boss, kumain ka na,” sabi sa kanya ng mga kasama niya sa lamesa. Nagsimula na siyang kumain, pinipilit na nguyain ang adobong sitaw na halos walang lasa at halatang hindi man lang hinugasan. Tila hindi humihinga ang mga kasama niya sa lamesa nang makita siyang umiling-iling.
“Boss?” tanong nila at lalong kinabahan sila ng inilayo niya ang kanyang plato.
“Nakakayamot,” sabi niya at tumayo na.
“Boss? Hindi ka kakain?” tanong ng isa pa at tinitigan lang niya ito ng malamig. Tila nalunok ng lalaki ang kanyang dila ng tapunan siya ng tingin nito.
“Sa iyo na ‘yan. Hindi ako kumakain ng basura,” sabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng canteen. Bawat taong nakakasalubong niya ay yumuyuko sa kanya at binabati siya. Siya naman ay taas-noong naglalakad sa pasilyo hanggang sa makalabas siya at ngayon nga ay nasa grounds siya.
“Mukhang badtrip ka ah,” napatingin siya sa lalaki at nangiti. Si Nicholas Hernandez, isa sa mga kaibigan niya.
“Medyo. Basura ang inihain ngayon eh,” sagot niya. Inalok siya ng sigarilyo ng kaibigan na agad naman niyang pinaunlakan. Kumuha siya ng isang stick at ang alalay ni Nicholas ang nagsindi ng lighter para sa kanya.
“Ikaw naman Roman, para kang bago lang dito. Mga preso tayo kaya ganyan lang natin pagkain natin,” sabi sa kanya at natawa na lang siya.
Siya si Roman Lastimosa, dalawampu’t tatlong taong gulang, isang inmate sa New Bilibid Prison. Tatlong taon na siyang nakakulong dito sa salang violent assault noong taong 2017. Ngayon nga ay siya na ang pinuno ng isang gang dito sa Bilibid. Marami ang takot sa kanya, simula noong makita nila kung papaano niya talunin ang dating pinuno ng Los Xs gang. Ang turing sa kanya dito ay isang ahas na viper. Silent but deadly. Masaya silang nag-uusap ng kaibigan ng biglang nagkaroon ng kaguluhan.
“Hoy! Anong nangyayari?” tanong ni Nicholas ng makita ang isang inmate na binubugbog ang kapwa inmate nito. Maraming umaawat pero hindi sila maawat, kaya bago pa man dumating ang mga jail gurads ay lumapit na siya at hinatak sa damit ang inmate na nananakit. Nang tiningnan siya ng inmate ay hindi ito natakot bagkus ay ngumiti pa ito sa kanya. Dito niya napansin na tila wala sa katinuan nito. Naitulak niya palayo ang inmate at hinatak papalapit sa kanya ang isa pa.
“Ikaw!” sigaw sa kanya. “Kilala kita! Ikaw ang bulong-bulungan sa paligid. Ang mortal na umakyat sa langit!” sigaw nito sa kanya na siyang ikinataas ng kilay niya. Tumawa ito ng tumawa habang dinuduro siya. Sa buong buhay niya na nandito sa bilibid ay ngayon lang siya nakatagpo ng isang wirdong inmate.
“Man, I think he lost it,” napatingin siya kay Nicholas na nailing na lang saa kapwa nila inmate.
“Mukha nga,” sagot niya habang patuloy ang pagtawa nito. Ilang sandali lang ay dumating na ang mga jail gurads at kinuha ang inmate.
“Suwail! Isa ka sa mga suwail! Isang mortal na umakyat sa langit! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkagulo noon!” patuloy na sigaw nito hanggang sa tuluyan na itong inilayo ng mga jail guards.
“Baliw na nga. Ako mapupunta sa langit?” sabi niya at naiiling na lang.
“Ikaw! Ikaw! Suwail! Suwail!” sigaw ng inmate habang ikinulong siya sa bartolina. Ang mga jail guards naman ay kanina pa natotorete sa pagsigaw nito.
“Anong nangyayari dito?” tanong ng jail warden.
“Ah sir, kanina pa siya nagsisisigaw. Maayos naman siya nitong mga nakaraang araw kaso kanina binugbog niya ang isang inmate at ayan po nagsisisigaw na,” paliwanag sa jail warden na si Jerald Pacomio.
“Buksan mo,” utos niya na agad binuksan ng isa pang jail guard. Pagbukas ng pinto ay napatakip siya dahil sa masangsang na amoy. Madilim sa loob at hindi ganoon ang liwanag sa pasilyo kaya ginamitan pa niya ng flashlight ang loob. Dito siya napaatras sa nakita, ang inmate ay malayong malayo sa hitsura nito noong unang pasok nito sa loob. Namumuti ang mga mata, may kung anong likido ang lumalabas sa bibig nito at halos lumabas na ang mga ugat sa braso nito. Agad niyang isinara ang pinto ng bartolina at napatingin sa mga jail guards.
“Sir, ano pong nangyayari sa kanya? Kailangan po ba natin siya dalhin sa clinic o ospital?” tanong ng isa at umiling siya.
“No, hindi doctor ang kailangan natin kung ‘di isang pari,” sagot niya.
“Po?” tila naguguluhan ang mga jail warden sa sinabi niya.
“That man was possessed.”
“Thank you so much, Prof. Bunag,” sabi ni Uriel at kinamayan ang propesor.
“Walang anuman. You were very excellent during your defense. No wonder you’re the best candidate for being magna c*m-laude,” sagot sa kanya.
“Thank you so much,” he said at lumabas na ng room. Katatapos lang ng thesis defense niya at pakiramdam niya ay nabunutan na siya ng tinik.
“Puwede na ako magpahinga,” sabi niya habang naglalakad sa hallway. Sa kanyang paglalakad ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Huminto siya upang dukutin sa bulsa ng slacks niya ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.
“Hello, Doc?” sagot niya sa tawag.
“Kumusta defense?” tanong sa kanya sa kabilang linya.
“Everything is great. Running for magna c*m-laude ako,” sagot niya. Apat na buwan na ang nakakalipas ng una niyang makilala ang doctor at ang exorcist priest na si Father Michael. Mabilis niyang nakapalagayan ng loob ang dalawa, pakiramdam nga niya ay matagal na silang magkakakilala, na tila malalim na ang pinagsamahan nila.
“Free ka ba? Guluhin natin si Father Michael,” sabi sa kanya at natawa naman siya.
“Sure. Magdadasal din ako, pasalamat sa Diyos dahil successful ang thesis defense ko,” sagot niya at ibinaba na ang telepono. Agad siyang nag-ayos at nagkasundo silang magkikita sa Fairview Terraces. Pagdating niya doon ay nasa tapat na ng Metro Department Store si Dr. Raphael kaya agad niyang nilapitan ito.
“Kanina ka pa?” tanong niya at umiling naman ang doctor.
“Nope. Nagmeryanda ka na?” umiling naman siya bilang sagot.
“Tara kain muna tayo,” yaya ng doctor. Sa isang fast food chain sila kumain.
“Wala ka bang duty?” tanong niya at umiling naman ang doctor.
“Wala. Day off ko ngayon. Hindi naman ako magyayayang pumunta ng Bulacan kung may duty ako,” sagot sa kanya at napatango na lang. Bahagya siyang natawa dahil nagloading ang kanyang common sense. Oo nga naman, hindi naman siya aayain kung may trabaho ito. Bandang alas tres ng hapon ay bumyahe na sila patungong Parokya ni Father Michael, ang Our Lady of Guadalupe Parish. Ala sais na ng gabi ng makarating sila at saktong nagmimisa ang pari. Sa likurang bahagi sila naupo, malapit sa exit.
“Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.”
“I don’t know why pero parang ang weird tingnan ni Father Michael magmisa,” bulong sa kanya ni Raphael kaya ang ginawa niya ay tinapik ng mahina ang braso nito.
“Hoy, marinig ka diyan,” suway niya. “Pero tama ka, medyo ang weird. Hindi ako sanay tingnan siyang nagmimisa,” pagsasang-ayon niya at mahinang tumawa ang doctor. Nang mag-communion na ay agad silang pumila at pigil ang tawa ng makita sila ng pari.
“Katawan ni Kristo?” sabi ni Father Michael habang nakataas ang ostia.
“Amen,” sagot ni Raphael at sumunod naman siya. Pigil ang tawa niya dahil pinipigilan din ng pari ang na huwag silang irapan.
“Katawan ni Kristo?”
“Amen,” sagot niya at tinanggap ang ostia.
“Humayo kayo taglay ang kapayapaan at pag-ibig ni Kristo.”
“Salamat sa Diyos,” at binigyan nila ng masigabong palakpakan ang Diyos. Nang matapos ang misa ay agad nilang pinuntahan ang pari sa opisina nito. Pagpasok nila ay agad silang binato ng libro ni Father Michael, mabuti na lang ay magaling sila umilag.
“Oy ang salbahe ah. Kakamisa mo lang ganyan ka na kaagad,” reklamo ni Raphael at naupo na silang dalawa sa sofa.
“Anong kailangan niyo?” tanong sa kanila ng pari.
“Wala naman, dinadalaw ka lang namin,” sagot ng doctor.
“Hindi pa ako patay para dalawin niyo.”
“Bakit? Patay lang ba ang puwedeng dalawin?” tanong niya at inirapan na lang siya ng pari.
“Oo nga pala, successful ang thesis defense ko,” sabi ni Uriel at ngumiti ang pari. “Kaya nagpunta din ako dito para magpasalamat sa Panginoon,” dugtong niya.
“Parang hindi naman. I know nagbubulungan kayong dalawa ng doctor na iyan sa likuran,” sagot ng pari sa kanya.
“Well, tama ka. Hindi kami sanay na makita kang nagmimisa. Parang ang respetadong alagad ka ng Diyos,” sabi ni Raphael kaya muling binato sila ng pari.
“Hey that’s bad,” sabi pa ni Raphael. Napatingin sila sa pintuan ng may kumatok at sumilip ang isang sacristan.
“Ano iyon, Jairus?” tanong ni Father Michael.
“Ah Father, may naghahanap po sa inyo,” sabi ng bata.
“Sino?”
“Hindi ko po alam eh,” sagot ng bata. Tumayo na si Father Michael para buksan ang pinto at doon ay sinalubong siya ng isang matangkad na lalaki. Moreno ito, malaki ang pangangatawan. May kabilugan ang mga mata at may peklat sa kanang kilay.
“Ano maipaglilingkod ko sa iyo?” tanong ni Father.
“Ikaw ba si Father Michael? Ang exorcist priest?” tanong nito sa kanya at nilakihan ng pari ang pagkakabukas ng pintuan.
“Halika, tumuloy ka,” sabi ni Father Michael at pumasok na sa loob ang lalaki.
“Anong maipaglilingkod ko sa iyo?” tanong niya habang tinitingnan ang lalaki na nakaupo sa sofa. Ang dalawang kasama niya na sina Uriel at Raphael ay nasa likuran naman niya.
“Narinig kong kaya mong gumamot ng na-possessed kaya magbabakasakali ako. Isa akong jail warden sa New Bilibid Prison, at kahapon lang ay may isa kaming inmate na nagwawala at nanakit ng kapwa inmate. Binartolina naming at ng buksan ko ay kakaiba na ang hitsura niya. Alam kong hindi kayang gamutin o maintindihan ng isang doctor ang kalagayan ng inmate na iyon kaya sayo agad ako nagpunta. Alam kong napossessed ang inmate naming kaya nandito ako para humingi ng tulong sa iyo. Tulungan mo ang inmate namin. May mga nagawa man siyang kasalanan ay hindi naman sapat iyon para hayaan na lang naming siya.”