Chapter Twelve

2237 Words
Chapter Twelve             “Hi!” napatingin si Uriel sa kararating lang na kaibigan niya. Nasa library siya at umupo sa tapat niya ang kaibigan.  “Long time no see, Thea,” bati niya at ngumiti naman sa kanya ang babae.  “Oo nga eh. Namiss kita. Anyway, how are you? Binubully ka ba nila ulit?” tanong sa kanya at napaiwas na lang siya ng tingin. Nakita niya ang paglungkot ng mukha ni Thea.  “I’m sorry if nawala ako ng matagal, Uriel. Something happened to me kaya medyo nawala ako ng matagal,” paliwanag sa kanya at ngumiti na lang siya sa kaibigan. “Don’t worry about me. I’m still alive, see?” at bahagyang natawa ang dalaga sa kanya.  “Ano nga palang nangyari sayo? Simula noong sumama ka sa hiking nila Jeffrey, hindi ka na pumasok pa. Ang dami mo ng namissed na class,” sabi niya at natahimik naman si Thea. “I get it, you don’t need to tell me if you don’t want. I respect your privacy,” sabi niya at ibinalik na ang atensyon niya sa cellphone.  Nagsesearch siya kung sino ang maaring makatulong kay Bryan. He’s not selfish to ignore what happened yesterday. Kahit pa salbahe sa kanya ang binata, hindi niya kayang balewalain ang nakita niya kahapon.  “Uriel.” Napatingin ulit siya kay Thea at naglean ito palapit sa kanya. “Do you believe in demons?” tanong sa kanya. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang isasagot. Nagtataka din siya kung bakit parang out of nowhere ang tanong ng dalaga sa kanya.  “Perhaps. Why did you ask?” tanong niya. Napansin niyang tila pinagmasdan pa sandali ni Thea ang paligid bago lumipat ng puwesto at tumabi sa kanya.  “I will tell you something,” bulong sa kanya. “Sa totoo lang, after naming maghiking nila Jeffrey a demon possessed my body. Kasalanan ko din naman, I was so envied kay Julie because nasa kanya na si Daniel. And a demon whispered to me tapos ayun, nakita ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng isang salamin. That’s why matagal akong nawala. Maybe a month before nila nalaman na hindi na ako ang nakakasama nila,” kuwento sa kanya at naging interesado siya sa kuwento ni Thea. Wala siyang ideya na may kakaibang naranasan pala ang kaibigan niya.  “Anong nangyari? Papaano ka nakabalik?” tanong niya.  “There is someone, an exorcist priest na tumulong sa akin. Ang galing niya and he is cool. He’s not an ordinary priest,” sagot sa kanya.  “Ano name ng priest and where can I find him?”  “His name is Father Michael. He’s from Marilao, Bulacan. Siya ang kura-paroko ng Our Lady of Guadalupe.” ___             “Achoo!” bahing ni Father Michael habang nasa opisina niya. Suminghot-singhot pa siya at suminga din bago ulit sumimsim ng kape. “Mukhang may nag-uusap tungkol sa akin ah,” sabi niya at napailing. Muli niyang binalikan ang mga accomplished reports niya at napansin niya na ang dalawang cases na hinawakan niya ay gawa ng dalawa sa mga respetadong demonyo; sina Leviathan na demon of envy at si Mammon na demon of greed. Napansin niyang kakaiba ang mga cases dahil halos magkasunod ang mga pangyayari.  “Ano ‘to? Kumikilos na ang mga malalakas?” tanong niya. Napapaisip din siya sa sinabi ng demonyo na isa siyang suwail sa Panginoon. “I know na suwail ako, may mga bisyo ako pero bakit kaya sinabi niyang isa akong fallen angel? Hindi kaya noong unang panahon anghel ako? At bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?” tanong niya at nailing na lang sa kanyang sarili.  “Hirap ng walang kausap.” ___             “Ano bang kailangan mo sa akin? Ibalik mo ako sa katawan ko!” sigaw ni Bryan habang nakakulong sa isang garapon.  “Why? Why would I do that? Hindi ba wala ka naming interes sa mga bagay so ano pang point?” tanong ni Belphegor habang tinititigan siya mula sa labas.  “F*ck you demon!” sigaw niya at tumawa si Belphegor.  “F*ck you too!” at inilagay sa isang kahon ang garapon. Dito niya napansin ang mga kaluluwang nakakulong sa garapon at nag-iiyakan.             “Matapang iyang nakuha mo Belphegor,” sabi ni Belzeebub at siya naman ay napabuntong hininga na umupo sa sofa.  “He’s no fun at all,” sagot niya dito.  “Akin na lang, ilagay ko siya sa burger,” sabi ni Belzeebub at binato naman siya ng unan ni Belphegor. “Ang boring niya,” sabi niya at napataas na lang ang kilay ni Belzeebub.  “Of course, boring kayo. Sloth ka eh. Walang ginawa kung hindi humilata.” ___             “Bryan, hindi ka ba papasok?” tanong ni Judith, ang nakakatandang kapatid na babae ni Bryan. Nagtataka siya bakit hindi nag-aasikaso para pumasok sa eskwelahan ang kapatid. Nilapitan niya ito at tinapik-tapik ang binti ng kapatid. Tumingin naman sa kanya ang kapatid pagkatapos ay bumalik sa pagtulog.  “Hoy! Anong oras na? may klase ka ba?” tanong niya at hindi na siya pa pinansin. Kaysa sa mainis sa tinuran ng kapatid ay umalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho.             Mabilis lumipas ang oras, bandang alas otso na ng makauwi siya. Pag-uwi niya ay naabutan niya ang kapatid na nakahiga padin. Kung ano ang hitsura ng kapatid niya ng umalis siya ay ganoon din niya naabutan ngayong nakauwi na siya. Sa asar niya ay hinapas niya ng walis tambo ang puwetan ng kapatid.  “Hoy Bryan!” sigaw niya sabay palo na siyang nagpabalikwas sa kapatid.  “Aray! Bakit ka ba namamalo?” tanong nito sa kanya na lalong ikinainis niya.  “Nagtatanong ka pa kung bakit? Anong ginawa mo maghapon? Ni hindi ka man lang naglinis!” sigaw niya. Sinamaan siya ng tingin ng kapatid.  “Tamad-tamad mo talaga kahit kalian!” at muli niyang hinampas ang kapatid. Tumayo na ang kapatid niya mula sa pagkakahiga at nilapitan siya. Nagulat siya ng agawin ng kapatid niya ang hawak niyang walis tambo at hinampas siya. Natamaan siya sa ulo niya dahilan para matumba siya at mahilo. Tiningnan niya ang kapatid at nangilabot siya ng makita ang mga matang kulay pula nito. Pakiramdam niya ay hindi si Bryan ang nasa harapan siya.  “Wala kang pakialam.” Sabi nito sa kanya at hinampas muli siya ng walis tambo at tinamaan na siya sa likod. Patuloy ang paghahampas sa kanya ng kapatid,  “Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko!” sigaw sa kanya.             “Sh*t,” sabi niya ng makitang duguan na ang babae dahil sa kanyang paghahampas. Itinapon niya ang hawak niyang walis tambo na halos puno na ng dugo.  “Pakialamera ka kasi,” sabi niya at lumabas na ng bahay. Naglakad lang siya ng naglakad hanggang sa nakarating siya sa isang abandonadong building. Umakyat siya hanggang sa rooftop at doon muling nahiga. Pinagmamasdan lang niya ang mga kumukutitap na bituin.  “Nakakasar,” bulong niya. ___     “Hey! What’s up?” napalingon si Father Michael at napataas ang kilay ng makitang papasok ng simbahan ang doctor na si Dr. Raphael Rosario.  “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang papalapit sa kanya ang doctor.  “Wala lang. Gusto ko lang magsimba,” sagot nito sa kanya.  “Walang misa ngayon. Every Sunday lang. Seven o’ clock to eight o’ clock and nine o’clock to ten o’ clock ang schedule ng misa,” sagot niya at natawa naman ang doctor sa kanya.  “Sineryoso mo naman agad. Binisita lang kita. Something is telling me to visit you,” sagot sa kanya at naupo sa isa sa mga pew na malapit lang sa pintuan.  “Something? Ano iyang something?” tanong niya at tumabi na siya sa doctor.  “My intuition,” sagot sa kanya. Ilang minuto silang natahimik.  “Kumusta?” tanong niya at tumingin sa doctor.  “Okay naman. You know what, something is bothering me.”  “Ano naman iyon?”  “Remember your last case? Bago ka dumating may sinabi sa akin ang demonyong iyon,” sabi nito sa kanya.  “And what is it?” “Isa daw ako sa suwail sa Diyos. I don’t get it. Para bang kilala niya ako. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang snasabi niya.”  “Alam mo sa totoo lang,” sagot niya at napatingin sa krus na nasa altar. “Iniisip ko din iyang mga sinabi niya. Hindi ko din maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig. Ang sabi sa aral, ang mga demonyo ay mapanglinlang pero may pakiramdam ako na may alam siya, na totoo ang sinasabi niya,” sagot niya sa doctor.  “Tao po? Puwede po makausap si Father Michael?” Napalingon sila sa nagsalita at nakita ang isang binata. Nakasuot ito ng itim na t-shirt, maong pants at puting converse shoes. Tumayo si Michael at hinarap ang binata.  “Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya. Sa hindi malamang dahilan ay tila pakiramdam niya ay nakita na niya ang binata. Ganito ang pakiramdam niya noong una silang nagkita ni Raphael.  “Ikaw po ba si Father Michael?” tanong nito at tumango.  “Oo ako nga. May kailangan ka ba?”  “Isa ka bang exorcist?” Dito na napatayo si Raphael sa narinig. ‘Mukhang may case ah.’ Sabi niya sa kanyang sarili.  “Bakit hindi natin pag-usapan sa opisina ko iyan?” sabi ni Father Michael at tumalikod na. Sumunod naman sa kanya ang binata at ang doctor na si Raphael Rosales.             Nang malaman niya ang tungkol sa exorcist priest mula sa kaibigan niyang si Thea ay agad niyang hinanap ang pari sa internet pero mukhang walang information tungkol sa paring ito. Dito na siya nagdecide na bumiyahe patungong Marilao, Bulacan. Ilang oras din ang nilakbay niya mula St. Mary’s University patungong Marilao. Hinanap niya ang address ng simbahan at nasa loob pala ito ng isang subdivision. Pagpasok niya sa gate ng subdivision ay tanaw na niya agad ang simabahan. Pumasok siya dito at halos walang tao maliban na lang sa dalawang tao na nakaupo at nag-uusap. Sa palagay niya ang paring ito ang exorcist. Niyaya siya na pumasok sa loob ng opisina nito na nasa likod lang ng altar. Habang tinititigan niya ang pari at ang kasama nito ay nakaramdam niya ng familiarity. Na para bang nagkita na sila noon. Pero alam niyang ito ang unang beses na makita ang dalawang ito. Pagpasok nila sa loob ay napangiwi siya sa kalat at alikabok ng opisina ng pari.  “Achoo! Grabe ah! Puro alikabok!” reklamo ng lalaki na kausap kanina ng pari.  “Umupo kayo diyan,” turo ng pari sa sofa at nagkatinginan sila ng lalaki. Napapailing ang lalaki na pinagpagan ang sofa bago sila naupo.  “Ako pala si Raphael. Dr. Raphael Rosario,” pakilala sa kanya at inilahad nito ang palad.  “I’m Uriel Alcasid,” pakilala niya at nakipag-shake hands sa doctor. Napatingin sila sa pari na umupo na sa tapat nila.  “Wala ka bang tagalinis dito? Parang ilang dekada na ang alikabok sa opisina mo,” reklamo ng doctor at inirapan lang siya ng pari.  “Inaano ka ba ng alikabok diyan?” tanong ng pari.  “May allergy ako sa alikabok. Para akong nasa bodega,” sagot ng doctor at sumang-ayon naman siya.  “So, anong sadya mo sa akin?” tanong sa kanya ng pari at kumuha ito ng isang stick ng Marlboro Lights na nasa coffee table at sinindihan ito. Kita niya kung papaano hinithit at ibinuga nito ang usok. Tama nga si Thea, cool ang paring ito. Ito ang unang beses na makakita ng paring naninigarilyo.  “I want you to help my classmate,” sabi niya at napataas ang kilay ng pari.  “Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ulit sa kanya.  "Nakita ko kung papaano kinuha ng demonyo ang kaklase ko. Bully ang kaklase kong iyon but I just cannot turn blind eye sa nangyari. Kita ko kung papaano hinigop papalabas ang kaluluwa niya mula sa katawan niya at pagdilat ng mata nito ay alam kong ibang nilalang na iyon,” kuwento niya at kita niya ang pagkamangha sa mata ng pari.  “Nakita mo? Nakita mo kung ano ang ginawa? Papaano mo nalaman na demonyo iyon?” tanong sa kanya.  “Just my instinct, besides ang research book na gawa ko ay dinasalan at pinabasbas ko pa iyon. Nang hawakan ng kasama niya ang book na iyon ay agad niyang nabitawan at tila napaso siya.” Napatango-tango naman ang pari sa kanya.  “I think you’re special,” napalingon siya sa katabi niya na si Dr. Raphael.  “Ha? Special?” tanong niya.  “Kasi you have ability to see creatures like that.” Tumingin ang doctor kay Father Michael.  “So, anong plano mo?” tanong nito sa pari.  “Ofmcourse I will accept it,” sagot ng pari.  “Yosh! Sasama ako!” sabi ng doktor at umiling ang pari.  “Para saan pa?”  “I’m a doctor. Kapag need niyo ng medical assistance ay nandito ako,” sagot nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD