Chapter Eleven

2272 Words
Chapter Eleven             “Asmodeus,” tawag ni Mammon sa demonyo na nakaupo at nagpapanicure sa mga aliping kaluluwa nito. Tumingin ito sa kanya at nabigla sa nakitang sugat sa noo niya. Itinulak ni Asmodeus ang mga alipin niyang kaluluwa at lumapit sa kanya.  “What happened?” tanong nito sa kanya.  “Someone made a sh*t on my forehead. Gamutin mo na lang please?” sagot niya at ngumiti naman ito sa kanya. Inilapat ni Asmodeus ang kanyang palad sa noo niya at naramdaman niya ang init ng apoy nito, isang kulay dilaw na apoy. Naramdaman niya ang unti-unting pagsara ng kanyang sugat.  “Ayan, good as new!” sabi sa kanya at humarap siya sa vanity mirror ng kapwa demonyo niya.  “Wow! Buti na lang walang peklat. Ang awkward kung may krus ako sa noo. Ano ‘to Ash Wednesday?” at nagtawanan sila.  “Mabuti na lang at lumapit ka kaagad sa akin. Fresh pa ang wound and hindi din naman ganoon kalalim. Unlike sa sugat noon ni Lucifer na sobrang lalim na kulang na lang maputol na ang ulo niya haha!” kuwento sa kanya.  “Ah iyon ba ‘yung sa likod niya?” tumango naman sa kanya ang demonyo at muli itong umupo. Hinatak nito ang kadena ng alipin niya at pinagpatuloy ang pagmamanicure nito sa demonyo.  “Nasaan pala si Belphegor? Kayo magkasama di ba?” tanong sa kanya. Umupo siya sa sofa at nahiga.  “Umalis sila. Magkasama sila ni Belzeebub. Mukhang may mga balak sila,” sagot niya.  “Sila naman maglalaro ngayon. Baka hanapin sila ni Satan, yari na naman sila,”  “Asmo?” tawag niya.  “Hmm?”  “Why are we on evil side?” tanong niya at napatigil si Asmodeus. Tiningnan niya ang demonyo at nakitang nakataas ang plakadaong kilay nito sa kanya.  “That’s stupid question Mammon.”  “What? I’m just curious,” sagot niya. Muling tumayo si Asmodeus at lumapit sa kanya. Umupo ito sa tabi niya.  “Darling, do you wish to become holy?” tanong sa kanya at umiling sa kanya.  “No, I don’t want. I’m just curious. Nabuhay ako na isang demonyo niya. I’m just curious bakit naging demons tayo.”  “Because were sinners that’s why. Maybe sometime in our life naging banal tayo but naging makasalanan. Noon naman ay walang demons, si Satan lang. Then he corrupted so many people, so many souls and isa na siguro tayo doon. Saka we can do whatever we want! Hindi tayo pinagbabawalan ni Satan sa mga ginagawa natin. We are free right? Unlike kapag isa kang holy holy diyan, kailangan mo sundin mga utos ng Diyos nila? Ang salita ng Diyos ay lagging tama. That’s sucks, Mammon.”             “Kumusta na Father Michael?” napalingon siya sa nagsalita. Kasalukuyan siyang nasa simbahan at inaayos ang altar ng Panginoo.  “Anong himalang hangin na naman ang nagpalipad sayo dito, Father Jose?” tanong niya at narinig niya ang pagtawa ng kapwa pari.  “Masama bang kumustahin ka?” tanong sa kanya. “ Akala ko may kailangan ka na naman,” sabi niya at muling binalik ang atensyon sa kanyang gawain, napansin naman niyang umupo a pew ang kapwa pari niya.  ‘Mga suwail sa Diyos! Kayong dalawa! Kayong dalawa ay suwail sa Diyos! Sa Diyos niyong sakim! Hahahaha!’  Napailing niya ang kanyang ulo ng maalala ang sinabi ng demonyo sa kanya. Sa totoo lang, ilang araw na ang nakalipas mula ng huling exorcism niya ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang sinabi nito. ‘Papaanong naging suwail? Kaming dalawa ng doctor na iyon?’ tanong niya sa kanyang sarili. Lumingon ulit siya kay Father Jose na nakatingin lang sa kanya. Itinigil niya ang kanyang ginagawa at tumabi sa pari.  “Oy,” tawag niya at tinaasan naman siya ng kilay. “May katotohanan ba ang mga sinasabi ng demonyo?” tanong niya.  “At sa akin mo pa talaga iyan tinanong samantalang ikaw ang exorcist sa ating dalawa. Bakit mo pala natanong?” sagot nito sa kanya. Tinitigan niya ang rebulto ni Hesus na nakapako sa krus na nasa harapan nila. “ Siyempre, ang turo sa atin ay walang katotohanan ang mga sinasabi ng mga kampon ng kasamaan. Na tanging Panginoon lang ang totoo, pero,” lumingon ulit siya sa pari na naghihintay ng sasabihin niya.  “Papaano kung may katotohanan din ang mga sinasabi ng demonyo?” tinitigan lang siya ni Father Jose. Namayani sa kanila ang katahimikan. Tila napapaisip din si Father Jose sa kanyang sinabi. Nagtaka siya ng biglang tumawa ang pari.  “Anong nakakatawa, Jose?” tanong niya at halos maluha-luha na ang pari sa kakatawa.  “Minsan out of this world ka din mag-isip eh. Kalian naging totoo ang mga demonyo? Baka nakakalimutan mo na gawain nila ang manglinlang at paglaruan ang mga isipan ng mga tao. Bakit mo ba naitatanong iyan? Don’t tell me nagpapalinlang ka sa demonyo?” sabi nito sa kanya at inirapan na lang niya ang kapwa pari.  “Hindi ako nagpapalinlang. Naisip ko lang na papaano kung minsan ay totoo ang sinabi nila,” sagot niya.  “Alam mo Father Michael, mga walang pananampalataya sa Diyos iyang mga nagpapaniwala sa mga demonyo. Lahat ng mga sinasaniban, mga may mga darkest desires na siyang gusting-gusto ng nila,” napailing na lang siya sa sinabi ng pari. Pakiramdam niya ay may katotohanan ang mga sinabi sa kanya pero hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Na dalawa sila ng doctor ay mga suwail sa Panginoon, mga pinatay ng Panginoon.      “Daming puwedeng i-corrupt dito ah,” sabi ni Belphegor habang naglalakad sa school ground ng St. Mary’s University.  “I told you magugustuhan mo itong lugar na ito,” sabi naman sa kanya ni Belzeebub. Nilibot nila ang buong university, manghang-mangha siya sa mga nakikita. Halos lahat ng kabataang nandito ay may mga darkest desires, may mga maiitim na balak.  “Dapat pala sinama natin si Mammon o kaya si Lucifer dito. Dami nilang pagpipilian o,” sabi niya.  “F*ck!” napatingin siyakay Belzeebub na biglang tumigil sa paglalakad.  “Bakit?” tanong niya at may tinuro sa kanya. Sinundan niya ito at napaatras ng makita ang isang chapel sa harapan nila.  “Nak ng demonyo! Bakit may chapel dito?” tanong niya at umatras silang dalawa ni Belzeebub.  “Iwas-iwas tayo, mahirap na. magiging abo tayo ng wala sa oras,” sabi ni Belzeebub at lumayo na sa chapel.  “I take it back, hindi magugustuhan nila Lucifer ang lugar na ito,” sabi niya at naglakad na sila palayo.             “Hoy Uriel!” sigaw sa kanya at nilapitan siya ng grupo ni Bryan Yamson, ang kaklase siyang bully. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang bag habang papalapit sa kanya ang grupo nito.  “Akin na ang research mo sa psychology,” sabi nito sa kanya at pilit inaagaw ang kanyang bag.  “W-wala pa akong research, Bryan,” sabi niya at buong lakas na inagaw ang kanyang bag. Wala na siyang nagawa ng makuha nila ang kanyang bag at binuksan ito. Kinalkal ang bag niya hanggang sa makita ang kakabookbind lang na research niya. Inihagis sa kanya ang bag niya at pangiti-ngiting umalis. Tinitigan lang niya ang grupong ito at napabuntong-hininga na pinulot ang kanyang mga nagkalat na gamit.             “See that?” tanong ni Belzeebub kay Belphegor na pinanuod ang ginawa ng isang lalaki sa kaklase nito.  “Yup. Perfect candidate!” sagot niya at sinundan ang lalaki. Pangiti ngiti ito habang tinitingnan ang isang libro.  “Ipapasa mo ‘yan?” tanong niya at agad na napalingon sa kanya ang lalaki.  “Sino ka naman?” tanong nito at nginitian lang niya.  “Sino kausap mo Bryan?” tanong ng kasamahan ng lalaki kaya nilingon niya ito.  “Sino ba ‘tong lalaking ito?” turo sa kanya at lalo lamang siya ngumiti. Nagtaka ang mga kasama ng lalaki.  “Ha? Sinong tinutukoy mo?” tanong nila.  “Bulag ba kayo? Ayan o!” turo sa kanya.  “Baliw ka ba? Tigil mo na kakachongke mo Bryan,” sabi nila at iniwanan na ang lalaki. Nilingon ulit siya ni Bryan.  “They cannot see me,” sabi niya.  “What? Are you crazy?”  “No, but they think you are crazy,” sagot niya. Napailing na lang si Bryan at iniwan siya.             “Who’se that jerk?” bulong ni Bryan habang naglalakad palayo.  “So ano nga, ipapasa mo iyang research na ginawa ng kaklase mo? Sa iyo na ‘yan?” tanong sa kanya ng lalaki. Tumigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ito, kulay blonde ang buhok nito at bagsak na halos matakpan na ang mga mata nito. Nakasuot ito ng isang leather jacket at kulay pulang t-shirt, black pants and a pair of black boots.  “Leave me alone,” sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.  “You know, bakit mo pa ipapasa iyan? Puwede mo naming huwag ng ipasa. Bakit para gumraduate ka? Eh hindi naman sa iyo ang research na iyan,” sabi niya at lalo na siyang nainis dito.  “Leave me alone! Wag mo akong pakialaman!” sigaw sa kanya at akmang susuntukin niya ang lalaki ng mapaatras siya ng makita ang kulay pulang mat anito.  “Don’t you dare to touch me, peasant. Hindi mo ba naisip ano silbi kung gagradaute ka? Hindi ka naman nag-aral, wala kang alam. Why don’t you stay at home and lay in bed for the rest of your life? Hindi ba iyon ang gusto mo? You don’t have any interest din naman so why don’t you just lay around?” napaatras siya ng unti-unting lumapit sa kanya ang lalaki. Umatras siya ng umatras hanggang sa tumama na ang likod niya sa isang pader.  “S-sino ka ba?” tanong niya, unti-unti siyang nakaramdam ng takot ng sumilay ang kakaibang ngiti nito . “The names Belphegor, the demon of sloth. You know you are perfect candidate to be one of my collections,” sabi nito sa kanya. ‘Collections? Anong collections?”  “I know deep inside gusto mo lang walang gawin sa buhay mo. You don’t have interest in life. Why don’t you just lay your ass?” sabi nito sa kanya. Nakita niyang umapoy ang kamay nito, isang kulay pulang apoy at hinawakan siya sa dibdib. Naramdaman niya ang tila mainit na pakiramdam sa kanyang puso, tila hinahatak siya papalabas. Napansin pa niya ang paglabas ng lalaki ng isang bote at itinapat ito sa kanya. Pakiramdam niya ay hinihigop siya papasok sa loob. Nakakita siya ng nakakasilaw na liwanag at nang idilat na niya ang kanyang mga mata ay napansin niyang nasa loob na siya ng garapon.             “How’s your new body?” tanong ni Belphegor sa bagong salta sa katawan ni Bryan. Pinagmasdan pa niyang ginalaw-galaw ang mga daliri nito bago tumingin sa kanya. “ Perfect,” sagot nito sa kanya at tumango naman siya. Ibinulsa na niya ang garapon at tiningnan si Bryan . “At last, I’m free! All I need is to lay around. Tagal ko ng gustong kumawala sa isipan ng Bryan na iyan,” sabi sa kanya.  “Oy, just make sure na hindi ka mahuhuli. Isang beses lang iyan, kapag sumablay ka wala na kaming magagawa pa,” sabi niya at tumalikod. Nakita naman niya si Belzeebub na pinagmamasdan ang nabitawang libro kanina ni Bryan. Hinawakan ito ni Belzeebub at nabitawan din ng biglang umusok ang kamay ng demonyo. Napataas ang kilay niya sa nasaksihan.  “Caution! Caution! Holy! Holy!” sigaw ni Belzeebub kaya lumapit siya dito.  “Ano ‘yan pinabasbasan?” tanong niya at nagkibit-balikat lang si Belzeebub sa kanya.  “Siguro. Napaso ako eh. Baka bininyagan pa iyan doon sa chapel,” sagot sa kanya.  “Huwag ka kasing nagingialam ng mga gamit. Mamaya bible pala nahawakan mo eh di abo ka na kaagad? Wala ng Belzeebub at malulungkot si Satan kapag nagkataon,” paalala niya. Tiningnan naman ni Belzeebub ang bagong Bryan na tuwang tuwa sa katawan niya.  “You force the b*stard?” tanong sa kanya at napakamot naman siya ng ulo. “Hehe! Tagal bumigay eh, in denial pa. Kaya pinilit ko na saka perfect pandagdag sa collections ko,” sagot niya.             Hindi alam ni Uriel kung totoo ba ang nakita niya. Kita niyang hinigop ang kaluluwa ni Bryan ng isang lalaki. Kita niya kung papaano ito kinulong sa isang garapon.  “What are they?” mahinang tanong niya. Nakita pa niyang pinulot ng isang lalaki ang kanyang research na kaagad naming binitawan. Tila napaso ito ng mahawakan ang kanyang libro. ‘Why?’ tanong niya sa sarili. Naalala niyang binabless niya ang research book niya ng magsimba siya noong Linggo. ‘Hindi kaya hindi sila pangkaraniwang nilalang? What if they are demons?’ pinagmasdan niya ang pag-alis ng mga lalaki. Nang makalayo ay kinuha niya ang kanyang research book, nakita niya pa ang bakas ng sunog sa gilid ng pabalat nito. Napatingin siya kay Bryan at tinitigan lang siya bago ito lumakad palayo. Alam niyang hindi na si Bryan ang nasa katawan nito. Hindi mapalagay ang loob niya, kahit pa naging salbahe sa kanya si Bryan ay hindi mapanatag ang loob niya na makitang kinuha ang kaluluwa nito. May bumubulong sa puso niya na kailangan niyang tulungan ang kaklase niya. Kailangan niyang humanap ng paraan kung papaano niya matutulungan si Bryan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD