Chapter Thirteen

2311 Words
Chapter Thirteen             “Pari ba talaga siya?” tanong ni Uriel kay Raphael na nakaupo sa may passenger seat samantalang siya naman ay nasa backseat. Kasalukuyan silang bumabyahe patungo sa tirahan ni Bryan Yamson. Napatingin si Raphael kay Father Michael na nagmamaneho ngayon. Nakabukas ang bintana sa side nito at naninigarilyo. Lumingon si Raphael kay Uriel na nakatingin sa pari at natawa siya sa reaksyon nito.  “Oo naman. Mukha lang hindi pero pari talaga iyan. Noong una nga hindi ako makapaniwala eh, kaso nasaksihan ko gaano siya kagaling kaya don’t worry,” sagot niya. Umayos na ng upo si Uriel at pinagmasdan na lang ang paligid habang naglalakbay sila.  “Oo nga pala,” sabi ni Raphael. “Paano mo nalaman ang tungkol kay Father Michael?” tanong niya.  “I heard him from Thea. Thea Soledad. She’s my classmate and friend,” sagot sa kanya ni Uriel.  “Thea Soledad?” tanong niya at napatingin kay Father Michael.  “Ah si Thea? She was possessed by demon of envy back then,” sagot sa kanila at napatango naman silang dalawa ni Uriel.  “Saan ba nakatira iyang nambubully sayo?” tanong ni Father Michael.  “Sa Caloocan. Ito kasi nakalagay na address niya sa school data base,” sagot sa kanya.             Pagdating nila sa lugar ay sinalubong sila ng magulo at maingay na kalye. Hindi kasya ang kotse ni Father Michael sa eskinita kaya napilitan siyang ipark ito sa kalapit na convenience store. Maraming tao ang nasa paligid, isang tipikal na squatter’s area. Marumi, maingay at magulo ang lugar. Tumingin si Father Michael kay Uriel at napataas ang kilay.  “Are you sure na dito nakatira ang kaklase mo?” tanong sa kanya at napakibit-balikat na lang siya.  “I actually don’t know. Iyan kasi ang nakalagay sa data base,” sagot ni Uriel.  “According to my research, St. Mary’s University is a prestigious school. Parang hindi lang ako makapaniwala na may student sila na nakatira sa ganitong lugar,” sabi naman ni Raphael.  “Kahit ako din naman but who we are to judge? Hindi naman lahat ay mayaman ang mga nag-aaral sa St. Mary’s. Katulad ko, I’m not rich pero nag-aaral ako doon because I’m a scholar,” sagot ni Uriel.  “Pero base sa kuwento mo, he’s a bully, right? I just find it weird,” sabi naman ni Father Michael. Ibinuga na niya ang usok at itinapon ang upos ng sigarilyo bago ito tinapakan para mamatay ang baga.  “Let’s go.” At nauna ng maglakad ang pari sa kanila.             “Tao po? Tao po?” nakarinig ng sunod-sunod na katok si Judith. Kahit pa masakit ang katawan at nahihilo ay binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang apat na lalaki. Isang pari, dahil nakasuot ito ng uniporme ng pari kaya natukoy niya agad na pari iyon. Isang kaedaran ng kanyang kapatid at isa ay mukhang mayaman.  “Ano po iyon?” tanong niya. Tila nabigla naman ang tatlong lalaki nang makita siya. Hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya dahil sa kanyang hitsura. Magulo ang kanyang buhok at may pasa siya sa mukha at may benda ang kanyang ulo.  “Nandiyan po ba si Bryan?” tanong ng lalaking kaedaran ng kapatid niya.  “W-wala si Bryan dito,” sagot niya at akmang isasara na ang pinto ng harangin ng pari ang pinto ay tuluyang pumasok sa loob.  “O-oy Father!” sigaw ng dalawa pero hindi sila pinansin.  “A-ano bang kailangan niyo? Wala ang kapatid ko dito,” sabi niya at tiningnan siya ng pari. Ang dalawang kasama nito ay pumasok na din sa loob ng bahay niya. Kahit pagod ang pakiramdam niya ay hindi niya maiwasang mainis sa pinakita ng tatlong lalaking itio.  “Lumabas kayo sa pamamahay ko! Trespassing kayo ah!” sigaw niya at tinitigan lang siya ng pari.  “Raphael, check her,” sabi ng pari at napamaang naman ang isang lalaki.  “Ha?” tanong nito na ikinaikot ng mata ng pari.  “Ano bang silbi mo bakit ka sumama?” tanong nito.  “Medical assistance?” sagot nito sa pari.  “Ano pang hinihintay mo?”  “Ah sorry naman.” Napakamot nitong sagot. Lumapit ang lalaki sa kanya kaya napaatras siya.  “Huwag kang matakot. I’m Dr. Raphael Rossario. Gusto ko lang icheck ang kalagayan mo. You obviously don’t look okay,” sabi sa kanya.  “What happened?” tanong sa kanya.  “Wala,” maikling sagot niya at napataas ang kilay ng doctor.  “Don’t lie. I’m a doctor. Grabeng wala lang ang nangyari sayo ah. You have split wound sa ulo mo. We need to treat this right away or else magkaka-infection iyan,” sabi sa kanya at tumango lang siya.   “I can feel a faint demonic presence here,” napatingin sila sa pari. “I am Father Michael, isa akong exorcist,” pakilala sa kanya.  “I am Uriel. Classmate ko si Bryan sa St. Mary’s,” pakilala pa sa kaniya ng isa pang lalaki.  “Ako naman si Judith. Ako ang ate ni Bryan,” pakilala niya at tumingin sa pari.  “Ano pong ibig niyong sabihin? Demonic presence?” tanong niya. Umupo ang pari sa isang monoblock at tiningnan siya.  “May kakaiba ka bang napansin sa kapatid mo?” tanong siya at napayuko siya. Dahan-dahan siyang tumango.  “Siya ang may gawa nito sa akin,” sagot niya at tumango naman ang pari.  “Hindi ko maintindihan si Bryan nang araw na iyon. Mainitin ang ulo niya pero hindi siya nananakit,” sagot niya at narinig niya ang pag-ismid ni Uriel kaya napatingin siya dito.  “Yes. Mainitin ang ulo niya and he’s a bully sa school,” sabi nito sa kanya.  “A-ano?” tanong niya at napabuntong hininga ang binata sa kanya. Narinig niya ang mahinang pagsipol ng doctor sa tabi niya.  “Looks like, you don’t know anything,” bulong nito sa kanya.  “Hindi siya nananakit not until that day. Maghapon siyang nakahiga, kaya nagalit ako dahil wala siyang ginawa buong araw. Nagalit siya sa akin tapos ayun na, sinaktan na niya ako. Ito ang unang beses na nasaktan niya ako, hindi niya ako sinasaktan noon,” paliwanag niya.  “Kilala si Bryan bilang bully sa university,” napatingin siya kay Uriel na seryosong nakatingin sa kanya. “Isa ako sa paborito niyang biktima,” dugtong ng binata at dito siya lalong nakaramdam ng hiya. Wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawa ng kapatid niya. Pakiramdam niya, wala siyang kuwentang kapatid.  “P-patawad kung nasaktan ka ng kapatid ko,” sabi niya at umiling sa kanya si Uriel.  “Nakita ko kung papaano kinuha ng demonyo ang kaluluwa niya,” napaangat siya ng tingin sa binata.  “Ha?”  “Kinuha ng demonyo ang kaluluwa ni Bryan. Kitang kita ng dalawang mata ko. Ang Bryan na nanakit sayo ay hindi na ang kapatid mo,” paliwanag sa kanya.  “A-anong pinagsasabi mong kinuha ng demonyo ang kapatid ko?” hindi niya maintindihan ang ang mga sinasabi ng binata.  “Demons can easily deceive the people lalo na kung ang tao ay may tinatagong darkest desires. Ang kapatid mo, I know na wala siyang interes sa mga bagay-bagay. Kaya nga kinuha niya ang research book ni Uriel para pumasa lang siya. In short, tamad ang kapatid mo. Ang katamaran ang kanyang darkest desire at iyon ang kinuhang advantage ng demonyo. Kilala si Belphegor bilang demon of sloth, at mga tamad na tao, mga walang interes at progreso ang paborito niyang kunin,” paliwanag ng pari sa kanya.  “K-kung ganoon nasaaan ang kapatid ko? Sino ang nasa katawan ng kapatid ko?” tanong niya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang utak niya sa mga naririnig na impormasyon mula sa mga lalaking ito.  “Maybe in hell? He’s in a demon’s possession,” sagot ni Father Michael sa kanya. Ilang minuto naghari ang katahimikan sa kanilang apat.   “Why?” napatingin sila kay Raphael ng magtanong ito. “Why do you want to help him kahit na binubully ka niya?” tanong ni Raphael kay Uriel.  “I just cannot turn blind eye. Nakita ko kung ano ang ginawa sa kanya. Kahit pa naging salbahe siya ay hindi naman dapat na balewalain ko na lang siya. Alam kong ako lang ang makakahingi ng tulong para sa kanya,” sagot ni Uriel at napatango naman si Raphael.  “So, nasaan si Bryan?” tanong ni Father at umiling naman siya.  “Hindi ko alam. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi dito simula noong saktan niya ako,” sagot niya at dinig niya ang rinig niya ang pagbuntong-hininga ng tatlong lalaki.  “Maghahanapan pa pala tayo nito,” sabi ng pari.  “Mamaya na natin hanapin ang kapatid niya,” napatingin siya kay Raphael. “Gagamutin muna kita bago naming hanapin si Bryan.”     “Saan ba natin hahanapin ang bully mong classmate?” tanong ni Raphael habang naglalakad sila palabas ng eskinita.  “Saan ba naglalagi ang mga demonyo?” tanong naman ni Uriel at sabay silang napatingin kay Father Michael.  “Sa impyerno,” sagot nito habang may dinudukot sa bulsa nito. Kinuha nito ang pakete ng sigarilyo at napasimangot nang makitang walang laman ito. Nilamukos niya ang pakete bago itinapon ito sa gilid ng kalsada.  “Oy, you’re littering,” suway sa kanya ni Raphael. “Huwag ako Raphael, tingnan mo ang paligid,” sagot nito sa kanya. Naglakad sila pabalik sa convenience store at napatakbo ang pari ng makita ang ilang mga batang yagit na nasa taas ng kanyang kotse.  “Hijo de put—” hindi na itinuloy ng pari ang kanyang sasabihin at pinaalis ang mga bata. Nagkatinginan na lang sina Raphael at Uriel.  “Siya lang ang pari na kakaiba,” sabi ni Uriel.  “Indeed,” pagsang-ayon ni Raphael. Nakita nilang pumasok sa loobng convenience store si Father Michael kaya sumunod na din sila. Naisipan muna nilang magmeryenda, lalo na si Uriel. Hindi din naging biro ang biyahe niya mula Quezon City hanggang Marilao, Bulacan at ngayon nga ay nasa Camarin, Caloocan sila.  “Father,” napatingin ang pari kay Uriel na kumakain ng siopao.  “O bakit?” tanong niya at inisang lagok ang isang San Mig Light.  “Bakit ka nagpari?” tanong nito sa kanya at napatango naman si Raphael.  “Oo nga. Bakit ka nga ba nagpari?” tanong din nito.  “Hindi ko din alam,” sagot niya at naguluhan naman ang dalawa.  “Ha? Hindi mo alam?” tanong ulit ni Rapahael.  “Sa totoo talaga hindi ko alam kung ano nagtulak sa akin magpari. Una sa lahat, obvious naman na hindi ako karapat dapat magpari,” sabay taas sa lata ng San Mig Light kaya napatango naman ang dalawang lalaki sa kanya. “Pero alam niyo iyon, parang may bulong na ito ang gawin ko. Binubulungan ako na ito ang landas na dapat kong tahakin,” dugtong niya. Sumang-ayon ang dalawa sa kanya.  “Alam mo, somehow I feel you,” napatingin naman sila kay Raphael. “Ganyan din ang naramdaman ko. Bata pa lang ako ay gusto ko ng manggamot. Kaya kumuha ako ng medicine at ngayon nga ay doctor na ako. Nakalinya talaga ako sa panggagamot,” kuwento naman ni Raphael.  “O eh bakit ka nandito imbes na sa ospital ka?” tanong ni Father Michael.  “Day off ko ngayon,” sagot niya sabay kagat sa hotdog na binili niya.  “Ako,” tumingin naman sila kay Uriel. “Feeling ko I belong to the sky,” dugtong nito at napataas ng kilay nag dalawang lalaki.  “Ah, baka dati kang ibon,” sabi ni Father Michael at itinapon na sa basurahan ang lata ng San Mig Light. Sinamaan naman siya ng tingin ni Uriel.  “Ibon ka diyan. Sa tuwing tumitingin ako sa kalangitan, pakiramdam ko ay galing na ako doon,” sabi niya.  “Ah dati ka sigurong piloto,” biro naman sa kanya ng doctor kaya sa inis niya ay binato niya ng tissue ang doctor.  “Wala kayong kuwenta kausap eh no?” at minadali na niya inubos ang siopao na binili niya. Nagtawanan naman ang dalawa at inakbayan ni Raphael si Uriel.  “Sorry na buddy,” sabi nito . “Seryoso kasi eh 'no.”  “You feel belongingness in the sky,” napatingin sila kay Father Michael na nakatingala sa kalangitan.  “Naramdaman ko din iyan. Minsan nga naisip ko na dati kaya akong anghel. Nananaginip kasi ako noon na isa daw akong anghel. May pakpak, nasa langit. Ang weird nga eh. Noong bata ako napapanaginipan ko iyon, kaya siguro nagpari ako ngayon,” dugtong ng pari. “Oo nga pala, saan ba natin hahanapin iyang classmate mo?” tanong ni Raphael.  “Anong demon iyon? Sloth?” tanong ni Uriel.  “Belphegor, siya ang demon of sloth,” sagot ni Father Michael.  “Sloth, pinakamabagal na mammal,” sabi naman ni Raphael.  “Katamaran. Malamang tulog iyon or nagmumuni-muni lang kung saan. I think doon siya sa lugar na walang mang-iistorbo sa kanya,” sabi naman ni Uriel at sumang-ayon ang dalawa sa kanya.  “I think, alam ko na kung nasaan siya,” napatingin sila kay Father Michael na nakatanaw sa malayo.  “Saan?” tanong nilang dalawa ni Raphael. Itinuro ng pari ang isang mataas na building na mukhang abandonado na ilang kilometro sa kanila.  “Ayaw niyang maistorbo 'di ba? Mukhang doon walang mang-iistorbo sa kanya,” sabi ng pari.  “Paano mo naman nasabi?” tanong niya.  “My gut feeling tells me so.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD