Chapter Eighteen

2042 Words
Chapter Eighteen Tahimik ang buong kapaligiran ng dumating siya sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Agad siyang dumeretso sa opisina ng archbishop para kausapin ang pari tungkol sa mga bagay na bumabagabag. Pagdating niya sa opisina ay kumatok siya at binuksan ang pinto. Naabutan niyang nakamasid ang archbishop sa bintana ng opisina nito. Tila ba alam na alam na nito ang kanyang pagdating. “Kanina pa kita hinihintay, Father Michael,” sabi sa kanya at lumingon na ito sa kanya. Pinagmasdan niya ang hitsura ng archbishop, halos puti na ang buhok nito at bakas na sa mukha niya ang ilang taong pagsisilbi sa Diyos. “Mukhang alam mo na bibisita ako sayo,” sabi niya at naupo na sa swivel chair na nasa harapan mismo ng office table ng archbishop. Humarap na sa kanya ang archbishop at naupo na din sa kanyang harapan. Siya si Archbishop Manuel Jacob, ang archibishop ng Diocese of Malolos sa probinsya ng Bulacan. Isa siya sa naging guro ni Father Michael sa seminary at noong nag-aaral siya para maging exorcist. “Archbishop Jacob, may gusto lang sana akong tanungin. Sana mabigyan mo ako ng kasagutan,” sabi niya at sumeryoso ng husto ang mukha ng archbishop. “Maari bang may katotohanan ang mga sinasabi ng demonyo?” tanong niya. Ilang segundong namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa bago sumagot si Archbishop Jacob. “Maari,” sagot sa kanya. “Maaring may mga alam ang mga alagad ni Satan. Maging sa kanila ay may pakpak ang mga balita,” dugtong nito sa kanya. “Ano po ang ibig niyong sabihin?” “Naniniwala ka ba sa pangalawang buhay? Sa reincarnation?” tanong sa kanya at tumango naman siya bilang sagot. “Alam ng lahat na si Lucifer ay isang fallen angel. Isa siya sa malalapit sa Diyos noon. Ang sabi sa mga aral ay nagrebelde siya sa Panginoon dahil gusto niyang higitan ang dakilang manlilikha. Nagkaroon ng digmaan sa langit at siya ay pinatapon ng Diyos sa impyerno. Pero iilan lang ang nakakaalam na hindi lang si Lucifer ang kumalaban sa Diyos,” kuwento sa kanya. “May mga anghel pang kumalaban sa Panginoon?” tanong niya at tumango ang archbishop sa kanya. “Iilang tao lang ang nakakaalam ng kuwentong ito. Alam naman natin na ang Santo Papa ang may kakayahang kumausap sa Panginoon. Batay sa kuwento ng Santo Papa na si Pope Terrence de Luciano, nakausap niya ang Panginoon ay naikuwento sa kanya ang isang tagpo sa langit. Sinabi daw ng Panginoon sa kanya na ang tatlo sa kanyang mga archangels ay sumuway sa kanyang pinag-uutos. Sinasabi na nagdala ang isa sa mga archangel niya ng isang batang mortal. Isang buhay na batang mortal na dinala sa langit ng hindi dumadaan sa paghuhukom. Nagalit ang Panginoon at inutos sa iba pang archangels na parusahan ang mga suwail na anghel. Dito na sila napatay, maging ang batang mortal ay namatay na din.” Natahimik siya, iniisip niya kung may koneksyon ba ang kuwento ni Archbishop Jacob. “Alam mo kung sino ang mga archangels na naging suwail?” tanong ni Archbishop Jacob. Umiling naman siya bilang sagot. “Ang sabi ay sina archangel Michael, Raphael at Uriel. Sila ang mga sumuway s autos ng Diyos.” Bigla na lamang siya kinabahan ng marinig ang mga pangalan ng archangels. Hindi siya makahinga at may mga malalabong imahe ang pumapasok sa kanyang isipan. Tiningnan niya si Archbishop Jacob na seryoso lamang na nakatingin sa kaniya. “Ang ibig mo po bang sabihin, na ako ang reincarnation ni archangel Michael?” tanong niya at nagkibit balikat na lamang si Archbishop Jacob. “Hindi ko masasabi iyan, hindi ko mapapatunayan. Tanging ikaw lang ang makakaalam niyan,” sagot sa kanya. “Archbishop Jacob, hindi ko alam kung nagkataon lang ba o talagang kami ang mga reincarnations ng mga anghel na ito. May mga kaibigan akong ang pangalan ay Raphael at Uriel. Pare-pareho kaming sinabihan ng mga demonyo na suwail. Kaya palaisipan sa amin ang mga sinasabi ng mga nilalang na ito tungkol sa amin. Na kami daw ay pinarusahan ng Diyos, na suwail kami,” paliwanag niya. “Maaring kayo, maaring hindi. Hindi natin alam ang plano ng Diyos.” Lumabas na siya ng opisina at dumeretso sa kanyang sasakyan. Tila mas lalo lamang siya naguluhan sa sinabi ni Archbishop Jacob sa kanya. Hindi siya nakakuha ng konkretong sagot para sa kanyang mga katanungan, bagkus ay dumagdag pa sa kanyang iisipin ang mga sinabi nito sa kanya. Sinulayapan niya ang makasaysayang simbahan ng Barasoain bago pinaandar ang kotse palayo. Pagdating niya sa simbahan ay pagod na pagod siya. Mabuti na lang at hindi Linggo at wala siyang misa. Sa pintuan pa lang ay nakita na niya ang dalawang itinuturing na niyang kaibigan. Para bang naging habit na ng dalawa na dalawin siya. Nakita niyang may kausap na isang lalaki ang dalawa at tila nagbubulungan pa silang tatlo. Dito na siya nagdesisyong lapitan sila. “Ano na namang kailangan niyo?” tanong niya at agad siyang nilingon ng tatlo. Napansin niya at agad na nakilala ang lalaki na katabi lang ni Raphael. “Ikaw si Roman, hindi ba?” tanong niya at agad tumayo ako lalaki. “Oo, Father. Ako nga,” sagot sa kanya. “Hindi ba nasa loob ka ng Muntinlupa?” tanong niya ulit at sumesenyas si Raphael sa kanya. Nabasa niya ang labi ni Raphael na nagsasabing takas kaya napataas ang kanyang kilay. “Takas?” tanong niya at napasampal na lang si Raphael ng kanyang mukha. “Hindi ako pugante Father Michael. Kalalabas ko lang ngayong araw at dito agada ko dumeretso. Gusto sana kita kausapin,” sabi sa kanya ni Roman. Nakita pa niyang binatukan ni Uriel ang doctor at napayuko na lang ito. “Sumunod ka sa akin. Doon tayo sa opisina ko,” sabi niya at nauna ng maglakad. Lumingon siya at nakitang sumunod na ang tatlo sa kanya. Pagpasok sa kanyang opisina ay agad na naupo sa kanyang sofa sina Raphael at Uriel habang si Roman naman ay nanatiling nakatayo. “Maupo ka Roman. Kung maari ay paalisin mo ang dalawang iyan,” sabi niya. “Oy grabe ka!” reklamo ni Raphael. Hindi na niya pinansin ang doctor at nagtimpla na lang ng kanyang kape. “Gusto niyong kape?” alok niya. “Ako, gusto ko,” sagot sa kanya ni Uriel. “Ako din,” sabi ni Roman na nakaupo na sa upuan na kaharap lang ng sofa niya. Tiningnan niya si Raphael at umiling naman sa kanya ang doctor. “Nope, I don’t want. I’m not fan of coffee,” sagot nito sa kanya. Inilapag na niya ang kape para sa dalawa niyang bisita bago siya humigop ng kape niya. Napapikit pa siya sa sarap na hatid nito sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nawala ang pagod na nararamdaman niya, pinakalma nito ang kanyang kalamnan. Kinuha niya ang pakete ng Marlboro Lights sa kanyang pantalon at kumuha ng isang stick. Inalok niya si Roman kung gusto niyo ba at kaagad na pinaunlakan ng binate. Kumuha si Roman ng isa at inabutan niya ng lighter ang binata. “Naks! Same vibes!” biro ni Raphael sa kanya. “Nakakita ka ng kakampi mo ah Father Michael,” dugtong pa nito. “So, Roman anong kailangan mo sa akin?” tanong niya at hinithit ang sigarilyo. “Sa totoo lang hindi ko alam kung papayag ka, kalalabas ko lang ng bilibid. Nabigyan ako ng parole at nakalaya kanina. Wala na kong pamilyang mauuwian at ikaw ang una kong naisip nang malaman kong makakalaya na ako,” sabi ni Roman at hinihintay ang gusto nitong sabihin. “Ano bang maipaglilingkod ko sayo?” tanong niya ulit. Napabuntong hininga ang binata bago siya tinitigan at muling sinagot. “Maari ba akong mag-stay dito Father Michael? Wala na akong ibang mapupuntahan. Ikaw lang ang naiisip kong makatulong sa akin,” sabi nito sa kanya. Napatingin siya sa dalawa na nakatingin din sa kanya. “Okay. Walang problema,” sagot niya at nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng binatang si Roman. “Talaga po? Seryoso? Gagawin ko ang lahat ng maipag-uutos ninyo,” sabi nito sa kanya. “Bukas ang pintuan ng Diyos sa lahat, Roman. Kung kumakatok ka ay malaya kang pumasok sa tahanan ng Diyos. Ang hiling ko lang ay isuko mo ang loob mo sa Diyos, magbalik loob kang muli. Iyon lang ang hihilingin ko,” sabi niya at nabigla siya nang yakapin siya ng binata. “Maraming Salamat Father Michael! Napakabuti mo!” sabi sa kanya. Dama niya ang tuwang nararamdaman ngayon ng binata. “Alam ko ang pakiramdam ng walang pamilya. Ang walang ibang malalapitan, naiintindihan ko iyon,” sabi niya at inubos na ang kapeng barako na kanyang itinimpla. “Saan ka nga pala nanggaling? Parang pagod na pagod ka,” sabi ni Raphael sa kanya. “May kinausap lang. kung saan-saan na ko nakarating,” sagot niya at inayos na niya ang mga gamit na nasa office table niya. “Eh kayo, bakit kayo nandito?” tanong niya. “Rest day ko. Kaya naisipan kong bisitahin ka. Baka nalulungkot ka na,” sagot sa kanya ni Raphael. “Bakit naman ako malulungkot?” tanong niya. “Siyempre, baka namimiss mon a kami,” sagot ulit sa kanya. “Ikaw naman Uriel? Wala ka bang klase?” tanong niya kay Uriel na umiinom ng kape. “Wala. Nag-aasikaso na lang ako ng mga documents ko for graduation,” sagot sa kanya at tumango naman siya. Hinarap niya ang tatlo at tinanong. “Para sa inyo, dapat ba nating paniwalaan ang mga demonyo?” ilang minutong namayani ang katahimikan sa kanilang apat. “Para sa akin hindi,” napatingin silang lahat kay Roman. “Why?” tanong ni Raphael. “Dahil demonyo sila. Kampon sila ng kasamaan. Katulad nga ng sabi ni Father Michael, ang mga demonyo ay mapanlinlang. Kung iniisip niyo ang naging tagpo noon sa bilibid ay hindi iyon sapat para maniwala tayo,” paliwanag niya. “Siguro sayo hindi iyon sapat dahil isang beses mo palang naencounter ang mga ganoong tagpo. Sa akin ay naniniwala ako, why don’t give the demons of the benefit of the doubt? Alam natin Father Michael na hindi lang isa kung hindi tatlong beses na nating naririnig ang mga sinasa nila. Sinasabi nilang suwail tayo at pinarusahan ng Panginoon,” sabi naman ni Raphael. Napabuntong hininga na lang siya. Tila mas lalo lamang gumulo ang kanyang isipan ng makausap si Archbishop Manuel Jacob. “Kung tatanungin niyo ang lahat ng pari tungkol dito, lahat sila ay iisa lang ang magiging sagot. Sasabihin nilang mga sinungaling ang mga nilalang na iyon. Kanina lang ay galling ako sa Malolos para kausapin si Archbishop Manuel Jacob tungkol dito,” sabi niya at sumandal sa kanyang swivel chair. “Anong sabi?” tanong ni Uriel. “Ang sabi niya ay maaaring nagsasabi ito ng totoo. Tila may mga alam sila tungkol saa mga nangyayari sa paligid,” sagot niya. Kita niya na parang naguluhan ang dalawa sa kanyang sinabi. “May ikinuwento sa akin si Archbishop Jacob sa akin. Tungkol ito sa tatlong archangels na sumuway sa kanya. Sinasabi sa kuwento na nagpasok sila ng isang batang mortal sa langit. Hindi pa patay ang bata kaya hindi ito dumaan sa paghuhukom,” kuwento niya. “Ha? Eh papaanong nakapasok ang bata kung hindi pa ito patay?” tanong ni Raphael at nagkibit balikat na lang siya dahil maging siya ay hindi alam ang sagot. “Iyon ang kuwento sa akin ni Archbishop Jacob. Pinagbabawal ng Panginoon ang pagdadala ng mortal sa langit at nang malaman niya ito ay inutusang parusahan at patayin ang mga anghel,” dugtong niya pa. “Anong koneksyon nito sa atin?” tanong naman ni Uriel. “Alam niyo ba kung ano ang mga pangalan ng mga suwail na archangels?” umiling ang dalawa sa kanya. “Michael, Raphael, Uriel. Sila ang mga archangels na sumuway sa utos ng Diyos.” Nanahimik sila ng ilang minuto, tila hindi pa lubusang naiintindihan ng dalawa ang kanyang sinabi. “So, ang ibig bang sabihin ay kayo ang mga archangels?” tanong ni Roman at lahat sila ay napatingin sa binata. “Coincidence ba na kapangalan natin ang mga archangels?” tanong ni Raphael at nagkibit-balikat na lang si Father Michael. “Or tayo ang reincarnation ng tatlong anghel na iyon? Hindi kaya anghel tayo noong past life natin?” tanong naman ni Uriel. “Hindi ko alam,” sagot niya. “Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo. Ipagdarasal ko na lang na sana balang araw na makakuha tayo ng magandang sagot. Ng isang malinaw na sagot.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD