Chapter Nineteen
“Hoy Amelia? Ano itong naririnig kong tsinitsismis mo ako?” napatingin si Amelia nang bigla siyang lapitan ng kanyang kapitbahay na si Maritess na galit nag alit at umuusok pa ang ilong. Ang ganda-ganda ng kanyang umaga at sisirain lang ng walang-hiya niyang kapitbahay. Humarap siya kay Maritess at nameywang, hawak pa ng kanang kamay niya ang walis tingting dahil kasalukuyan siyang nagwawalis ng kanyang bakuran.
“Ano na naman ito, Maritess? Kay aga-aga talak ka ng talak diyan,” sabi niya na lalong ikinainis ni Maritess.
“Ikaw na babae ka napakapakialamera ka talaga! Anong sinasabi mo na ninakaw ko ang bahay namin? Papaano ko nanakawin kung amin iyon?” tanong sa kanya. Napaikot na lang ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ng kanyang napakabuting kapitbahay. Please take note the sarcasm.
“Bakit? Hindi ba totoo? Alam ng lahat na lumuhod ka kay Mareng Gina para makiusap na patirahin ka sa bahay na iyan dahil wala na kayong matitirhan pa. Pumayag si Mareng Gina dahil naawa sa inyo tapos anong ginanti niyo? Binili niyo sa Pag-ibig ang bahay kahit walang consent sa kanila? Pinatira ka na nga pati ang pamilya mo, kinamkam mo na ng tuluyan ang bahay ng ibang tao!” sabi niya at sa galit ni Maritess ay pinasok siya sa loob ng kanyang bakuran at doon sinabunutan.
“Bitawan moa ko!”
“Tsismosa ka talaga!”
“Idedemanda kita ng trespassing!”
“Idedemanda kita ng Libel!”
Madami ang umawat sa kanilang dalawa, natigil na lamang ng may dumating na mga taga-barangay at inawat na sila.
“Amelia! Humanda ka! Iyang kakatihan ng bibig mo, pigil-pigilan mo!” sigaw sa kanya habang hinahawakan si maritess ng kanyang anak at ng ilang tanod.
“Bakit? Guilty ka dahil totoo? Alam ng buong barangay ang mga ginawa mo! Alam ng lahat na mag-nanakaw ang asawa mo! Pati bahay ni Mareng Gina ninakaw mo!” sigaw niya pabalik.
“Ma, tama na. Nakakahiya na sa mga tao,” suway ng kanyang panganay na anak.
“Tandaan mo ito Amelia, pagbabayaran mo ang mga paninira mo sa akin at sa buong pamilya ko!” sigaw ni Maritess at tuluyan na siyang inilayo ng mga taga-barangay. Sa asar niya ay binato niya ang walis tingting sa papalayong si Maritess bago pumasok sa kanyang bahay.
“Ma, ano na namang nangyari sa inyo ni Aling Maritess?” tanong ng panganay niyang si Anton.
“Iyang maritess na iyan! Ang ganda-ganda ng umaga ko tapos sisirain lang niya!” sigaw niya bago inisang lagok ang tubig na inabot ng kanyang anak.
“Ma, ano bang pinuputok ng butsi ni Aling Marites? Tingnan mo tuloy, puro ka kalmot at nagkalagas-lagas ang buhok mo. Saying ang rebond,” sabi ulit ni Anton at napairap na lang siya.
“Nagagalit siya dahil sinabi ko raw na ninakaw nila ang bahay ni Mareng Gina. Eh totoo naman! Sila Maricel pa nga ang nagsabi sa akin na ganoon ang ginawa nila!” kuwento niya.
“Eh ma, baka naman hindi totoo.”
“Anong hindi totoo? Si Maricel pa nga ang kasama noong nagfile sila sa Pag-ibig. Hindi pa nila makuha ng husto ang bahay dahil ayaw isurrender ni Mareng Gina ang titulo ng bahay. Saka iyang asawa niya, saan ka makakakita isang gabi ang kita ay fifty thousand? Eh kargador ng mga prutas sa Divisoria ang asawa niya. Alam mo bang sabi sa akin ni Mareng Karen ay may ninakaw ang asawa niyan sa dating amo niya sa prutasan? Sabi pa ng ani Maricel na ang pinambayad sa Pag-ibig ay ang ninakaw na fifty thousand. Tapos ngayon magagalit siya? Kasi totoo!” kuwento niya at napakamot sa lang sa ulo ang kanyang anak na si Anton.
“Mama naman ang dami mong alam. Eh hindi mo naman alam kung totoo ba iyang nasasagap mong mga tsismis. Diyan ka napapahamak eh,” sabi ng kanyang anak at pumasok na lamang sa kanyang kuwarto.
Kinagabihan ay pakiramdam niya nag-iinit ang kanyang katawan kaya tumayo siya upang lakasan ang buga ng kanyang aircon, binuksan pa niya ang kanyang electricfan at nahiga sa kanyang kama. Pakiramdam niya ay sinusunog ang kanyang katawan, kinakapos na din siya ng hininga. Tila may gumagapang sa kanyang balat ng kung ano mang insekto.
“Ma?” tawag ni Anton at sinilip ang ina na nasa kuwarto. Nagtaka siya bakit nakabukas ang electricfan at aircon gayong nanginginig ang kanyang ina.
“Ma? Okay ka lang?” tanong niya at nilapitan na si Amelia.
“Ma?” tawag niya ulit at hinawakan ang braso ng kanyang ina. Binawi niya kaagad ang kanyang kamay dahil sa mainit ang katawan ng kanyang ina.
“Ma? Anong nararamdaman mo? Ma?” hindi na siya nakatanggap pa ng sagot mula sa ina kaya dito na niya napagdesisyonang isugod na sa ospital si Amelia.
“Doc, ano pong nangyari sa mama ko?” napatingin si Raphael sa anak ng kanyang pasyente. Muli niyang binasa ang resultang nakalagay sa clipboard bago siya sumagot.
“Sa totoo lang ay wala kaming nakitang abnormalities sa nanay mo. Her vitals are good, her blood test is negative sa lahat,” sagot niya at kita niya ang pagtataka sa mukha ng kaanak ng pasyente.
“Po? Walang problema kay Mama? Pero bakit ganyan ang nangyayari sa kanya?” tanong nito sa kanya. Muli niyang tiningnan ang pasyente at napangiwi sa hitsura nito. Nagkaroon ng mga sugat na animo’y nabubulok na ang buong katawan nito lalo na ang mukha nito. May lumalabas na ring nana at insekto sa mga sugat nito pero ayon sa mga test na isinagawa sa pasyente niyang si Amelia Anastacio ay wala naman silang nakitang kakaiba, in fact she’s perfectly fine kaya nagtataka din siya kung ano ba ang nangyayari sa kanyang pasyente.
“Ano bang nangyari? May nakain ba siya na allergy siya?” tanong niya. Umiling naman ang anak bago sumagot.
“Hindi. Wala naman pong allergy si Mama. Bukod sa may nakaaway siya ng umaga ay wala namang ibang nangyari,” paliwanag sa kanya. Dito na siya napaisip, may nakaaway lang ay nagkasakit na kaagad.
“May nakaaway siya?” tanong niya at tumango naman ang kausap niya.
“Oo doc. Nakaaway niya ang kapitbahay naming si Aling Marites.” Napatango na lang siya at ibinigay sa isang napadaang nurse ang clipboard na hawak niya.
“Sa ngayon, iobserve lang muna natin ang mama mo. Magbibigay kami ng antibiotics para sa mga sugat niya,” he said at tumalikod na.
“Sigurado ka ba dito Maritess?” tanong sa kanya ni Aling Pacing, isa sa mga kamag-anak niya na nakatira sa kabilang barangay. Tumango naman siya bilang sagot.
“Oo, nang matahimik na ang babaeng iyan sa kakatsismis,” sabi niya at nailing na lang si Aling Pacing.
“May picture ka ba niya?” tanong nito sa kanya at agad niyang kinuha ang picture na nasa bag niya. Kinuha pa niya ang picture sa f*******: account nito saka pinaprint. Kinuha ito ni Aling Pacing at tiningnan, napataas pa ang kilay niya ng makita ang hitsura ng bibiktimahin nila.
“Siya ba ito? Ang nagtsitssismis sayo?” tanong sa kanya.
“Oo. Tingnan mo nga hitsura niyan, nuknukan ng yabang. Tsismosa! Mahilig pag-usapan ang buhay ng ibang tao,” sagot niya at napatingin sa kanya si Aling Pacing.
“Sigurado ka ba sa gagawin mo?”
“Oo, Aling Pacing. Besides, hindi naman nila malalaman na ako ang may pakana. Gawin mo na lang ang gusto ko at babayaran naman kita,” sagot niya.
“Papaano kung mamatay?”
“Eh di mas maganda! Nang mabawasan ang mga tsismosa sa lugar namin,” sagot niya at napabuntong hininga na lang ang matanda. Nakita niyang kumuha ng isang itim na kandila si Aling Pacing at sinindihan ito at itinirik sa gitna ng lamesa. Kumuha ang matanda ng isang lemon at hiniwa ito, nakita din niyang kumuha ito ng siling labuyo at dinikdik hanggang sa nagkaroon ng kaunting katas mula dito. Pinalibutan ni Aling Pacing ng asin ang paligid ng itim na kandila at dito isinandal ang litrato ni Amelia Anastacio.
“Halika dito,” tawag sa kanya at lumapit naman siya. “Itong lemon, pigaan mo ng buong lakas at ipatulo mo sa litrato niya ang katas. Habang pinipigaan mo ay ilabas mo lahat ang hinanakit mo sa tanong iyan. Pagkatapos ay isunod mo itong katas ng siling labuyo, isipin mo kung ano ang gusto mong mangyari sa kanya,” utos sa kanya ni Aling Pacing. Kinuha niya ang kalahati sa hiniwang lemon at buong lakas niya itong pinigaan.
“Hayop ka! Magbabayad ka sa lahat ng mga sinabi mo sa akin at sa buong pamilya ko! Wala ka ng ginawa kung hindi pag-usapan ang buhay namin! Ika’y maghihirap rin! Pahihirapan kita!” Punong-puno ng poot ang bawat salitang binibigkas niya kasabay sa pagpiga ng lemon sa litrato. Pagkatapos ay binuhos niya ang katas ng siling labuyo sa litrato, iniisip niya n asana ay mawala ang pinagyayabang nitong ganda at kutis ng kanyang balat.
“Sinugin mo ang litrato gamit ang kandilang iyan,” sabi ni Aling Pacing. Kinuha ni Maritess ang litrato ni Amelia at sinunog sa kandila. Sinunog niya ito hanggang sa wala ng matira kung hindi mga abo na lamang. Pagkatapos ay hinipan ni Aling Pacing ang apoy sa itim na kandila saka nito inalis ang asin na nakapalibot dito.
“Okay na iyon? Tatalab na kaya iyon?” tanong niya at tumango naman si Aling Pacing.
“Oo naman. Bukas mababalitaan mo na lang iyan,” sagot sa kanya.
“Magkano Aling Pacing?”
“Five thousand lang.” Kinuha niya ang kanyang makapal na wallet sa kanyang bag at naglabas ng sampong tig-five-hundred-peso bills.
“Salamat.”
Kinabukasan ay lumabas siya ng bahay at nakita ang ilan niyang kapitbahay na nagkukumpulan sa tindahan ng isa nilang kapitbahay na si Aling Josie. Lumapit siyaat nagkunyaring may bibilhin para makisagap ng kung ano mang balita.
“Oy Maritess!” tawag sa kanya ng isa nilang kapitbahay na si Maricel.
“O bakit?”
“Alam mo ba na si Amelia ay sinugod sa ospital kagabi?” tanong sa kanya at agad siyang nagpatay malisya.
“Ha? Kagabi? Bakit daw?” tanong niya.
“Nakita na lang ni Anton na nanginginig si Amelia at nagkaroon ng mga sugat sa buong katawan. Sinugod nila doon ngayon sa PGH,” kuwento sa kanya. Lihim siyang natuwa dahil sa narinig. Sulit na sulit ang ibinayad niyang limang libong piso sa mangkukulam na si Aling Pacing. ‘Dapat lang sa kanya iyan. Nuknukan ng yabang at ubod ng pagkatsismosa. Kung puwede sana ay mamatay na ang babaeng iyan.’
“Nandoon pa din siya sa PGH?” tanong niya.
“Oo. Hindi pa matukoy kung anong sakit niya,” sagot ni Maricel sa kanya.
___
“Doc, ano na bang nangyayari sa nanay ko?” tanong ni Anton kay Dr. Raphael Rosario. Napatingin si Raphael sa pasyente na tila lalong lumala pa ang kalagayan. Kung kagabi ay may mga nana lang ang mga sugat niya, ngayon ay tila naagnas na ang katawan nito.
“Doc, lalong lumala ang nanay ko,” sabi sa kanya ni Anton. Napabuntong-hininga siya bago sinabihan ang anak ng pasyente niya.
“Doon tayo sa opisina ko,” he said at tumalikod na. kaagad naman siyang sinundan ni Anton sa kanyang opisina. Pagpasok nila ay agad niyang pinaupo si Anton sa upuang nasa harap ng kanyang office table.
“Ano po ba ang sakit ng nanay ko?” tanong ulit ni Anton.
“Sa totoo lang ay wala kaming makitang sakit sa mama mo. She’s perfectly healthy that’s why palaisipan sa akin ang mga sugat sa katawan ng mama mo. Naalala kong binanggit mo sa akin na may nakaaway ang mama mon a kapitbahay niyo,” he said at nakita niyang nagtaka si Anton.
“Ano naman pong kinalaman ng nangyari kahapon sa sitwasyon ni mama ngayon?”
“Alam mo, may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Mahirap paniwalaan pero nangyayari talaga ito,” sagot niya.
“Doc, ano po bang ibig niyong sabihin?”
“Naniniwala ka bas a kulam? Dahil sa tingin ko, nakulam ang mama mo.” Tiningnan niya ang reaksyon ni Anton. Tila nag-iisip ito ng malalim, “Sinasabi niyo po bang si Aling Maritess ang kumulam kay mama?” Umiling naman siya bilang tugon.
“Hindi ko masasabi pero base sa kuwento mo ay maaring totoo,” sagot niya.
“May alam po ba kayo kung papaano maaalis ang kulam kay mama?”
“No, wala akong alam. Pero may kilala akong maaaring makatulong sayo. Gusto mo ba siyang puntahan?” tanong niya at agad na tumango si Anton.
Nagmamadaling nilapitan ni Roman ang telepono nang mag-ring ito. Kaagad niyang sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Roman?”
“Ikaw pala, Raphael. Anong kailangan mo?” tanong niya.
“Si Father Michael?”
“Tulog pa. Bakit?”
“Gisingin mo! May ilalapit ako sa kanya. Napakaimportante!”