Chapter Seventeen

2200 Words
Chapter Seventeen “Napadalaw ka ata,” napatingin si Father Michael sa nagsalita. Kasalukyan siyang nasa isang simbahan hindi kalayuan sa kanyang Parokya. Nasa hardin siya at hinihintay ang kura-paroko pero mukhang hindi ang kura ang dumating. “Ikaw pala, Father Henry. Nasaan si Father Oliver?” tanong niya. Lumapit sa kanya ang pari at tumabi sa kanya. “Mukhang huli ka na sa balita. Wala na si Father Oliver dito. Ako na ang bagong kura-paroko ng simbahang ito. Nagre-shuffle ah, ikaw lang at si Father Jose ang nanatili sa puwesto niyo,” paliwanag sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya. Wala siyang kamalay-malay na lumipat na ng ibang simbahan si Father Oliver, ang isa sa mga kaibigan niyang pari at isa ring exorcist. Napatingin siya kay Father Henry at napaisip, napaisip nab aka may makuha siyang sagot mula sa paring ito na noon pa man ay kinaiinisan niya. “Henry,” tawag niya at lumingon naman sa kanya ang pari. “Ano iyon?” tanong sa kanya. “May gusto lang sana ako itanong kaso wala si Father Oliver kaya ikaw na lang,” sabi niya at bahagyang natawa si Father Henry sa kanya. “You sounded like you have no choice,” sagot sa kanya na ikinairap niya. “Isn’t obvious?” at humalakhak naman ang pari. “Hahaha! Okay! Ano ba itatanong mo? Million-dollar question ba iyan?” “Listen carefully, Father Henry dahil mahalaga itong itatanong ko sayo. Nakasasalay ang peace of mind naming apat dito,” nabatid ni Father Henry na seryoso na siya kaya umayos na siya. “Okay, shoot!” “May posibilidad bang nagsasabi ng katotohanan nag isang demonyo?” tanong niya. Ilang minuto pa siyang tinitigan ni Father Henry at bigla na lamang ito tumawa. “Hahaha! Seriously? Iyan ang tanong mo?” tanong sa kanya at halos sumakit na ang tiyan sa kakatawa. “Funny ba ang tanong ko?” bakas sa boses niya ang pagkairita. ‘Bakit ba kasi siya pa kinausap ko? Dapat umalis na lang ako,’ sabi niya sa kanyang isipan. Ilang minuto niyang tiniis ang pagtawa ng pari bago ito kumalma, maluha-luha pa ang pari dahil sa ginawang pagtawa. “Come on Michael! Ikaw dapat ang nakakaalam sa sagot ng tanong mo. All the demons are pretentious! Deceiving! Walang totoo sa kanila Father Michael!” sagot nito sa kanya. Alam naman niya iyon pero ayaw niyang alisin ang posibilidad na may katotohanang sinasabi din ang mga nilalang na mula sa impyerno. “Iyan ang turo sa atin ng simbahan. Pero naisip mo ba na maaring nagsasabi din sila ng katotohanan? Na may gusto silang iparating atin?” sagot niya kay Father Henry. Dito na sumeryoso si Father Henry at mas lalong nilapitan siya. “Saan mo ba nakukuha ang ganyang idea, Father Michael? Sinasabi mo ba na mali ang turo ng banal na simbahang katoliko?” “Hindi sa ganoon, Henry,” sagot niya. “Then why are you asking this? Nahihibang ka na ata Dela Cruz. Kahit kalian ay hindi naging totoo ang mga demonyo,” napabuntong hininga na lang siya. Ayaw na niyang makipagtalo pa sa paring ito. Kung si Father Oliver ang kinausap niya ay malamang bibigyan pa siya ng payo, hindi tulad ng paring nasa harapan niya na sarado ang isipan. ‘Sarado na, makitid pa,’ sabi niya sa kanyang isipan. “Maybe I’m a fool, Henry. Pero hindi ako mag-iisip ng ganito kung walang nangyari sa amin. Tatlong beses na naming naririnig sa mga demonyo ang mga katagang suwail. Sinasabi nila na suwail kami! Na pinarusahan ng Diyos dahil sa isang batang mortal. Alam mo, bakit ko pa sinasabi ito sayo. Alam ko namang hindi ka makikinig. Pasensya na sa abala,” he said at naglakad na palayo. “Father Michael!” sigaw ng pari. Tumigil siya sa paglalakad ngunit hindi na niya pa nilingon ang pari. “Bakit hindi mo tanungin ang archbishop? Baka sakaling may sagot siya sa tanong mo,” sigaw nito sa kanya. Hindi na siya lumingon pa at tuluyan ng nilisan ang simabahan. Pagsakay niya sa kanyang sasakyan ay napayuko na lang siya sa manibela ng kanyang kotse. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip ng mga sinabi sa kanila. Hindi lang isang beses kung hindi tatlong beses na silang sinabihang suwail. “Panginoon, bigyan mo sana ako ng kasagutan. Bigyan mo ako ng mga kasagutan ang mga tanong ko. Pakiramdam ko Panginoon na may katotohanan ang mga sinasabi nila sa amin. Bigyan mo ng linaw ang aming mga damdamin at isipan. Bigyan mo kami ng peace of mind,” dasal niya. Ilang minuto pa ang inilagi niya upang manalangin bago napagdesisyonang magtungo sa Malolos, Bulacan para puntahan nag archbishop ng probinsya ng Bulacan. Nanalangin na sana ay may makuha na siyang sagot sa kanyang mga katanungan. “Roman Lastimosa, ipinatatawag ka sa opisina,” napatingin siya sa jail guard na tumawag sa kanya dito sa kanyang selda. Nagkatinginan pa sila ng kanyang mga kasama sa loob ng selda bago siya tumayo at sundan ang jail guard. Nagtataka siya kung bakit siya pinatatawag sa opisina ng jail warden. Pagpasok niya doon ay naabutan niyang abala ang jail warden sa mga documents na nasa lamesa nito. “Sir? Dito na po si Lastimosa,” sabi ng jail guard kaya napatingin sa kanila ang si Jail Warden Jerald Pacomio. “Ah sige. Roman, halika pumasok ka at maupo ka diyan,” sabi sa kanya. Pumasok na siya at umupo sa swivel chair na nasa harapan ng table ng warden. “Ano po bang kailangan niyo sa akin Sir?” tanong niya. Hindi siya pinansin ng warden at may kinuha itong folder sa ilalim ng table nito. Ibinigay sa kanya ang folder at binuksan niya ito. Isang document pero hindi naman niya maintindihan ang mga nakasulat. “Sir, pasensya na pero hindi ko maintindihan ito,” sabi niya at ngumiti sa kanya si Warden Pacomio. “Roman, isa iyang magandang balita. Binigyan ka ng pangulo ng ating bansa ng parole. Maaari ka ng lumaya,” sabi sa kanya. Napatulala siya dahil sa narinig. Hindi tiyak kung tama ba ang pagkarinig niya sa sinabi ng warden. “Po? Lalaya na ako? Pero papaano? Tatlong taon palang akong nandito. Anim na taon ang hatol sa akin,” sabi niya at ngumiti ang warden. “Oo. Lalaya ka na. maganda at malinis ang record mo dito sa bilibid. Ikaw ang nag-aayos ng peace and order dito sa loob kaya halos tatlong taon ng mapayapa dito sa loob. Natuwa ang pangulo kaya binigyan ka na niya ng parole,” paliwanag sa kanya at dito na unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. “Talaga po? Maraming Salamat po!” sabi niya at nakipagkamay sa warden. Walang mapagsidlan ang kanyang saya. Sa wakas, pagkatapo ng tatlong taon ay muli na niyang masisilayan ang buhay sa labas ng bilangguan. “Bukas na bukas ay maari ka ng makalaya. Ayusin mo na ang mga gamit mo. Wala ka ng poproblemahin dahil nilakad ko na ang mga dapat lakarin para sa iyong paglaya.” “Maraming maraming salamat po, Sir,” he said. “Sige na, ayusin mo na ang mga gamit mo,” sabi sa kanya at agad siyang tumango. Palabas na sana siya ng opisinina ng maalala niyang may itatanong pala siya sa warden. “Sir? Puwedeng magtanong?” “Ano iyon?” “Ang pari na pumunta dito noong nakaraang buwan,” “Ah si Father Michael? Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?” “Saan ko po ba siya matatagpuan?” tanong niya at ngumiti si Pacomio sa kanya. “Sa Marilao, Bulacan. Siya ang kura-paroko ng Our Lady of Guadalupe Parish. Bakit mo pala naitanong?” napabuntong siya bago sumagot. “Wala po.” Pagpasok niya ulit sa kanilang selda ay agad siyang sinalubong ng kanyang mga kasama. “Boss, bakit ka pinatawag ni Warden?” “May kasalanan ka ba, Boss?” marami pa silang tinanong at pag-iling lang ang kanyang sagot. “Boss?” tawag ng mga kasama niya. Tiningnan niya sila, bawat isa na kasama niya dito sa selda. Alam niyang mamimiss niya ang bawat isa, alam niyang kahit pa itinuring na silang criminal ay may mga mabubuting kalooban silang itinatago. Napapaisip tuloy siya kung ano na ang mangyayari sa mga kasama niya dito ngayong lalaya na siya bukas. “Lalaya na ako,” he said at namayani ang katahimikan. Tiningnan niya ang mga kasama niya at tila hindi pa nagsisink-in sa kanila ang kanyang sinabi. “Ano sabi mo, Boss?” tanong pa ng isa. “Lalaya na ako bukas,” sagot niya ulit. Nakita niya ang pagsilay ng mga ngiti sa labi ng bawat isa. “Talaga? Sa wakas Boss!” sigaw ng isa niyang kasama na kalbo. “Bukas na kaagad? Congrats! Sana kami din,” sabi pa ng isa. “Bibigyan din kayo ng parole. Basta lagi niyong panatilihing maayos ang inyong mga record. Huwag kayong mangunguna sa pakikipag-away,” sabi niya. Isa-isa niyang niyakap ang kanyang mga kasama, mga inmate na tatlong taon din niyang nakasama. “Mag-iingat ka, Roman,” sabi ni Warden Pacomio sa kanya. Tumango naman siya at muling nagpasalamat bago lumabas sa malaking tarangkahan ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Paglabas niya ay agad siyang sinalubong ng init at alikabok mula sa mga sasakyan. Matapos ang tatlong taon ay muli niyang nasilayan ang labas. Sa totoo lang, iniisip niya kung saan siya pupunta ngayon. Wala naman siyang pamilyang mauuwian. “Sa Marilao, Bulacan. Siya ang kura-paroko ng Our Lady of Guadalupe Parish. Bakit mo pala naitanong?” napangiti siya ng maalala ang sinabi ni Warden Pacomio. Tiningnan niya ang kanyang wallet. Mabuti na lang at kahit papaano ay may naitabi siya mula sa mga livelihood project nila noong nasa loob pa siya. “Tara na sa Marilao, Bulacan.” Pagdating niya sa simbahan ng Our lady of Guadalupe sa Marilao, Bulacan ay sinalubong siya ng katahimikan. Pumasok siya sa loob ng simbahan ay nakita ang iilang tao na nagdarasal dito. Naupo siya sa pinakahuling pew malapit sa confession room. Dito niya naisipang pumunta, wala na din naman siya kasing pupuntahan at nagbabakasakaling kupkupin siya ni Father Michael. Mahigit isang oras na din siyang nakaupo doon sa simbahan, inaabangan kung lalabas ang pari para makausap na niya ito. Naramdaman niya na may umupo sa tabi niya kaya nilingon niya ito at saktong nagkatinginan silang dalawa. Ilang segundo pa silang nagkatitigan bago makilala ang bawat isa. “Ikaw?” sabay nilang sabi. ——— “Uriel, mauna ka na doon. May titingnan muna ako doon,” sabi ni Raphael at tinuro ang isang tindahan malapit sa simbahan ng Our Lady of Guadalupe. Napabuntong hininga naman si Uriel at tumango na lang. “Please get me a bottled water,” he said at naglakad na papasok ng simbahan. Napagkasunduan nilang dalawa ni Dr. Raphael na bisitahin muli si Father Michael. Para bang nakasananayan na nilang dalawin ang pari, pakiramdam niya hindi kumpleto ang araw niya ng hindi nakakausap o nakikita man lang si Father Michael. Halos isang buwan na din ang nakalipas nang huli silang magkita-kita. Isang buwan na din ang nakalipas nang huli silang kumuha ng case, sa New Bilibid Prison pa sa may Muntinlupa. Hanggang ngayon ay binabagabag siya ng mga sinabi sa kanila ng demonyo. Naisipan niyang maupo sa huling pew na malapit sa confession para madali siyang makita ni Raphael. May isang lalaki ang nakaupo doon kaya dito na rin siya umupo. Pagkaupo niya at napatingin sa kanya ang lalaki at dito na siya natigilan. Para bang nakita na niya kung saan ang lalaki. ‘Saan ko ba siya nakita?’ tanong niya sa kanyang isipan. ‘Nakita ko na siya eh kaso hindi ko maalala,’ pinipilit niyang inaalala ang lalaking ito hanggang sa nalala na niya. ‘Siya ang inmate doon sa bilibid!’ “Ikaw?” sabay nilang sabi. “Ikaw ang sa bilibid hindi ba?” tanong sa kanya ng lalaki. Halos pabulong na din ngh banggitin nito ang salitang bilibid. Tumango naman siya bilang sagot. “Ikaw si Uriel ‘di ba?” tanong niya. “Oo ako nga. Roman ang pangalan mo tama ba?” tanong din sa kanya kaya tumango naman siya. “Anong ginagawa mo dito?” “Ah hinihintay ko si Father Michael,” sagot niya. “Takas ka?” Dito na siya umiling iling. “Hindi ah. Bagong laya lang ako. Kakalabas ko lang ngayong araw,” paliwanag niya. “Ah akala ko tumakas ka,” sabi sa kanya at natawa naman siya. “Hindi, nabigyan kasi ako ng parole dahil maganda ang record ko doon sa loob ng bilibid. Napaaga ang paglaya ko,” sagot niya. “Uriel, tubig mo o!” napatingin sila pareho sa kapapasok lang na si Raphael at inaabot ang isang bottled mineral water. Nang mapatingin sa kanya ang doctor ay gulat na gulat ito nang makilala siya. “Ikaw! Ikaw si Roman 'di ba?” sigaw niya at napatingin ang ilang nagdarasal sa kanya. Bakas sa mga mukha nila ang pagkairita dahil sa ingay na nilikha ng doctor. Sa inis ni Uriel ay hinatak niya si Raphael at pinaupo sa tabi nila, pinagitnaan nilang dalawa ang doctor. “Kumusta?” tanong niya. “Nasa bilibid ka ‘di ba? Anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya. “Kakalaya ko lang. Pagkalabas ko ay dito agada ko nagtungo,” sagot niya. “Ano na namang kailangan niyo?” sabay silang tatlo napatingin sa kanilang likuran at nakita si Father Michael na nakatayo at pinagpapawisan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD