Chapter Thirty-four Nakaramdam ng init si Roman. Pakiramdam niya ay nakapatong siya sa isang pugon dahil sa sobrang init. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. Sa una ay purong itim lang ang bumungad sa kanya kaya muli siyang pumikit at naghintay ng ilang segundo bago muling idinilat ang kanyang mga mata. Pagkadilat niya ay nakita niyang nasa isang kuwarto siya. Kulay gray ang pintura ng pader nito at may nag-iisang lampshade sa gilid na siyang nagbibigay ng liwanag sa buong kuwarto. Umupo siya at dito na niya napansin na may mga kasama siya. Unang-una niyang nakita si Uriel na nasa tabi lang niya mismo at walang malay. “Uriel! Uriel!” sigaw niya at sinampal ng mahina ang pisngi ni Uriel. “Uriel, gising!” sabi niya at ilang sandali pa ay umungol si Urie