Chapter Thirty-five “Raphael? Gising na.” Napadilat siya dahil sa mahinang pagtampal sa pisngi niya. Agad din naman siyang napapikit dahil sa silaw. Naghintay muna siya ng ilang sandali bago ulit niya idinilat ang kanyang mga mata. Magdilat niya ay bumungad sa kanya ang puting kalangitan. Umupo siya mula sa kanyang pagkakahiga sa isang bench. Dito na niya napagmasdan ang paligid. Tahimik at maaliwalas. May magagandang bulaklak sa gilid ng daanan, may iba’t ibang kulay ito, may mga mayayabong din na puno. May nakita din siyang isang pond sa hindi kalayuan. Lubhang napakaganda ng lugar. “Raphael?” Dito na siya napatingin sa nagsalita. Nabigla siya ng makita ang isang anghel na nasa likuran lamang niya. Tumayo siya at lumayo sa anghel, nakita niya pa ang pagtataka sa mukha nit