Chapter Twenty-six “Maraming salamat!” sabi ni Uriel kay Miss Madeline- ang registrar nila. Katatapos lang niyang ipasa ang mga kinakailangang dokumento para sa kanyang pagtatapos. “Walang anuman, Uriel. Congratulations!” sagot sa kanya ni Miss Madeline. Ngumiti ulit siya bago tuluyang umalis. Nasa hallway na siya nang biglang may tumawag sa kanya. “Uriel!” Napalingon siya sa sumigaw at nakita ang isang lalaking maputi, matangkad at may suot na eyeglass. “Ikaw po pala, Prof. Suriaga,” bati niya. Ngumiti ang kanyang prof at lumapit sa kaniya. “Congrats! Unti-unti mo ng natutupad ang mga pangarap mo,” sabi sa kanya. “Oo nga po. Salamat din po sa guidance niyo Prof. Suriaga.” “Nag-lunch ka na ba?” tanong sa kanya at umiling naman sa siya. “Hindi pa po.” “Tara, let’s have