Chapter Fourteen

2177 Words
Chapter Fourteen             “Are you sure na nandito siya?” tanong ni Uriel kay Father Michael habang nakapark sa harap ng isang abandonadong building, ilang kilometro sa pinaggalingan nilang eskinita. Sinilip ni Father Michael ang gusali bago siya tumango bilang sagot. Bumaba na silang tatlo sa sasakyan at pumasok na sa loob ng gusali. Pagpasok nila ay agad silang napatakip ng ilong dahil sa masangsang na amoy, si Raphael ay halos masuka na dahil sa amoy ng lugar. Marumi at sira-sira na ang hitsura ng building.  “Parang dating apartment ito ah,” sabi ni Uriel habang umaakyat sila ng hagdan.  “Dahan-dahan boy, baka madisgrasya ka. Mahirap na,” paalala sa kanya ng doctor at tumango na lang siya.  Sinundan lang nila si Father Michael na tila alam na alam kung saan nagtatago ang demonyo.  “Nasaan ba?” tanong ni Raphael.  “Roof top,” sagot sa kanya ng pari. Nang makarating sila sa roof top ay sumenyas sa kanila si Father Michael na huwag maingay. Doon, nasilip nila si Bryan na nakahiga sa railing at may kausap na isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Uriel ng makilala ang lalaki. Agad niya ng kinalabit ang pari na naiiritang lumingon sa kanya.  “Ano?” pabulong na tanong ng pari.  “Siya. Siya ang kumuha kay Bryan,” bulong niya at napalaki ang mga mata ng pari sa kanya. Muling tiningnan ni Father Michael at nagulat siya nang bumungad sa kanya ang binatang may blonde na buhok.  “Hello!” bati sa kanya sabay sipa. Tinamaan siya sa panga niya dahilan para tumalsik siya ng ilang metro.  “Father Michael!” sigaw nila Uriel at Raphael.  “Hindi ko akalaing makakaharap kita, Father Michael.” ___             “Kumusta ang buhay?” tanong ni Belphegor nang makita si Bryan na nakahiga sa isang abandonadong building.  “Cool!” sagot nito sa kanya.  “I think, our playtime is over,” sabi niya at napatingin sa kanya si Bryan.  “Ha?” tanong nito pero hindi pa rin natitinag sa pagkakahiga sa railing ng roof top. “May nakaalam na hindi ikaw mismo si Bryan. Na isa ka lamang darkest desire,” paliwanag niya at napatingin siya sa may entrance ng roof top. Nangiti siya ng marinig ang bulungan ng mga taong nandoon. Hindi niya akalaing ang isa sa kanila ay nakita kung papaano niya kinuha ang kaluluwa ni Bryan. Dito na siya nagpasyang lapitan ang mga ito.  “Hello!” bati niya sabay sipa sa pari. ‘Siya na naman?’  bulong niya sa kanyang isip. Akmang lalapitan ng dalawa ang pari nang sumigaw ito.  “Diyan lang kayo! Huwag kayong lalapit!” kaya napatigil ang dalawang lalaki.  “Hindi ko akalaing makakaharap kita, Father Michael,” sabi niya at pinanuod ang pagtayo ng pari. Napangiti siya ng makita ang pagputok ng labi nito dahil sa ginawa niya.  “Bakit kaya napakalaiit ng mundo 'no? Hindi ko naisip na makakaharap kita. Parang noong nakaraan lang ay pinanunuod kita habang nilalabanan mo si Mammon. I am really amazed by you,” sabi niya at sinamaan siya ng tingin.  “Ano bang pangalan mong demonyo ka?” tanong sa kanya na lalong nagpangiti sa kanya.  “Sorry, my bad. Where are my manners? The name’s Belphegor. The demon of sloth,” pakilala niya.             “Ibalik mo ang kaluluwa ng batang si Bryan!” sigaw ni Father Michael sa demonyo. Hindi niya naisip na makakaharap niya ang isa sa pitong malalakas na demonyo. Ang demon of sloth na si Belphegor.  “Kayong mga demonyo! Ang trabaho niyo ay sirain ang mga tao! Ang linlangin sila! Ang ilayo sila sa pananampalataya!” sigaw niya at tumawa ang demonyo. Tumawa ito ng napakalakas, nakakabingi ang boses nito. Ang paraan ng pagtawa niya ay tila iniinsulto ang Panginoon.  “I don’t know why your God created people. Ang mga taong ginawa niya ay napupuno ng mga darkest desires, madaling paglaruan ang kanilang pag-iisip at damdamin. Bumibigay ka agad!” sigaw nito at nakita niya na itinaas ang kamay nito. Sa pagtaas ng kamay nito ay naramdaman niyang umangat siya mula sa lupa. Pakiramdam niya ay hawak siya nito sa leeg. Kita niya ang kakaibang pagngiti nito at tila habang tumatagal ay humihigpit ang pagkakasakal sa kanya. Nahihirapan na siyang huminga pero hindi siya magpapatalo. Kahit nahihirapan ay umusal siya ng isang panalangin.  “Omnipotens Deus, adiuva me perdere daemonium hanc,” (Almighty God, help me to destroy this demon) bulong niya. Nakita kung papaano umusok ang braso ni Belphegor. Tila napaso ang braso ng demonyo kaya agad binawi nito ang braso kasabay nito ang pagbagsak niya sa lupa. Kinuha niya ang holy water sa kanyang bulsa at isinaboy ito. Natamaan niya si Belphegor sa braso kaya naghuhumiyaw ito sa sakit.  “Ahh! F*ck!” sigaw nito at napaatras palayo sa kanya. “Moriemini!” (die) sigaw ng demonyo at nakaramdam siya ng p*******t ng dibdib. Pakiramdam niya ay inaatake siya sa puso. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at umusal ng panalangin.  “Panginoon, iligtas mo ako sa kamay ng demonyong ito. Tulungan mo akong talunin ang kampon ni Satanas. Bigyan mo ako ng lakas na harapin ang demonyong ito,” dasal niya at unti-unting nawala ang paninikip ng dibdib niya. Umayos siya ng tayo at hinawakan ang kwintas niyang krus.  “Ibalik mo si Bryan!” sigaw niya at ibinato ang kwintas kay Belphegor. “Prohibere,” nagulat sila ng tumigil ang sa ere ang kuwintas. Tumingin sila sa bagong dating na lalaki. Isang binata na mahaba at itim ang buhok at kulay pula ang mga mata. Nakasuot ito ng simpleng business suit, lumapit ito kay Belphegor at hinatak palayo at itinago sa may likuran niya. Napatingin si Father Michael sa bagong dating na lalaki. Alam niyang mas malakas pa ito kay Belphegor.  “L-lucifer?” tawag ni Belphegor. Nang marinig niya ang pangalan nito ay napaatras silang lahat. Hindi sila makapaniwala na ang fallen angel ay makakaharap nila.  “Belphegor,” tawag nito sa demonyo.  “Bakit?”  “Ibalik mo na ang kaluluwa ng mortal na iyan,” utos nito na agad tinutulan ni Belphegor.  “Pero Lucifer!”  “Ibigay mo na!” dumagundong ang boses nito kaya napatakip sila ng mga tainga.  “Ibigay mo na ang kinukuha nila. Isang kaluluwa lang ‘yan. Hindi ka nila titigilan hangga’t hindi mo binibigay ang kaluluwa ng mortal na iyan,” utos sa demonyo at wala ng nagawa pa si Belphegor at sinunod ito. Nilapitan niya ang katawan ni Bryan at tinitigan ang mga mata nito. Nakita nila kung papaano namuti ang mga mata nito saka niya itinapon ang katawan sa pari.  “Ayan na! Panira kayo ng collection!” sigaw nito at tumalon na ng building. Tinitigan sila ni Luicifer, isa-isa silang tiningnan at napangiti.  “Interesting. Mukhang wala kayong ideya sa mga nangyari,” sabi nito at tatalikod na sana ng tanungin ni Father Michael.  “Anong ibig mong sabihin?” muling humarap sa kanya si Lucifer at ngumiti.  “It’s for you to find out. Where’s the fun if I will tell you?” at tuluyan na itong umalis. ___             Nang makaalis ang demonyo ay napatingin sila kay Bryan ng bigla itong napaupo at umubo.  “Ayos ka lang?” tanong ni Uriel at napatingin naman sa kanya ang binata.  “U-uriel?” tanong nito. Tumayo si Bryan kahit pa nanghihina.  “A-anong ginagawa mo dito?” tanong nito. Nagulat ang lahat ng muling bumagsak si Bryan sa semento at dumudugo na ang labi. Napatingin sila kay Father Michael na nakayukom pa rin ang kanang kamao.  “Magpasalamat ka kay Uriel. Siya ang humingi ng tulong para mabawi ka sa demonyo. Ano? Masarap sa impyerno?” sa inis ng pari ay tinadyakan pa niya ang binata kaya namilipit sa sakit si Bryan.  “Sa susunod magsipag ka ha! Pasalamat ka may malasakit pa sayo si Uriel!” sigaw niya at umalis na agad sinundan ni Raphael.  “Father Michael! Sandali!”             Tinitigan ni Uriel si Bryan habang nakasandal ito sa pader. Total ay tapos na ang misyon niya ay nagpasya na siyang umalis. Paalis na sana siya ng tawagin siya nito.  “Uriel,” tawag sa kanya at nilingon niya ito.  “Salamat. Kung hindi dahil sa iyo ay baka tuluyan na akong nanatili sa kamay ng demonyong iyon,” sabi nito sa kanya at tumango naman siya.  “Walang anuman. Ginawa ko lang ang dapat. Sige, uuwi na din ako,” sagot niya at naglakad na palabas.  “Patawad!” napatigil siya sa paglalakad at muling tiningnan ang kaklase.  “Patawad sa pambubully ko sayo,” dugtong nito at tumango na lang siya. Paglabas niya ng building ay hinihintay na siya ng dalawa sa kotse. Napailing na lang siya ng makita ang pari na may sigarilyo na naman sa labi nito. ___             “Bakit ka biglang sumulpot?” tanong ni Belphegor kay Lucifer habang nasa baybayin sila ng Manila Bay. Nakasalampak si Belphegor sa artificial sand na dolomite habang si Lucifer ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.  “I came because I knew you were in trouble,” sagot nito sa kanya.  “Nabawasan tuloy ang collection ko ng mga tamad,” reklamo niya at binatukan naman siya ng kapwa demonyo.  “Mamili ka. May koleksyon ka o patay ka? Muntik ka na doon. If that happens, you will vanish in this world forever. Mabuti na lang at nakarating agada ko on time kasi kung hindi, abo ka na. Wala ng Belphegor. Hindi na kumpleto,” paliwanag sa kanya. Napasimangot siya dahil totoo naman ang sinabi nito. Muntik na siyang mawala, maging abo. Akala niya kasi ay kaya niya ang paring iyon. Naging confident siya na magiging madali lang sa kanya na talunin ang exorcist priest, mabuti na lang at dumating si Lucifer.  “Kilala mo ba sila, Lucifer?” tanong niya at nagkibit-balikat ang demonyo sa kanya.  “Somehow,” sagot sa kanya.  “Okay pala itong dolomite. Napaka-therapeutic,” dugtong nito na ikinatawa nilang dalawa.  “Oo na lang hahaha!” tumayo na siya at nagpagpag ng kanyang damit.  “Tiba-tiba si Mammon sa mga nangurakot ng therapeutic beach na ‘to,” he said at nailing na lang si Lucifer sa kanya.  “Narinig ko ang tanong ng pari sayo kanina. Bakit natin nililinlang ang mga tao? Hindi niya naisip na ang mga tao ay napakababaw lang. Mabababaw ang kaligayahan nila, lahat sila ay halos nakabase sa mga material na bagay. Kaya sobrang dali lang nila malinlang,” sabi nito at sumang-ayon na siya.  “Babalik na muna ako sa impyerno. Papahinga muna ako,” sabi niya at biglang bumukas ang isang pinto galing sa kawalan at doon siya pumasok. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya si Belzeebub na kumakain ng burger.  “Balita ko muntik ka na ah,” sabi nito sa kanya.  “Bilis talaga ng balita,” sabi niya at inagaw ang kinakaing burger nito at kinagatan. Ibinalik din naman niya kaagad kay Belzeebub ang burger.  “Oo nga eh. Naging padalos dalaos ako. Hindi pala pangkaraniwan ang paring iyon,” sagot niya.  “Sa susunod kasi be cautious. Muntik ka ng maging abo. Katakot takot na lesson iyan kapag pinatawag ka ni Satan hahaha!” sabi sa kanya at napailing na lang siya.  “Lesson learned na,” he said. ___             “Dito ka na lang?” tanong sa kanya ni Father Michael. Tumango naman siya bilang sagot.  “Oo. Malapit na lang ako dito,” sagot niya ng nagsabi siya ng bababa siya ng Fairview Terraces sa Quezon City.  “Gusto mo ihatid ka na namin sa mismong bahay mo,” suggestion naman ni Dr. Rapahel.  “Hindi, okay na ako dito. Isang sakay na lang naman na ako bahay ko na,” sagot niya at lumabas na siya ng kotse.  “Uriel,” napatingin siya kay Father Michael.  “Bakit?”  “Kapag may oras ka, bumisita ka sa Parokya ko,” sabi nito sa kanya at tumango siya.  “Oo sige. Walang problema,” sagot niya at naglakad na palayo.              “I don’t know why but feeling ko nagkakilala na kami,” napatingin si Father Michael kay Raphael habang pinanunuod ang papalayong si Uriel.  “Sense of familiarity?” tanong niya at napatingin sa kanya ang doctor.  “Do you feel the same?” tanong sa kanya.  “Oo. Hindi ko din alam kung bakit. Ganito din naramdaman ko ng una kitang makita,” sabi niya.  “Hindi kaya magkakakilala tayo sa first life natin?”  “Siguro,” sagot niya.  “Ikaw, saan kita itatapon?” tanong niya at napahalakhak ang kasama sa kanya.  “Hahaha! Grabe ka naman sa akin. Itatapon talaga. Diyan lang ako sa Maligaya,” sagot sa kanya.  “Lapit mo lang pala. Maglakad ka na lang,’ sabi niya pero pinaandar na niya ang kotse.  “Grabe ka talaga sa akin. Malayo din iyan kung lalakarin. Mahold-up pa ako,” sabi nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD