Chapter Twenty

2782 Words
Chapter Twenty             Napatingin na lang si Roman sa telepono ng ibinaba agad ni Raphael ang tawag. Base sa boses nito ay tila nagmamadali at napakaimportante nga. Napakamot siya ng ulo at nilingon ang kuwarto ni Father Michael. Lumapit na siya at kumatok ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng kuwarto ni Father Michael. Pagpasok niya ay napasimnagot siya dahil sa kalat na sumalubong sa kanya. Nilapitan niya ang pari at tinapik ang binti.  “Father? Gising na Father Michael,” sabi niya at marahan pa niyang niyugyog ang binti nito. Hindi nagtagal ay dumilat na ang pari at medyo inis na bumangon.  “Anong oras na ba?” tanong sa kanya at tiningnan naman niya ang oras sa relo na nasa pulso niya.   “Pasado alas nueve na Father,” sagot niya. Nagsimula na siyang ayusin ang mga kalat ng pari. Maingat niyang pinulot at inayos ang mga nagkalat na documents na nasa sahig. Sinunod niya ang mga upos ng sigarilyo na nagkalat din sa sahig.  “Nga pala Father,” tawag niya at lumingon naman sa kanya si Father Michael.  “Ano iyon?”  “Si Dr. Raphael, tumawag. Mukhang may importanteng sasabihin,” sabi niya at tumango naman si Father Michael.  “Ano na naman kayang importanteng sasabihin niya?” tanong sa kanya ni Father Michael at nagkibit-balikat na lang siya. “Hindi ko alam. Wala siyang sinabi pero mukhang nakapa-urgent.”             “Anong mayroon at madaling madali ka?” tanong ni Uriel ng makita niya si Raphael galing sa loob ng PGH.  “May tutulungan tayo,” sagot sa kanya ng doctor.  “Ha? Sino?” tanong ulit niya. Lumapit na sila sa sasakyan ng doctor at binuksan ang back seat. Nagtaka siya dahil bakit siya pinapaupo sa back seat.  “O bakit sa back seat ko? Ayaw mo na ako katabi?” tanong niya at natawa naman ang doctor sa kanya.  “Tungaw! May nakaupo na kasi dito sa passenger seat,” sagot sa kanya at napatingin sa loob. Nakita nga niyang may tao sa passenger seat kaya wala na siyang nagawa pa at sumakay na sa may back seat. Agad na din naman pumasok si Raphael at inistart na ang sasakyan.  “Anton, siya nga pala isa sa mga kaibigan ko. Si Uriel, graduating student na iyan,” pakilala ni Raphael sa kanya. Lumingon naman sa kanya ang binate at ngumiti.  “Hello po, ako po pala si Anton,” pakilala ng binata sa kanya.  “Uriel,” he said at nakipagkamay.  “So, anong mayroon at nagmamadali kang pumunta ng Bulacan?” tanong niya ulit kay Raphael.  “Doon na lang siguro naming ipapaliwanag pagdating sa simbahan,” sagot sa kanya at wala na siyang nagawa pa at sumandal na lamang sa may back seat.             Pagdating nila doon ay naabutan nilang inaayos ang simbahan, may mga ilang mangagagawa na naglalagay ng mga palamuti sa simbahan.  “Anong mayroon?” tanong ni Raphael at nagkibit-balikat na lang siya. Dumeretso sila sa opisina ni Father Michael at pagpasok nila doon ay napatigil sila. Sabay pa silang umatras ni Raphael at muling tiningnan ang pinto kung tama ba ang pinasukan nila.  “Ito office ni Father Michael hindi ba?” tanong ni Raphael.  “Oo nga pero bakit iba?” tanong din niya.  “Nandito na pala kayo,” napatingin sila at nakita si Roman na may hawak na walis at mop.  “Ikaw pala Roman. Ito office ni Father Michael hindi ba?” tanong niya at tumango naman si Roman.  “Oo, bakit? Nakakapanibago ba?” tanong sa kanya at pareho sila ng doctor na tumango.  “Mukha bang ibang opisina? Nilinis ko iyan mula kahapon, grabe si Father, mukhang isang dekada na niyang hindi nalilinisan ang opisina niya,” sabi ni Roman at pumasok na sa loob. Sumunod na din silang tatlo at nakita na umaliwalas ang kuwarto. Nawala na ang makapal na alikabok sa sofa at sa lamesa. Maayos na nakasalansan ang mga folders at documents sa isang box at bagong palit na din ang kurtina.  “Nasasan nga pala si Father Michael?” tanong ni Raphael.  “May inasikaso lang saglit. Medyo busy lang dahil piyesta ng mahal na Guadalupe,” sagot ni Roman sa doctor. “Ikaw? Kumusta ka dito?” tanong ni Uriel.  “Okay naman. Mas magandang nandito ako. Tuwing gabi ay tinuturuan ako ni Father mag-rosaryo. Maayos ang lagay ko dito kumpara sa bilibid,” sagot sa kanya ni Roman at napangiti naman siya.  “Mabuti naman kung ganoon,” he said.  “Anong kailangan niyo?” napatingin lahat sila kay Father Michael na kakapasok lang sa kanyang opisina.  “Father, may ilalapit lang sana kami sa iyo,” sabi ni Raphael at naupo naman si Father Michael sa kanyang office chair.  “What is that?”  “Father, this is Anton. Anak siya ng patient ko. Sige na ikuwento mo na ang nangyari sa mother mo,” utos ng doctor sa binata. Huminga pa ng malalim si Anton bago nagsimulang magkuwento.  “Kagabi po, naabutan ko na lang po ang mama ko na nanginginig pero ang kapiramdam niya ay sobrang init. Tapos nagsimula na pong magsugat ang buong katawan niya kaya doon ko po napagdesisyonang dalhin ang mama ko sa ospital,” kuwento ng binate sa kanya.  “And then?” tanong ng pari and this time si Raphael na ang sumagot.  “Chineck naming ang vitals niya, nag-undergo din siya ng iba’t ibang lab tests and all are negative. Walang nakitang abnormalities sa kanya. Hindi ko alam ang dahilan ng mga sugat niya and I decided to give antibiotics para sa mga wounds,” sabi ni Raphael.  “Let me guess, lalo lamang lumala ang kalagayan ng pasyente?” tanong ni Father Michael at kaagad na tumango ang dalawa.  “Wala na ang kinis ni mama. Parang naagnas na ang katawan niya dahil sa sugat,” dagdag pa ni Anton.  “May nakaaway ba o nakalitan ang mama mo?” tanong ulit ng pari at muling tumango ang binata.  “Yes po. Kahapon ay nag-away sila ni Aling Maritess,” sagot ni Anton. Sumandal si Father Michael sa sandalan at sandalling nag-isip.  “Mukhang kinulam ang mama mo, Anton. Base sa mga kuwento niyo ay may nangkulam sa kanya,” sabi niya.  “Ano pong dapat kong gawin? Please Fathaer, tulungan niyo po ang mama ko.”  “Nasaan siya ngayon? Kailangan na natin siyang tulungan at baka tuluyan siya ng mangkukulam.”             Agad silang nag-ayos at bumiyahe pabalik ng Philippine General Hospital. Pagdating nila agad nilang pinuntahan sa ward at nagimbal sila sa hitsura ni Amelia, punong-puno na ng sugat ang buong katawan nito at halos hindi na makilala.  “Raphael, dalhin niyo ang pasyente sa private room,” utos ni Father Michael at agad nilang sinunod ito. Nagtaka pa ang mga nurses na nadoon pero nagdahilan na lang si Raphael na kailangang ilipat sa private room dahil delikado ang lagay ng pasyente. Pagpasok nila sa isang private room ay agad hinanda ni Father Michael ang kanyang mga gamit. Kinuha niya ang kanyang rosary na galing pang Vatican, isa itong rosary na gawa sa ruby stones at ginagamit lang niya sa mga sitwasyong katulad nito. Isinawsaw niya muna ang rosary sa isang basong holy water at tahimik na umusal ng isang panalangin. Pagkatapos ay lumapit siya kay Amelia Anastacio at nag sign of the cross.  “In nomine patris, et filii, et spiritus sancti. Amen.” (In the name of the Father, of the son and of the holy spirit. Amen.) Pagkatapos ay winisikan niya ng holy water ang pasyente at dito ay naghumiyaw ito sa sakit.  “Aray ko po! Mainit!” sigaw ni Amelia.  “Ma? Ayos ka lang ba?” tanong ni Anton at akmang lalapitan pero pinigilan siya ni Uriel.  “Huwag. Huwag mo siyang lapitan, hindi siya ang mama mo,” sabi sa kanya.  “Ha? Hindi ko mama?” tanong niya at tumingin si Father Michael sa kanya.  “Ang kaluluwa ng mama mo ay wala sa katawan niya. Ang gagawin ko ay kakausapin ko ang mismong nangkulam sa kanya gamit ang katawan ng mama mo. Ang nagsalita kanina ay ang mismong mangkukulam,” paliwanag sa kanya ng pari. Muling humarap si Father Michael sa pasyente.  “Sa ngalan ng Panginoong Hesukristo, sa kanyang krus, pagkamatay, sa kanyang dugo, pagsasakripsiyo, sa muli niyang pagkabuhay humihingi ako ng lakas upang labanan nag itim na mahikang nakapalibot sa taong ito. Tulungan mo ako Panginoon na harapin ang taong nampahamak sa kanya, ang nagbigay ng sumpang ito sa kanya,” panalangin niya at sumigaw naman si Amelia.  “Tama na! Tama na! Masakit!” sigaw nito. Hinalikan ni Father Michael ang krus sa kanyang rosary bago ito inilagay at idiniin sa noo. Kita nila ang pag-usok ng noo nito ng idinikit ang rosary sa kanya.  “Ah! Tama na! maawa ka!” sigaw nito.  “Bakit mo kinulam ang babaeng ito?” tanong niya.  “Ah tama na! Masakit!”  “Sagutin mo ang tanong ko! Bakit mo kinulam ang babaeng ito?”  “Masakit! Please!”  “Sagot!” at mas lalong idiniin ni Father Michael ang krus sa noo nito kaya mas lalong nagsumigaw ito.  “Tsimosa siya! Sinabihan niya akong magnanakaw! Sinisiraan niya ako at pamilya ko!” sagot nito. Nagkatinginan si Anton at si Raphael. ‘Si Aling Maritess?’ sabi niya sa kanyang isipan.  “Bakit mo kinulam? Papatayin mob a siya?”  “Oo! Papatayin ko siya! Tsismosa siya!” sigaw nito. Kinuha ni Father Michael ang holy water na nasa maliit na bote at winisikan ang pasyente.  “Aray ko! Mainit! Mahapdi!” sigaw nito.  “Sino ang tumulong o nagturo sayong mangkulam? Alam kong tinuruan ka lang. Dahil kung ibang tao ang nagpakulam ay hindi mo ito mararanasan. Sino ang nagturo sayo?” tanong ulit ni Father Michael.   “Si Aling Pacing! Siya ang nagturo sa akin!” sagot nito at muli niyang sinabuyan ng holy water.  “Tama na please! Mahapdi! Mainit!” pakiusap nito.  “Tanggalin mo ang sumpa mo sa kanya! Tanggalin mo ngayon din! Kung hindi ay paliliguan kita ng holy water!” sigaw ni Father Michael.  “Hindi ko alam papaano!”  “Puntahan mo si Aling Pacing! Tanggalin niyo ang sumpang ito! Kapag hindi niyo tinanggal ay sisiguraduhin kong masusunog kayo sa impyerno!”             “Hoy! Iligpit niyo na ang mga kalat niyo diyan!” utos ni Maritess sa kanyang mga anak. Maghahain na sana siya ng bigla siyang nakaramdam ng sobrang init at nakita niya ang kanyang balat ay nasusunog. Kaagad siyang pumasok sa kuwarto niya at napahawak sa kanyang braso at mukha. Pakiramdam niya ay sinabuyan siya ng asido. Mainit, mahapdi, nakakasunog. Hanggang sa nakarinig na siya ng isang boses ng lalaki. Tila may idinidiin sa kanyang noo at sobrang sakit ito. Naramdaman niya ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang noo.  “Puntahan mo si Aling Pacing! Tanggalin niyo ang sumpang ito! Kapag hindi niyo tinanggal ay sisiguraduhin kong masusunog kayo sa impyerno!” sigaw nito sa kanya at napatakip na siya ng kanyang tainga. Kahit hirap ay tumayo siya at kumaripas ng takbo palabas sa kanilang tahanan. Nagtataka pa ang mga anak niya dahil sa nakita nilang kakaiba sa kanilang ina. Hindi niya alam kung papaano aalisin ang sumpang ibinigay niya kay Amelia. Hindi din niya alam kung papaanong nalaman na kinulam niya ang babae. Kahit malayo ay agad niyang narating ang bahay ni Aling Pacing. Sunud-sunod niya itong kinatok at ng buksan ay kita ang pagkairita sa kanyang mukha.  “Anong---” hindi na niya natapos ang sasabihin ng makita ang hitsura ni Maritess. Isasara na sana niya ang pinto ng harangin ito ni Maritess.  “Aling Pacing tulungan mo ako! May sumusunog sa akin!” sabi niya at umiiling iling ang matanda.  “Hindi na kita matutulungan. Nabisto ka na nila, ayokong mamamatay!”  “Pakiusap Aling Pacing!” nagulat na lamang sila ng biglang may malakas na hangin ang nagpatumba sa kanila.  “Isinasamo ko kay Hesukristong anak ng Diyos ang mga taong nanakit ng kanilang kapwa!” napatakip sila ng kanilang tainga ng dumagundong ang boses ng isang lalaki.  “Tama na! Nandito na si Aling Pacing!” sabi ni Maritess.  “Tanggalin niyo ang karamdaman ng babaeng ito! Tanggalin niyo ngayon din!”  “Oo susunod na kami!” sagot ni Aling Pacing at kahit nanghihina dahil sa boses na narinig ay nagsindi siya ng kandilang kulay puti at nanginginig na isinulat ang pangalan ni Amelia Anastacio.  “Humihingi ako ng tawad sa aming nagawa. Binabawi na naming ang sumpang aming ibinigay sa babaeng ito,” sabi ni Aling Pacing at sinunog ang papel na may pangalan ni Amelia. Pagkatapos ay hinipan ang abo nito. Ang mainit, mahapdi at mabigat na pakiramdam na naramdaman nila ay biglang nawala. Napatingin si Aling Pacing kay Maritess at napatras ng bigla itong nagsuka ng kulay itim na dugo.             “Humihingi ako ng tawad sa aming nagawa. Binabawi na naming ang sumpang aming ibinigay sa babaeng ito,” pagkasabi nito ay agad na ipinainom ang holy water  nasa baso. Nang makainom ay nagsuka si Amelia at inilabas nito ang kulay itim na likido, tila mga buhangin o lupa. Pagkatapos ay ilang minuto lang ay napansin nila ang unti-unting pagbalik sa dati ang kutis ng balat ni Amelia. Agad na nilapitan ni Anton ang kanyang ina at niyakap. Tumingin siya sa pari at nagpasalamat.   “Father Michael, maraming- maraming Salamat po sa iyong tulong. Hindi ko po alam kung papaano kayo mababayaran,” sabi niya at umiling naman ang pari.  “Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako naniningil. Tumutulong ako gamit ang pananampalataya ko sa Diyos. Ang hiling ko lang ay magbago na sana ang iyong ina at magbalik loob kayo sa Panginoon,” sagot sa kanya bago ito tumalikod at nag-ayos ng mga gamit.             “Kapag sumama talaga ako sa iyo ay nakakaencounter ako ng mga kakaibang bagay,” sabi ni Raphael. Napatigil sa ginagawa si Father Michael at napatingin sa kanya.  “Enjoy ka?” tanong sa kanya.  “Haha oo naman! Kaya nga gustong-gusto namin ni Uriel na sumama lagi sayo. Natataon na tuwing bibisita kami ay may mga cases kang tinatanggap,” sagot niya at napatingin naman siya kay Roman.  “Kakaiba ba Roman?” tanong niya at napatingin ang binata sa kanya.  “Ah oo. Bago sa akin lahat ng mga nakikita ko. Akala ko sa mga pelikula lang mayroon ang mga ganitong bagay,” sagot sa kanya.  “Anyway, may gagawin ba kayong dalawa ni Uriel bukas?” tanong ni Father Michael. Tumingin siya kay Uriel at umiling ang lalaki.  “No. Free na ako dahil nga naghihintay na lang ako ng graduation,” sagot sa kanila ni Uriel.  “Rest day,” sagot naman niya.  “Good. Umattend kayo ng misa ko. Kapistahan din ng aming patron, ang birhen ng Guadalupe. Siyempre may activities at kaunting salo-salo,” sabi ni Father Michael kaya lumawak ang ngiti nila.  “Oo ba. Asahan mo kami bukas.”             Kinabukasan ay nakauwi na rin kaagad si Amelia sa kanilang bahay. Sa may tindahan pa lang ni Aling Josie ay nandoon na naman ang tumpukan.  “Hoy Amelia! Buti nakalabas ka na,” sabi ni Maricel. Ngumiti naman siya bago nagsalita.  “Oo nga eh. Medyo okay na ako,” sagot niya.  “Alam mo ba si Maritess?”  “O anong mayroon?” tanong niya.  “May lahi pa lang mangkukulam! Kalat na kalat sa barangay na may kinulam siya. Akala nga naming ikaw pero sabi ng anak mong si Anton ay hindi naman. Nakita ng mga kapitbahay natin na nagtatatakbo. Kamag-anak pala niya si Aling Pacing,” kuwneto sa kanya.  “Sinong Aling Pacing?” tanong niya ulit.  “Si Aling Pacing ‘yung mangkukulam sa kabilang barangay. Magkamag-anak pala sila. Lahi sila ng mga mangkukulam. Ibang klase talaga iyang si Maritess! Magnanakaw na, mangkukulam pa. Dapat pinipetisyonng paalisin ‘yan sa lugar natin eh,” sabi naman ni Aling Josie.  “Hoy ano ka ba? Eh di kinulam ka na niyan?” sagot ni Kulot at nagtawanan sila. Napailing na lang siya at umuwi na sa kanilang bahay. Bago siya pumasok sa loob ay natanaw niya si Maritess na nakasilip sa bintana at nakita niya ang malalim na sugat na hugis krus sa noo nito. Napabuntong hininga na lang siya bago tuluyang pumasok sa loob.  “Ma, kapag okay ka na punta tayo sa Bulacan. Dalawin natin ang pari na tumulong sa atin,” sabi ni Anton habang naghahain. Tumango naman siya bilang sagot.  “Oo ba. Para na rin makapag-bigay ng kaunting donasyon para sa simbahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD