Chapter Ten

2184 Words
Chapter Ten             Nagulat sila ng biglang lumutang ang katawan ni Emmanuel sa ere. Halos lumiyad na ito at mabali ang likod, ilang sandali lang ay bumagsak ito sa kama at nawalan ng malay. Nanahimik ang paligid, naging kalmado.  “Okay na?” tanong ni Raphael at napatingin si Father Michael sa kanya saka umiling. “Nope. We are not yet finish,” sagot niya at napatakip sila pareho ng kanilang tainga nang makarinig sila ng matinis at nakakabinging sigaw.  “Ahhhhhh!” pilit na tinatakpan nila ang kanilang tainga ng maigi ngunit sadyang nakakabingi ang sigaw. Hindi nila namamalayang dumudugo na ang kanilang mga tainga.  Kitang kita nila kung papaano kumawala mula sa pagkakatali si Emmanuel. Dito na nanlalaki ang mga mata ni Raphael nang makitang lumulutang sa ere si Emmanuel at tumatawa saka sila tiningnan ng matalim.  “Masusunod, Mammon,” sabi nito at tinitigan si Father Michael.  “Lapsus est angelus,” (A fallen angel) sabi nito at nakita ni Raphael ang pagtataka sa mukha ni ng pari. “Anong sinasabi mong demonyo ka?” tanong nito at kahit masakit ang tainga ay pinilit niyang tumayo.  “Lnus angelus Dei qui poenas,” sabi nito at tumawa ito ng tawa. “Hindi ka makakalabas ng buhay dito Michael,” dagdag niya at biglang humangin ng malakas. Gamit ang kapangyarihan ay nagawang palutangin ni Emmanuel ang kama at inihagis sa kanila ito na agad naman silang nakaiwas.  “Mga suwail sa Diyos! Kayong dalawa! Kayong dalawa ay suwail sa Diyos! Sa Diyos niyong sakim! Hahahaha!” patuloy ang paghagis sa kanilang dalawa ng doctor. Nauubos na ang pasensya ni Father Michael kaya inabot niya ang krus na nasa leeg niya at hinawakan ito ng mahigpit.  “I am of God and the devil has nothing in me. I will not serve two masters. I will not serve both God and Mammon. I will worship the Lord and serve Him only,” dasal niya at napansin niyang napatigil si Emmanuel. “If my Heavenly Father feeds the birds, He'll take care of me. If He clothes the lilies, He'll provide for me. If I seek His kingdom, and His righteousness, all these things will be added to me. Everything in the heavens and the earth is the Lord's. He is the Lord of all and supplies all my needs. I produce wealth because God gives me ability. He richly provides everything for my enjoyment. By God's command and my obedience to Him, I am blessed,” napansin nilang dalawa na nagtakip na ng tainga si Emmanuel at umiiling iling.  “Itigil mo ‘yan! Itigil mo ‘yan!” sigaw nito.  “Am blessed in the city, I am blessed in the country. My children are blessed, my business is blessed. I am blessed when I come in, I am blessed when I go out. I am the head and not the tail. I am above and not beneath. Everything I put my hand to is blessed,” patuloy sa pagbigkas ng dasal si Father Michael. Nakita nilang dalawa ni Raphael kung papaano bumagsak sa sahig si Emmanuel at tila nasusunog ito.  “I renounce all greed, selfishness and selfish ambition, all boasting and envy. Lord, purify my motives and my heart. I commit today to keep myself free from the love of money. I am content with what I have and in all circumstances. My stuff will perish, but my God remains. He is my all in all!” sigaw ni Father Michael at saka hinatak niya ang kwintas at ibinato kay Emmanuel. Nang tumama ito sa noo ay mas lalong nagsisisigaw ito at nagkikikisay.  “Ahh! Mainit!” sigaw nito at unti-unting umuusok ang katawan niya. Sinabuyan ni Father Michael si Emmanuel ng holy water habang bumibigkas na naman ng panalangin.  “Spiritu Dei nostri Dei, Patris, Filii, et Spiritus Sanctus: Sanctissima Trinitas, descende ad me. Quaeso mihi armatura fidei, fingere me adimplebis me ipsum mihi usu. Nequitiae auferat a me exterminare vincere non possum facere bonum, quod est eas esse, sana, et factis,” (Spirit of our God, Father, Son and Holy Spirit, Most Holy Trinity, descend upon me. Please purify me, mold me, fill me with yourself, and use me. Banish all the forces of evil from me; destroy them, vanquish them so that I can be healthy and do good deeds.)  Napansin ni Raphael na kumakapal na ang usok na nanggagaling kay Emmanuel. Napatakip na siya ng ilong dahil sa masangsang na amoy na galling dito.  “Ano ba ito?” tanong niya ngunit hindi siya sinagot ng pari.  “Longe fac a me omnes carmina, maleficis artibus inserviebat, magica nigra, diabolica provincias profecti, malefice, et maledicere, oculus malus, infestationes diabolicae oppressiones possessiones omne malum et peccatum; invidia insidias, invidia; omnia corporis, animi, moralis, et spiritualis et infirmitates diabolicum; tum omni humanæ spirituum, obsurdescat obmutescat, cæcus, et mutus dormientes spirituum, novus-aetate spirituum, occultorum spirituum, religionis spirituum antichristus spirituum et spirituum alia mors et tenebrae.” (Banish from me all spells, witchcraft, black magic, demonic assignments, malefice, maledictions and the evil eye; diabolic infestations, oppressions, possessions; all that is evil and sinful; jealousy, treachery, envy; all physical, psychological, moral, spiritual and diabolical ailments; as well as all enticing spirits, deaf, dumb, blind, mute and sleeping spirits, new-age spirits, occult spirits, religious spirits, antichrist spirits, and any other spirits of death and darkness.)  “Balang araw ay malalaman niyo rin kung ano ang totoo niyong pagkatao! Michael! Raphael!” sigaw nito sa kanila.  “Bid omnia quae praecepi tibi et mihi molest a et potestatibus in virtute omnipotentis Dei et nomine Iesu. Relinquar Salvatoris nostri in aeternum et in saeculum tradendos stagnum ignis et aut alio numquam continget ut in universo mundo. Amen.” (I command and bid all the powers who molest me—by the power of God Almighty, in the name of Jesus Christ our Savior—to leave me forever, and to be consigned into the everlasting lake of fire, that they may never again touch me or any other creature in the entire world. Amen.) Matapos banggitin ang huling salita sa panalangin ni Father Michael ay natahimik ang paligid. Unti-unti na ding nawawala ang makapal na usok. Lumapit si Raphael kay Father Michael na pawis na pawis at hingal na hingal. Nang makalapit siya ay nakita niya si Emmanuel, wala na ang mga sugat at insekto nito sa katawan.  “Siyan a ba ‘yan? Ang totoong Emmanuel?” tanong niya at tumango naman ang pari.  “Oo. Mabuti na lang at natalo natin si Mammon dahil kung hindi, hindi na siya makakabalik pa. Ito ang resulta kapag bumigay ka sa tukso ng mga demonyo. Kukunin nila ang kaluluwa mo at paglalaruan ka,” paliwanag sa kanya.  Nilapitan niya  si Emmanuel at chineck ang pulso nito, mukhang normal naman. Tila naging malusog na tingnan siya. Napalingon siya ng nagliligpit na si Father Michael.  “Saan ka pupunta?” tanong niya at tiningnan siya ng pari bago bumalik sa pag-aayos ng gamit.  “Uuwi na. Tapos na ang trabaho ko dito,” sagot sa kanya.  “Sandali lang,” tawag niya at tumingin na naman sa kanya ang pari.  “Puwede bang sumama sa mga lakad mo?” tanong niya. Ngumiti ang pari sa kanya at tumalikod na.  “Bahala ka,” sagot sa kanya saka ito naglakad palabas ng kuwarto. Napangiti siya, hindi niya malilimutan ang kakaibang pangyayari na ito sa kanyang buhay.             “Pfft… hahaha! What the hell? Look at your forehead Mammon! You look holy! Hahaha!” halos gumulong-gulong na si Belphegor sa katatawa habang pinagmamasdan ang mukha ni Mammon. Si Mammon naman ay asar na asar sa mga nangyari. Sa inis niya ay sinipa niya si Belphegor kaya nahulog ito sa railings ng rooftop.  “That sh*t!” sigaw niya. Hindi niya akalaing matatalo siya ng paring iyon. Napahawak pa siya sa noo niya dahil bumakas sa kanya ang ibinatong krus ng paring iyon sa katawan ng biktima niya.  “Makakaganti din ako sayo. Makikita mo,” bulong niya.  “Huwag ka ng magtaka kung bakit malakas siya,” agad siyang napalingon sa kanyang likuran at nakita si Lucifer na nakasandal sa railing at humihithit ng sigarilyo.  “Lucifer,” tawag niya. Lumapit sa kanya ang kapwa demonyo at sabay nilang pinagmasdan ang naglalakad na pari. “You know that b*astard?” tanong niya.  “Yep. That was also a fallen angel,” sagot sa kanya at agad siyang napatingin dito.  “What? Katulad mo? But how?” tanong niya at nagkibit balikat si Lucifer sa kanya.  “I don’t know. All I know is pinatay siya, pinapatay sila ng Diyos.”     “Nanahimik ka diyan Seraphiel,” napalingon siya ng tumabi ang anghel na si Jegudiel.  “Ikaw pala,” sabi niya at pinagmasdan ang mga isdang lumalangoy sa ilalim ng tulay. Nasa langit sila at katatapos lang ng meeting sa bulwagan ng Diyos.  “Ano iniisip mo?” tanong ng anghel sa kanya at umiling naman siya.  “Hindi naman mahalaga,” sagot niya. Sa totoo lang ay naramdaman niya ang pagbabago sa mundo. Naramdaman niyang muling nagkita ang dalawang dating anghel. Gumagalaw na ang ikot ng tadhana sa kanila at hindi na siya makapaghintay na magkita-kita ulit ang mga suwail at sila’y babalik dito sa tahanan ng Diyos.  “Jegudiel! Halika ka muna dito!” sigaw ni Barachiel at agad naman na sumunod ang anghel sa kanya. Nang makaalis ang anghel ay ipinikit niya ang kanyang mata at pinagdikit ang dalawang palad, saka umusal ng maikling dasal.  “May benedicat tibi Deus omnia.”    Sa St. Mary's University     "Uriel! Nagawa mo na ang mga assignments?" tanong sa kanya ng kaklase saka tumango.  "Oo," sagot niya at ibinigay na ang libro at notebook sa kaklase na agad kinuha saka umalis. Napabuntong hininga na lamang siya, ito naman lagi ang papel niya sa kanyang mga kaklase. Siya ang taga-gawa ng mga takdang aralin sapagskat siya ang pinakamatalino sa kanila. Siya ang scholar at running for magna c*m laude. "Kinopayahan ka na naman?" napatingin siya sa kanyang prof at tumango.  "Bakit ka naman kasi pumapayag? Ginagamit ka na lang niyang mga kaklase mo eh," sabi nito sa kanya at ngumiti lang siya. "Ito lang kaya kong gawin eh. Kapag hindi ko sila susundin, bubulihin nila ako. Gusto ko lang ay tahimik na buhay kolehiyo, Prof. Suriaga. Ayokong saktan nila ako kaya ginagawa ko ito," paliwanag niya.  "Stand for yourself kasi, Uriel," sabi sa kanya at umiling siya.  "Madaling sabihin pero mahirap gawin. Hindi ako katulad ng iba Prof. Duwag na kung tatawagin pero ganito talaga ako," sagot niya at napabuntong hininga na lamang ang professor niya. Ngumiti ito sa kanya bago umalis.  "I hate my life. Ang boring," sabi niya at tumingala sa langit. Maaliwalas ang langit, may mga ibong malayang lumilipad. Sa tuwing titingnan niya ang langit ay may nararamdaman siyang kakaiba. Pakiramdam niya, belong siya sa taas. Simula pagkabata ay ganito na ang nararamdaman niya, na hindi siya dito sa lupa nababagay.      “Nakakaasar din itong si Mammon eh. Masyadong mainitin ang ulo,” sabi niya habang pinapagpagan ang damit niya. Dahil sa pang-aasar niya kay Mammon ay sinipa siya kaya nahulog siya mula sa rooftop. Tinangala niya ulit si Mammon at nakita na niyang kausap nito si Lucifer.  “Anong ginagawa dito ni Luicfer?” tanong niya.  “Wala naman. Napadaan lang kami,” napalingon siya at nakita si Belzeebub na kumakain ng isang potato chips.  “Sarap niyan ah, kaluluwa flavor,” biro niya at natawa lang sa kanya ang kapwa demonyo.  “Napadaan lang kami dito, eh nakita kayo ni Lucifer sa taas,” lumapit si Belzeebub sa kanya. Dudukot sana siya sa potato chips nito ng biglang iniwas sa kanya kaya napasimangot siya.  “Damot,” sabi niya at dinilaan lang siya nito.  “Hays! Medyo boring ah. Tapos na paglalaro ni Mammon eh,” sabi niya at tumalikod na. Sumunod naman sa kanya si Belzeebub na patuloy pa ring kumakain.  “Eh 'di ikaw naman ang maglaro,” suggest nito sa kanya na ikinangiti niya.  “Oo nga no? Tagal ko na ding hindi nakakapaglaro. Sino kaya magandang maging laruan?”  tanong niya at umakbay naman sa kanya si Belzeebub.  “I know some place na marami kang pagpipilian,” sagot nito sa kanya at naglakad na sila palayo.             “Saan pupunta ang dalawang tukmol?” tanong ni Mammon habang pinagmamasdan umalis ang dalawang demonyo.  “Hayaan mo sila. Let them have their fun,” sagot sa kanya ni Lucifer. Humarap siya dito at napataas ang kilay ng demonyo nang makita ang sugat niya sa noo.  “Don’t you dare to laugh at me demon,” banta niya at nailing na lang si Lucifer.  “Ipagamot mo na ‘yan kay Asmodeus bago pa maging peklat iyan,” sabi sa kanya. Dito na niya nakita ang isang mahabang pilat sa leeg ng demonyo.  “What happened to your neck?” tanong niya at napahawak dito si Lucifer.  “Ah, isang archangel ang may gawa sa akin nito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD