Chapter Fifty: “Kuya! Ready na itong almusal natin!” sigaw niya habang isinasalin ang niluto niyang fired rice sa isang malaking plato. Pagkatapos niyang maisalin ay maingat niyang inihain ito sa kanilang munting lamesa. “Nandiyan na ako!” dinig niyang sigaw ng kanyang kapatid. Habang hindi pa lumalabas ng kuwarto ang kanyang kapatid ay nagtimpla na din muna siya ng paborito nitong kapeng barako. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pag-ingit ng pinto ng kuwarto ng kanyang kapatid at napangiti siya ng makitang naka-uniporme na ito paglabas ng kuwarto. “Naks ang pogi ah! O kape mo para gising na gising sa buong duty!” sabi niya at iniabot ang tasa na may lamang kapeng barako. Nakangiting tinanggap ito ng kanyang kapatid at maingat na sumimsim ng likido. “Salamat bunsoy!