Chapter Three
“Sige, ano bang ipapaliwanag niyo?” tanong ni Uriel at napataas ang kilay niya ng itulak ni Raphael si Michael sa kanya.
“Pabalik na sana kasi ako dito sa langit nang makita ako ang nakakaawang kalagayan ni Roman,” sabi ni Michael at tinuro ang batang hawak niya. “Hindi ko matiis na iwanan na lang siyang halos mamatay na doon kaya isinama ko siya dito sa langit,” dagdag pa niya at napaigting ang kanyang panga sa narinig na paliwanag ni Michael.
“Nahihibang ka na ba? Alam mong bawal ang mortal sa langit! Maliban na lang kung patay na siya at hinatulan na, pero Michael naman gusto mo bang magalit ang Diyos?” tanong niya at napaiwas ng tingin si Michael.
“Mayroon bang Diyos?” Napatingin sila sa batang mortal na umiiyak na. Para bang bumigat ang kanilang damdamin nang makitang umiiyak si Roman. “Ayaw ba talaga sa akin ng Diyos? Bakit ba ayaw niya akong maging masaya? Hindi ko kilala ang mga magulang ko, pinagpasa-pasahan ako ng mga kinikilala kong magulang, sinasaktan ako ni Mang Erning, nagnanakaw ako kahit labag sa kalooban ko, wala akong makain, binubugbog ako ng mga bata sa lansangan. Bakit hinahayaan ng Diyos na maranasan ko ito? Ngayong nandito ako sa langit ay ayaw niya rin? Saan ako lulugar?”
Hindi mapigilan ni Michael na maluha dahil dama niya ang sakit na nararamdaman ngayon ni Roman.
“Angel, huwag mo ng pagalitan sina Michael at Raphael.” Napabuntong hininga si Uriel at hinawakan ang dibdib ni Roman. Nagkaroon ng liwanag na kulay asul sa kanyang kamay at napapikit siya nang bigla siyang dinaluhong ng mga ala-ala nito. Bawat p*******t na naranasan ng bata ay ramdam na ramdam, bawat latay, suntok, sipa ay damang-dama niya. Hindi niya napigilang maluha pa. Nang tinanggal niya ang kamay niya sa dibdib ni Roman ay hinihingal siya, napakabata pa nito pero napakabigat na ang naranasan nito.
“Ayos ka lang, Uriel?” tanong ni Michael at umiling-iling ang anghel.
“Patawad, patawad sa mga nasabi ko,” halos pabulong niyang sinabi sa bata.
“Huwag mo ng pagalitan sina Raphael at Michael, tinulungan lang nila ako.” Ngumiti si Uriel at niyakap ang bata.
“Anong plano niyo?” tanong ni Uriel habang tinititigan si Roman na natutulog sa lapag ng silid-aklatan.
“Itatakas siya. Ibabalik siya sa lupa,” sagot ni Michael at napabuntong hininga naman siya. “Mahirap itong pinasok natin. Lagot tayo nito sa Panginoon,” sabi niya at tumango-tango naman si Raphael.
“Pero hindi naman natin puwedeng pabayaan si Roman. Wala naman siyang kasalanan, sa halip pa nga ay malinis ang puso nito. Maiintindihan naman siguro ng Ama kung bakit natin ginawa ito,” sabi ni Raphael.
“Iniisip ko nga kung papaano tayo makakalabas ng Heaven’s Gate. May iba pa pang daan pababa sa lupa?” tanong ni Michael at napakibit-balikat ang dalawang anghel.
“Tanging Heaven’s Gate ang daan,” sagot ni Uriel.
“Maging maingat lang tayo na hindi tayo mabisto. Mahirap na,” paalala ni Michael na sinag-ayunan ng dalawang anghel.
“Nasaan sina Uriel, Raphael at Michael?” tanong ng Panginoon at nanatiling nakayuko si Gabriel at Barachiel.
“Wala po kaming ideya, Ama,” sagot ni Gabriel.
“Nararamdaman kong may itinatago ang tatlong anghel na iyon sa akin,” sabi ng Panginoon at ramdam din ito ng dalawang anghel. Sa mga nakalipas na buwan ay napapansin nil ana kakaiba ang kinikilos ng tatlong anghel. Palagian mdin nilang natatanaw na pumapasok sa abandonadong silid-aklatan ang tatlo.
“Hanapin ang tatlong anghel na iyon. Dalhin sila dito sa harapan ko!”
“Masusunod po, Panginoon.”
Kaagad na hinanap ng dalawa sina Michael, Raphael at Uriel. Nasalubong pa nila si Jegudiel na papasok palang ng bulwagan ng Diyos. “Parang nagmamadali kayo ah. Anong mayroon?” tanong ng anghel sa kanilang dalawa.
“Pinag-uutos ng Panginoon na hanapin sina Michael, Raphael at Uriel. Mukhang may pinaplano ang tatlong iyon,” sagot ni Gabriel at tila nagulat pa si Jegudiel.
“Pinaplano? Anong klaseng plano?”
“Hindi ko alam, mabuti pang sumama ka na sa amin at hanapin sila,” pagyayaya sa kanya ni Berachiel. Umiling naman si Jegudiel.
“Pasensya na pero pupuntahan ko si Seraphiel,” sagot nito at iniwan na silang dalawa. Nasa pasilyo na sila ng magtanong si Berachiel kay Gabriel.
“Nasaan kaya ang tatlong iyon?” tumigil sa paglalakad si Gabriel at tumingin siya sa kausap.
“Lagi ko silang nakikitang pumapasok sa lumang silid-aklatan. Malamang nandoon sila,” sagot niya at dali-daling nagtungo sa silid-aklatan. Pagtapat nila sa silid ay rinig nila ang munting hagikhikan ng tatlong anghel at mukhang may isa pa silang kasama.
“Patingin ako ng mga liwanag ninyo,” sabi ni Roman sa tatlong anghel na kanyang kalaro. Ngumiti ang tatlo at sabay-sabay nilang inilabas ang kanilang munting liwanag. Kay Michael ay kulay kahel na liwanag, kay Raphael ay dilaw at kay Uriel ay kulay asul. Kitang-kita nila ang pagkamangha ng bata sa kanilang mga liwanag.
“Bakit iba-iba kayo ng kulay?” tanong sa kanila ni Roman. Ngumiti si Michael at ginulo ang buhok ng bata.
“Magkakaiba kami dahil hindi kami iisa. May sarili kaming pagkakakilanlan. Sa akin ay kulay kahel, ako kasi ang heneral ng hukbo,” paliwanag naman ni Michael.
“Sa akin ay dilaw dahil isa akong healer. Ako ang gumagamot sa mga sakit,” sagot naman ni Raphael.
“Sa akin ay asul dahil ako ang angel of wisdom,” sagot naman ni Uriel.
“Alam niyo sana, palagi tayong magkakasama. Huwag sana tayong magkahiwa-hiwalay pero alam ko naming hindi ako nabibilang dito. Sa lupa dapat ako,” sabi ni Roman at ramdam nila ang bahid ng lungkot sa boses nito. Nagtaka si Roman ng makitang nakataas ang hinliliit na daliri ni Raphael.
“Ano iyan?” tanong niya at ngumiti si Raphael.
“Pangako, magkawalay man tayo ngayon ay hahanapin ang isa’t isa,” sabi ni Raphael at kinuha ang kanyang kanang hinliliit at isinabit sa daliri ng anghel.
“Promise?”
“Promise.” Tumingin naman si Roman kay Michael at Uriel, ganoon din ang ginawa ng dalawang anghel. Ipinangako na hahanapin nila ang isa’t isa kapag nagkawalay man sila.
“Anong kahibangan ito?” Napatingin sila sa kapapasok na anghel sa silid-aklatan.
Kita nila ang gulat at naguguluhang mukha ni Gabriel at Barachiel. Agad napatayo ang tatlong anghel dahil sa biglang pagpasok nila Gabriel at Barachiel. Agad na itinago ni Michael si Roman sa likuran niya at humarang sina Raphael at Uriel.
“Mga suwail! Bakit niyo nilabag ang utos ng Panginoon?” sigaw ni Gabriel.
“Sandali lang, magpapaliwanag kami,” sabi ni Raphael.
“Ano pang ipapaliwanag niyo? Kitang- kita na nilabag niyo ang utos ni Ama. Nagdala kayo ng mortal dito sa langit. Dapat kayong parusahan!” Bigla na lamang may kulay berdeng liwanag ang lumabas sa kamay niya pagkatapos ay may hawak na siyang espada. Tila may nakapalibot pang mga munting kidlat ang espada niya.
“Barachiel, sabihin mo sa Panginoon kung ano ang natuklasan natin,” utos na at hindi na nagdalawang isip pa si Barachiel at agad tumakbo palabas ng silid. “Pag-usapan natin ito, Gabriel,” sabi ni Uriel.
“Wala na tayong pag-uusapan pa Uriel. Malinaw sa akin na lumabag kayo s autos ng Diyos. Ang bawat kasalanan ay may karampatang kaparusahan!” sigaw niya.
“Bakit Gabriel, ang pagtulong ba ay kasalanan?” tanong ni Michael at nakatanggap siya ng matalim na titig mula sa kapwa niya anghel.
“Kinukwestyon mo ba ang Panginoon? Isa kang tampalasan!” Iwinasiwas niya ang espada at may malaks na kuryenteng lumabas dito, mabuti na lamang ay nakailag silang tatlo.
“Michael,” napatingin si Michael kay Uriel. “Tumakas na kayo nila Raphael. Ito na ang magandang pagkakataon. Ibalik niyo sa lupa ng ligtas si Roman.” Tumango ang dalawang anghel at binuhat n ani Michael si Roman. Yumakap ng mahigpit sa kanya ang bata.
“Uriel, mag-iingat ka,” sabi niya at tumango na lang si Uriel.
Agad silang lumabas ng silid-aklatan at tumakbo palabas ng Kaharian. Sa kanilang pagtakbo ay nabigla sila ng sumulpot ang isang hukbo ng mga anghel sa pangunguna ni Barachiel. Malapit na sila makalabas ng kaharian nang mapayuko sila dahil sa biglang pagsulpot ng isang sibat. Dito na tumigil si Raphael sa pagtakbo.
“Raphael?” tawag ni Michael at kinabahan siya ng tumalikod sa kanila ang anghel.
“Sige na Michael, pipigilan ko sila hangga’t kaya ko. Manirahan na kayo ni Roman sa lupa.” Kahit labag sa loob niya ay tumakbo na sila palayo. “Sila Uriel at Raphael,” umiiyak na sambit ni Roman habang papasok sila ng gubat.
“Huwag kang mag-alala, susunod sila. Hahanapin nila tayo,” sagot niya kahit pa hindi na siya sigurado sa mangyayari sa kanila.
“Ano bang ginawa ng mortal sa inyo at nagawa niyong labagin ang Diyos?” tanong ni Gabriel kay Uriel.
Ngumisi naman si Uriel at muling lumabas ang asul na liwanag niya at mula dito ay may hinugot siyang dalawang espada. Hinawakan niya ito at napangiti.
“Matagal-tagal ding hindi ko nagamit ang espada ko. Walang anu-ano’y sumugod si Uriel kay Gabriel. Singbilis ng kidlat ang kanyang mga pag-atake at medyo nahihirapan si Gabriel na salagin ito.
“Mukhang kinakalawang ka na Gabriel,” pang-aasar niya dito na lalong ikinainit ng ulo ng anghel.
“Hindi pa ako tunay na nagsisimula,” sagot nito at bigla na lamang lumikha ng napakalaking kidlat ang kanyang espada, mabuti na lamang at nakailag si Uriel. Sa lakas ng pag-atakeng ito ay dumagundong ang paligid at nasira ang lumang silid-aklatan.
“Magaling!” puri ni Uriel sabay sugod. May lumilipad na asul na liwanag na siyang sinasalag ni Gabriel. Napangiwi siya ng may isang tumama sa kanyang braso.
“Ang gusto lang naming ay makabalik sa lupa si Roman. Bakit hindi mo maintindihan iyon?” tanong niya.
“Wala akong pakialam kung ano ang kagustuhan niyo. Ang akin lang lumabag kayo sa utos ni Ama kaya dapat kayong parusahan! Dapat kayong matulad kay Lucifer!” sigaw sa kanya at muli siyang pinaulanan ng mga kidlat. Iniilagan niya ang pagtama ng kidlat, bawat bagay na natatamaan ng kidlat ay tiyak na nawawasak.
“Kaya siguro nag-aklas si Lucifer ay dahil may nakita siyang mali dito sa langit,” sabi niya na lalong kinainis ni Gabriel.
“Napakasalbahe mo! Kinakampihan mo na ang demonyong iyon? Kung ganoon, mas lalo kang dapat parusahan sampo ng mga kasama mo!” sigaw sa kanya at napaatras siya ng biglang namuo ang isang maitim na ulap sa taas nila.
Kita niya ang pagkislap ng mga kidlat sa loob ng ulap. Itinaas ni Gabriel ang espada at tumama dito ang kidlat.
“Ako si Gabriel! Ako ang tatapos sa iyo!” Hindi na nakaiwas pa si Uriel nang biglang kumulog ng malakas at sumunod ang napakalakas na kidlat. Tinaaman siya at ramdam niya ang sakit sa bawat ugat ng katawan niya.
Napatingala siya sa maitim na ulap at tanging si Roman lang ang nasa isipan niya ng mga sandalling ito. Sanay makaalis ka na dito ng ligtas, Roman. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at kasabay nito ang pagiging alikabok ng kanyang pakpak.
Hingal na hingal si Michael na nakarating sa Heaven’s Gate. Nagtatago lamang siya sa isang malaking puno habang yakap ng mahigpit si Roman.
“Michael, sorry. Sorry,” paulit-ulit na usal ng bata at sinusuklian lang niya nito ng paghalik sa noo.
“Wala kang kasalanan. Huwag kang umiyak, huwag kang malungkot. Makakalabas tayo dito sa langit,” sabi niya.
Iniisip niya kung papaano malulusutan ang mga anghel na bantay. Hindi na rin niya magagamit pa ang kapangyarihan niya dahil nasa loob pa siya ng langit. Nagtaka siya ng biglang umalis sa tarangkahan ang mga tagabantay. Kasunod nito ang biglang pagsulpot ni Jegudiel, ang the punisher.