Chapter 15

1227 Words
SIBLEY MAAGA AKONG gumising. Kahit na gustong-gusto ko pang matulog ay bumangon na ako para maghanda ng agahan. Bawat kilos ko ay mabilis nang sa ganoon ay bago makababa si Rhyzon ay handa na ang lahat. Nang matapos ako ay bumalik ako ng guestroom para kunin ang cellphone ko. Pagka-open ko rito ay kaagad kong nakita ang mga text ni Rhyzon na pare-pareho lang din naman ang laman. Where the f**k are you?! Isa-isa ko itong binura at itinira ang message na galing kay Travis kagabi na hindi ko pa nabubuksan. 'Pretend that you did not hear anything stupid from me tonight. I am still your bestfriend.' Napangiti na lang ako sa message niya. Kahit late na ay nag-reply pa rin ako. 'Sure. And pretend, too, that you did not see my reaction. I am still your bestfriend.' "Sino 'yan?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Rhyzon. Nilingon ko ang kinaroroonan niya at as usual, nakasuot na naman siya ng suit. Hindi ko namalayang bumaba na pala siya. Kaagad kong itinago ang cellphone ko saka sumagot, "Si Travis. Sige na kumain ka na." Tinignan lang niya ako bago lumapit sa lamesa at isa-isang inihagis sa sahig ang mga plato at ang lahat ng mga niluto ko. "Rhyzon!" saway ko rito. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang unti-unti na namang namuo ang luha sa magkabilang sulok ng mata ko. Mabilis akong lumuhod para kunin ang mga itinapon niya habang umiiyak. Tahimik siyang umalis na para bang wala siyang ginawang mali. Pinahid ko ang mga luha ko dahil sagabal lang ito sa paglilinis ko. s**t! Madiin kong hinawakan ang daliri ko nang bumaon dito ang bubog. Mabilis akong tumayo para kumuha ng alcohol at band aid. Habang naglilinis ay hindi ko naiwasang mapaisip kung bakit ako tinatrato nang ganito ni Rhyzon. Kung gusto niya akong umalis, sana ipinagtabuyan na lang niya ako. Right. Hindi pala puwede dahil magagalit sa kaniya ang mga magulang niya. At isa pa, hindi rin naman ako aalis. Masyado nang malayo ang narating ko, marami na akong nagawa at naisakripsyo para lang marating ko ang kinaroroonan ko ngayon. This is my dream—to be with him. And if the key for our relationship to last is to endure all the pain, then I'll do it. Nang matapos akong maglinis ay bumalik na ako sa guestroom para maligo. Habang nasa ilalim ako ng shower, ay hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi sa akin ni Travis. Napailing na lang ako. Ginugulo niya talaga ang isip ko! ~•~ NAPAHINGA ako nang malalim nang matapos kong magawa ang lahat ng mga gawaing bahay. Sumalampak ako sa sofa at kaagad na nanood ng palabas sa TV. Pero natigilan ako nang may marinig akong nag-doorbell nang tatlong beses. Tinignan ko kung sino ito at napangiti ako nang makitang iyon na ang makakasama namin sa bahay. Dali-dali akong lumabas at pinagbuksan siya ng gate. "Magandang umaga po, Ma'am," magalang na bati sa akin ng isang babaeng sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na ng 50's. "Magandang umaga rin po, Nanay Ising," bati ko pabalik. "Hali po kayo sa loob." Inalalayan ko siya papasok at natawa ako nang paulit-ulit siyang umiling dahil nagmumukha daw na siya ang amo sa ginagawa ko. "Gusto n'yo po ba ng juice, 'Nay?" alok ko sa kaniya habang nasa kusina kami. "Nako, huwag na po, Ma'am," nahihiyang turan nito. "Kung gusto n'yo po ay magsisimula na ako ngayon din dahil ako'y nahihiya na talaga." Ngumiti ako. "Nako, 'Nay, huwag po kayong mahiya. Isipin n'yo na lang na ako at ang asawa ko ay mga anak ninyo." Mapait na ngumiti ang matanda bago ako malungkot na tinignan. "Kung sana ganiyan kabait kagaya sa 'yo ang mga anak ko..." Kumunot ang noo ko. "Bakit, 'Nay, hindi ba mabait ang mga anak ninyo sa 'yo?" "Puwede n'yo po ba akong ilibot sa bahay ninyo?" pag-iiba nito ng usapan. "Para nang sa ganoon— kapag ako ay nagsimula—ay kabisado ko na ang buong bahay." Tumango lang ako bago siya inilibot sa bahay. Hindi naman ako nahirapan kay Nanay Ising dahil may karanasan na rin naman siya bilang isang kasambahay. Nang matapos ko siyang ilibot ay nagsimula na siya kaagad. Pinigilan ko pa nga siya pero ayaw niya. "Ma'am, may kasama po ba kayo rito sa bahay ninyo liban sa asawa n'yo?" tanong ni Nanay Ising na naglilinis. Umiling lang ako sa tanong niya. "Wala? E, sino po ba ang natutulog dito sa guestroom ninyo?" Natigilan ako saka ngumiti. "Ako po ang natutulog d'yan, 'Nay." Kumunot ang noo nito. Akmang magsasalita na sana itong muli pero siya na rin mismo ang pumigil sa sarili niya. Marahil ay naisip niyang hindi na siya dapat magtanong pa. "D'yan po ako natutulog, 'Nay. Hindi pumapayag ang asawa ko na magtabi kami sa iisang kama kaya ako na lang ang nagdesisyong sa guestroom na lang matulog," pagpapaalam ko sa kaniya. "Bakit po?" tanging naitanong niya. Naiintindihan ko siya kung bakit niya naitanong iyon. Sino ba naman ang hindi magtataka kung malaman nilang natutulog nang magkahiwalay ang isang mag-asawa, 'di ba? "Iyon ang gusto niya, 'Nay. Alam ko namang kasalanan ko rin kung bakit ganito ang sitwasyon namin," sagot ko. "At alam kong darating din naman ang panahon na magtatabi kami sa iisang kama." "Ma'am, alam kong wala ako sa posisyon para makialam sa inyo ni Sir, pero sa narinig ko ngayon, masasabi kong hindi naman po yata tama ang ginagawa ng asawa ninyo sa iyo," pahayag nito. "Dahil parang hindi niya kayo asawa sa ginagawa niya, e." "'Nay, ayos lang sa akin ang gano'ng set-up. Nasanay na ako kahit sa totoo lang, nakakasakit na, pero ano bang magagawa ko, e mahal ko?" pahayag ko at pilit na tumawa pero nabigo ako. Kusang lumungkot ang aking mga mata. "Ma'am, bilang mas nakakatanda sa inyo, marami na akong napagdaanan. Marami na akong karanasan lalong-lalo na sa buhay mag-asawa. At sinasabi ko sa inyo na hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao, dahil darating at darating ang panahon na mapapagod na ang puso mo," saad nito dahilan para matigilan ako't mapaisip. "Pasensya na po at mukhang napasobra 'ata ako." Ngumiti ako saka umiling. "Ayos lang po 'yon. At isa pa may punto naman po kayo," saad ko. "At puwede po bang makahingi ng pabor?" "Ano po 'yon, Ma'am?" "Huwag mo na akong tawaging Ma'am at huwag ka na ring mag-po sa akin. Kung puwede lang po ay tawagin ninyo akong anak o hija," saad ko dahilan para mapangiti siya't mapatango. "Walang problema, 'Nak." Napangiti ako. "Maraming salamat po." Magsasalita na sana ulit si Nanay Ising nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nagdalawang-isip kung sasagutin ko ba o hindi. Travis calling... Pero dahil sa baka isipin niyang iniiwasan ko siya dahil lang sa nagtapat siya ng pag-ibig niya sa akin, ay sinagot ko na. Hindi ko kayang mawala ang pagkakaibigan namin. I value it more than anything else. "Hello, Trave?" "Nasaan ka ngayon, Sib?" Basing on his voice, he sounds so excited. "May magandang nangyari ba? Bakit parang excited ka?" "Basta. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan ka." Napailing ako dahil may pa-secret pang nalalaman ang lalaking ito. "Nasa bahay lang ako. Bakit?" "Ah, gano'n ba? Sige susunduin kita riyan." "H-Ha? Bakit?" "We will go somewhere. Somewhere," saad niya at ibinaba na ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD