TRAVIS
I KNOW that I am too late, but 'better late than never' ika nga nila, 'di ba?
I saw confusion on Sibley's eyes. Ramdam ko rin ang pilit niyang pagbawi sa kamay niyang hawak-hawak ko. Pero hinihigpitan ko lang lalo ang pagkakahawak dito. I don't want to let her go...never.
I am afraid that if I'll loosen my grip, she'll walk away and never come back, even just being a bestfriend.
"Travis, ano ba itong sinasabi mo? Hindi ito magandang biro, ha," aniya na pilit iniisip na biro lang ang lahat ng sinabi ko. But I know that she is already aware that I am serious.
"I love you, Sibley Santos. I love you not just because you are my bestfriend, but because you are the woman I want to spend life with. I love you as a woman, Sib. I really do," pagpapaintindi ko sa kaniya.
Napailing siya bago huminga nang malalim. "Travis..." tila ba nagbabantang saad niya.
"I've been keeping this feeling for almost six years, Sib. Simula pa lang nang baguhin mo ang buhay ko."
"Trave..." Pilit niyang binabawi ang kamay niya pero hindi ko iyon hinahayaan. "Let me go."
"I won't," madiin kong sagot. "I will never gonna let you go, Sib. Hayaan mo akong mahalin ka nang higit pa sa pagiging matalik na kaibigan."
"But I am already married, Travis."
"Wala akong pakialam kung kasal ka na. Just let me love you, Sib. Just...just let me prove to you my worth. If Rhyzon can not treat you good, then I am here—I'll treat you better."
"If Rhyzon keeps on hurting you, then I am here, willing to ease the pain he inflicts."
"Travis..."
"If he will treat you as nothing, then I will treat you as my everything."
"Travis, stop. Please...please don't jeopardize our friendship. Tell me you are just lying. Tell me that you are noy serious," she begged.
I smiled, weakly. "I am sorry, Sib, but I am serious. And I mean every word I said."
Huminga siya nang malalim bago pilit na binawi ang kamay niya. "I need to go, Trave," paalam niya bago tumayo at akmang aalis na sana pero hinawakan ko ang kamay niya.
"Let me send you home, Sib," pagpepresinta ko. "I am still your bestfriend."
"Trave..."
"Just pretend that you did hear nothing, okay? Just act like I never confessed anything. It's a small request from your bestfriend. Can you do it?"
Mariin siyang pumikit bago huminga nang malalim. "Damn you. You are giving me a headache. Fine, send me home."
Ngumiti lang ako bago tumayo at sabay na kaming lumabas. Pero kahit na nakagiti ako, sa kaloob-looban ko ay durog na durog na ako at any moment from now, baka mag-breakdown na ako.
Ito pala ang feeling ng ma-reject. Noong una, ang tingin ko sa mga kaklase kong umiinom o nagwawala dahil lang sa na-reject ng nililigawan nila ay sobrang overacting, pero ngayon, naiintindihan ko na sila.
---
SIBLEY
LIGTAS AKONG nakauwi sa tulong na rin ni Travis. Speaking of that man, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. I can't even believe every thing he said. But looking at his eyes, alam kong seryoso siya. Siguro, it's just me, na hindi magawang tanggapin ang mga salitang 'yon.
He's my friend, my bestfriend. Ni minsan hindi ko naisip ang posibility na magustuhan din niya ako. We've been friends for years, and now that he told me about his feelings, naisip ko tuloy kung lahat ba ng mga ginagawa niya para sa akin ay dahil sa bestfriend ko siya o dahil sa mahal niya ako?
Napailing na lang ako at nasabunutan ang sarili ko. Damn that man! Kung hindi sana siya nagtapat ng nararamdaman niya, hindi ako magkakaganito! I want to hate him—but I can't. He's still the Travis I know; the Travis who will do everything just to cheer me up. And abandoning nor forgetting him just for that confession is an act of immaturity. I must face it and deal with it. Kung kailangan kong klarohin sa kaniya ang lahat, gagawin ko. Basta isa lang ang nasa isip ko—I want to keep our friendship. Ayaw kong malamatan ito nang kahit na konti.
I heaved a sigh before opening the gate. Pero natigilan ako nang maalala ko si Rhyzon. Oh s**t!
Mabilis akong pumasok sa bahay para i-charge ang cellphone ko. Pero pagkabukas ko ng ilaw ay literal na nanlaki ang mga mata ko.
"Rhyzon!" gulat kong sambit nang makita siya sa sala habang umiinom ng alak.
Nag-angat siya ng tingin at matalim akong tinitigan habang umiinom. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin kahit na nailapag na niya ang baso sa lamesang yari sa salamin. "Where have you been, Sibley?"
"I went outside to look for you," diretsong sagot ko.
"Really?" hindi naniniwalang tanong niya. "You searched for me?" natatawang dagdag niya. "Ang sabihin mo lumalandi ka na naman."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. He's unbelievable! "Paano mo nasasabi ang mga salitang 'yan, ha?" Nag-init ang sulok ng mga mata ko kung kaya't nag-iwas ako ng tingin. "Makapagsalita ka parang hindi mo ako kilala."
Tumawa siya nang malakas. "Kaya nga kita sinabihang malandi dahil kilala kita. Pumayag ka ngang maging parausan ko, 'di ba?"
Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naikuyom ko ang kamay ko bago diretsong tumingin sa kaniya. "Oo, pumayag ako na maging parausan mo dahil mahal kita! Ganoon kita kamahal! Pero..." Pinahid ko ang pisngi ko. "...hindi ko maintindihan kung bakit sobrang galit na galit ka sa akin! Ano bang masama sa ginawa ko? Minahal lang naman kita!"
Marahas niyang itinapon ang wineglass sa sahig dahilan para mabigla ako. "'Yon ang masama! Ang putanginang pagmamahal mo ang masama. Bakit? Dahil d'yan, umabot ka na sa punto na gagawin mo ang lahat makuha lang ako!"
Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi ko para mapigilan ang sarili kong humikbi. "I-Iyon l-lang b-ba ang rason?"
"Oo! Iyon lang ang rason. Sana pala hindi na lang kita nilapitan noon at hindi na lang ako nakipagkilala sa 'yo. Hindi sana masisira nang ganito ang buhay ko," malamig niyang sambit na ikinabasag ng durog kong puso. "You ruined my life."
Hindi ko na nakayanan ang mga salita niya, kaya minabuti ko na lang na yumuko at pumunta sa guestroom para magpahinga. Pero napatigil ako nang maramdaman ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko.
"Where are you going, huh?"
Pinigilan kong humikbi. "L-Let me go...please..."
Imbis na pakinggan ay hinila niya ako paupo sa tabi niya. Marahas niyang hinawakan ang pisngi ko at inilapit ako sa kaniya. "Nakakaawa ka, Sibley. Kung hindi ka lang buntis, matagal na kitang sinipa palabas ng bahay na ito."
Napayuko ako pero inangat niyang muli ang ulo ko. Nag-iwas ako ng tingin pero pinuwersa niya akong tumingin sa kaniya. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko.
"Alagaan mo ang batang nasa tiyan mo, dahil iyan at ang kasal lang natin ang nagtatali sa ating dalawa. Iyon lang at wala nang iba pa," bulong niya sa akin bago marahas na itinulak ang mukha ko dahilan para kamuntik na akong sumubsob sa sofa.
Tumayo na siya at humikab. "Linisin mo ang kalat," bilin nito at umakyat na.
Lumuluha akong tumango at nagsimulang nilinis ang lamesa. Pagkatapos ay kumuha ako ng dustpan para sa mga bubog na nagkalat sa sahig.
Huminto ako para huminga nang malalim. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at puwershang ngumiti.
"Kaya mo ito, Sibley. Kaya mo ito. Mahal mo, e, kaya pagtiisan mo. Lalambot din 'yon."