Episode 16

1543 Words
TRAVIS' Point of View Sibley has been troubled a lot ever since she got married to Rhyzon. We rarely got time to talk with each other. Ni hindi ko na nga siya nakakamusta nang maayos dahil hindi rin naman siya sumasagot sa mga text at tawag ko minsan. And when she does, all she tell me about is busy siya sa bahay at sa buhay may-asawa. Nakakatampo minsan dahil parang nakakalimutan na niya ako, but I realized I am way too old to feel that way. Ang pwede ko na lang gawin ngayon ay ang suportahan siya sa kung saan man siya masaya. I want her to be happy, that's why I will do everything for her to be happy. Her happiness is my happiness, too. That's how much I love her. Hindi ko maitago ang ngiti ko habang hinihintay siyang dumating. Kakasabi lang niya na papunta na siya, and she probably just left their house pero kung makaasta ako ay para bang darating na siya agad-agad. Well, what can I do? Gustong-gusto ko na siyang makita. I missed her so much. I missed having silly conversations with her. "Sir, everything is ready na po." Tiningnan ko si Carol, isa sa mga empleyado ko sa restaurant. Tinanguan ko siya bago ako tumayo at pumunta sa area para i-check kung okay na nga ba talaga ang lahat. And when I got there, I was more than pleased to see the set-up. It looks so refreshing just like what I told them to. The foods are placed on the table like a mini buffet. There are wines to choose, too. Sibley likes wine so much. But since she's pregnant, I want to make sure na walang mataas na alcohol content ang wine na isi-serve sa kanya dahil baka makasama ito sa bata. "Okay na po ba ang set-up, sir?" tanong sa akin ni Carol. I gave her a nod. "Yes. Thank you, Carol." I then excused myself para abangan si Sibley sa labas ng restaurant. Ilang beses ko siyang tinawagan to ask kung nasaan na ba siya, pero hindi siya sumasagot. Baka nasa byahe na siya kaya hindi na lang ako nangulit. And after almost an hour, she arrived. Agad ko siyang sinalubong at niyakap nang mahigpit. I hugged her with no malice. "I missed you," sambit ko sa kanya bago ako kumalas sa pagkakayakap. She looked at me with a grin. "Miss mo 'ko?" tanong niya. She sounded like she's trying to tease me. Pero natigilan siya ng tumango ako nang walang pag-aalinlangan. "Kumusta ka?" I asked her, but instead of answering, she looked around. Hindi ko alam kung hindi nga ba niya narinig ang tanong ko o she chose not to mind it. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang wala siyang planong sagutin 'yon kung narinig man niya. "I missed this place," aniya bago lumingon sa akin at ngumiti. "And of course, ikaw rin," dagdag niya bago pa man ako makapagsalita. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. She clearly knows me so damn well. "Baka magtampo ka 'pag di ko 'yon sinabi. Mahirap na at baka paalisin mo 'ko," she joked and laughed. "Depende," pagsakay ko sa biro niya. "So, bakit mo ako pinatawag?" aniya at itinaas ang dalawang kilay. "As far as I can remember, matagal pa ang anniversary ng restaurant mo pati ang birthday mo," dagdag niya. I shrugged my shoulders at her. Pumunta ako sa likuran niya at marahan siyang itinulak. "I simply missed you. Ang bilis kasi ng mga pangyayari at 'di ako nakapag-adjust agad. I just simply want to catch up with you. That's all." "At sinong kasalanan na bigla akong ikinasal kay Rhyzon?" aniya bago bumaling sa akin at pinaningkitan ako ng mata. "Kilala mo ba?" "But you wanted it, right? Alam kong 'yon ang pangarap mo kaya tinulungan kita," I reasoned out. Seryoso ko siyang sinagot kahit na pabiro ang pagkakasabi niya no'n. "I know one of your dreams will be fulfilled when you marry him." Hindi siya agad nakasagot. She just looked at me. It took her a moment before she smiled at me. Marahan siyang tumango bago tumalikod. "O-Oo naman. And I want to thank you for that," sagot niya sa akin. "Kung hindi dahil sa initiative mo, siguro naghahabol pa rin ako kay Rhyzon, and siguro hindi alam ng mga magulang niya na nabuntis niya ako." "And he probably have long encouraged you to abort the child," dagdag ko bago siya marahang itinulak. "Oh sige na, let's talk about your life while eating. I prepared a good spot for us," sambit ko dahil baka dito pa lumalim ang usapan namin kung saan maraming customers. "Akala ko ba we'll go somewhere?" tanong niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot. Pagkarating namin doon ay agad kong sinenyasan ang mga empleyado ko na iwan kami. I want our talk to be just between us. Ayoko ring may mga empleyadong makarinig sa pag-uusap namin, dahil halos lahat sila ay alam nang may pagtingin ako kay Sibley. But I won't get my feelings involved with this conversation. I just simply want to talk to her and catch up. Gusto ko lang magkaroon kami ng quality time as friends. No more no less. "How's your married life?" tanong ko sa kanya nang makaupo kami. I started putting food on her plate. "Don't put too much, Trave. Baka hindi ko maubos," angal niya sa akin. She ignored my first question again. It's making me feel a little suspicious. "Kumain ka nang marami. Pumapayat ka na and it's not good for the child," sambit ko sa kanya. "Eat everything on your plate and add more if kulang pa." "It's more than enough," aniya at ngumuso pa sa akin. "Baka hindi ko ito maubos." "E 'di pababayaran ko sa 'yo, sige ka," pagbabanta ko saka ngumisi. Pero alam kong mauubos niya 'yon. I know her. At isa pa, mga paborito niyang dish ang inihanda ko para masiguro kong marami siyang kakainin. "Siyempre mauubos ko 'to, ako pa," aniya at ngumisi sa akin. "So, how's your life now?" tanong ko ulit sa kanya. This time, she has no reason to dodge it. I looked at her and she avoided my gaze. "Sibley..." Nag-iba ang tono ng boses ko kaya napatingin siya sa akin. She took a deep breath before meeting my eyes. "It's a little hard since we're both adapting to our new life," sagot niya. "Pero nagagawan naman ng paraan para kahit papaano ay makapag-adjust sa buhay mag-asawa. That's the reason why I wasn't able to get in touch with you regularly. I've been really, really busy about fixing and adjusting to my married life." "Ikaw lang?" I asked. "How about Rhyzon? Wala ba siyang ginagawa para tulungan ka?" Hindi siya agad nakasagot. "Well, he has things to handle. Alam mo namang abala siya sa company. Malapit nang ibigay sa kanya ang posisyon ng papa niya and he is doing everything to make sure that everyone in the company will deem him worthy of the position," paliwanag niya sa akin. "After that, kapag namana na niya ang posisyon, sinabi niya sa akin na doon na siya magsisimula na ayusin ang buhay mag-asawa naming dalawa." "Is that so?" sambit ko na lang. "Yes. Kaya ako na muna ngayon." Alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga sinasabi sa akin ni Sibley. I know Rhyzon very well. I know his caliber. Alam kong hindi maganda ang trato niya kay Sibley. Pero alam ko rin na wala akong karapatan na manghimasok sa relasyon nilang dalawa. That's out of my rights as Sibley's friend. Masakit man para sa akin na isipin na naghihirap ang kaibigan ko at ang babaeng mahal ko sa kamay ng lalaking mahal niya, I have no choice but to endure it and wait for her to turn to me and ask for my help. Ang magagawa ko na lang talaga ngayon ay ang suporatahan siya sa mga plano niya sa buhay. Nakikita ko namang kaya niya pa, kaya hindi ko na muna ipipilit ang sarili ko sa kanya. Hindi na muna ako pilit na manghihimasok. She can still fight on her own, so I'll let her. Pero kapag pansin kong hindi na niya kaya, I will make sure to be there for her; to support and be her rescue. Dahil hinding-hindi ko hahayaan na masaktan siya nang husto. Sibley is way too precious to be hurt and wasted. Iniisip ko pa lang kung paano siya tratuhin ni Rhyzon; kung paano siya nito balewalain, nag-iinit na ang dugo ko. Gustong-gusto ko na siyang puntahan at pagsusuntukin. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano siya kawalanghiya. He's trashing someone's treasure. At kung umabot man sa puntong 'yon, hindi ako magdadalawang isip na bantaan siya; na kung 'di niya kayang pahalagahan si Sibley, 'di ako mag-aatubiling agawan siya ng pwesto. Kung hindi niya magawang maibigay ang pagmamahal na deserve ni Sibley, puwes, ako ang gagawa no'n para sa kanya. If I have to steal Sibley away from him just to save her from pain and suffering, then I'll gladly do it. If I have to be the bad guy just to make her happy, then I am more willing to be the villain of their fairytale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD