MAAGA akong nagising. Sa guestroom na ako nakatulog—nakalimutan ko, doon pala talaga ako natutulog, may babae mang dala si Rhyzon o wala.
Dahan-dahan akong lumabas at umakyat sa kuwarto niya. Doon ay nakita kong wala na ang babaeng kinama niya kagabi. Siguro ay umuwi ito nang madaling araw.
Huminga ako nang malalim para tatagan ang aking sarili. Pilit akong ngumiti bago sinimulang pulutin ang mga damit niyang nagkalat sa buong kuwarto. Pinulot ko rin ang gamit na condom at itinapon ito sa basurahan.
Napaiyak akong muli. Damn, magmula nang ikasal kami ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak at tiisin ang sakit na nararamdaman ko.
Nang matapos akong maglinis sa kuwarto niya ay dahan-dahan ko siyang nilapitan. Lumuhod ako sa kama para magpantay ang aming mukha.
Sobrang himbing ng tulog niya. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya. Ang kaniyang mga matang minsan nang tumitig sa akin noon; ang kaniyang ilong na minsan na akong inamoy; at ang kaniyang labi na minsan nang dumampi sa aking balat at labi.
Lumunok ako bago dahan-dahang inangat ang aking kamay para haplusin ang kaniyang mukha. Bahagya pa itong nanginig nang tumama sa kaniyang buhok.
Nang hahaplusin ko na sana ang kaniyang pisngi ay nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko kasabay ng pagmulat ng kaniyang mga mata. Nagtagpo ang kaniyang kilay. "What the f**k are you doing?"
Itinulak niya ako bago siya bumangon. He's still naked pero wala siyang pakialam kung tignan ko man siya o hindi.
Pero hindi ko maiwasang hindi mag-init nang makita ko ang kaniyang katigasan. Lumunok ako ng laway bago nag-iwas ng tingin.
"What are you still doing? Bumaba ka na, and prepare our breakfast. I'll be there in twenty minutes," sabi niya bago pumasok sa banyo.
Nagmadali naman akong bumaba para maghanda ng umagahan. Nagluto lang ako ng fried egg at bacon. Nag-toast ng tinapay at nagtimpla ng kape. Sakto nang matapos ako ay nakita ko na siyang bumababa. Nakasuot siya ng maroon suit na mas nagpalitaw ng kaniyang kaguwapuhan.
"Good morning," bati ko.
Hindi niya ako sinagot. Umupo lang siya sa lamesa at nagsimulang kumain.
"Get my laptop," utos nito.
Tumango lang ako bago nagmadaling umakyat sa kuwarto niya para kunin ang laptop niya. Pagkatapos ay nagmadali akong bumaba para ibigay ito sa kaniya.
He immediately opened his laptop and checked the emails.
"Sibley," tawag nito sa akin.
"Yes?"
Tinignan niya ako nang seryoso. "Don't ever sleep in my bed again."
"Hindi naman ako natutulog doon, e."
"Shut up. Do you think you can fool me? Akala mo ba hindi ko alam na natutulog ka roon tuwing wala ako?"
Natahimik ako. He's right.
"Sorry."
"Tss."
Dali-dali siyang tumayo at umalis nang hindi man lang nagpapaalam.
Napabuntong-hininga na lang ako bago iniligpit ang kaniyang pinagkainan.
______
GABI NA pero hindi pa rin umuuwi si Rhyzon. Hindi kasi ako sanay na inaabot siya nang halos alas-diyes ng gabi. Nine o'clock, iyon ang pinaka-late niyang uwi.
Hindi na ako nakatiis. Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan siya, pero mas nag-alala lang ako nang hindi niya ito sinagot. Paulit-ulit ko siyang tinawagan hanggang sa hindi ko na siya ma-contact.
Dahil sa pag-aalala ay naisipan kong puntahan na lang siya sa kaniyang opisina. Kumuha lang ako ng jacket panlaban sa lamig bago ako lumabas ng bahay. Baka makasama kasi sa baby namin kapag nalamiga ako nang husto.
Hindi naman ako nahirapang sumakay ng taxi dahil palagi namang may dumaraang taxi sa village namin.
"Sa Tuazon's po," pagpapaalam ko sa driver nang makasakay ako.
Nang umandar ang sasakyan ay muli kong tinawagan si Rhyzon pero hindi ko na talaga siya ma-contact. Ano ba kasing nangyari sa lalaking iyon?
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa harapan ng kompanya ni Rhyzon. Kaagad akong bumaba matapos kong magbayad. Nadatnan ko roon ang security guard at tinanong ko siya kung may tao pa ba sa loob pero sinabi niyang mga sanitary engineers na lang daw ang nasa loob.
Napagpasiyahan kong tawagan na lang si Travis para magpatulong. Tutal nandito na lang din naman ako, mas madali na lang akong mapupuntahan ni Travis.
"Hello, Trave? Nasaan ka?"
"Sa bahay lang. Bakit?"
"Puwede mo ba akong puntahan? I mean sunduin dito sa harapan ng kompanya nila Rhyzon?"
"What?! Bakit ka nakarating diyan? Alam mo bang delikado na dahil sobrang gabi na?!"
Napangiwi ako dahil sa pagsigaw niya. "Kaya nga kita tinawagan, e. Kasi alam kong safe ako kapag nasa tabi kita."
"Okay, I'll be there in twenty minutes. Hintayin mo ako," sagot niya bago ibinaba ang telepono.
Umupo lang ako sa hagdanan para hintayin si Travis. Hindi ko naman naiwasang hindi makaramdam ng lamig. Makulimlim kasi ang kalangitan at umiihip ang malamig at may kalakasang hangin.
Tinignan ko ang cellphone ko para i-check kung may message ba si Rhyzon, pero wala talaga. Napamura na lang ako nang mag-shutdown ang cellphone ko. Haaay, nasaan na kaya ang lalaking iyon?
Natigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang pamilyar na kotseng huminto sa harapan ko. Iniluwa nito ang bestfriend kong nakasuot lang ng simpleng black sando, cargo shorts, at itim na tsinelas.
"Iba ang pormahan natin, a?" pang-aasar ko sa kaniya dahilan para sumama ang tingin niya sa akin.
"Nagmadali lang kasi akong pumunta rito dahil ayaw kong pinaghihintay ka, at isa pa, baka mapahamak ka," may halong inis nitong sagot at hindi napigilang irapan ako.
Napangisi lang ako bago siya inakbayan at ginulo ang buhok. "Nako, nagtatampo ang bestfriend ko! Mawawala na ang kaguwapuhan mo niyan kapag simangot ka nang simangot."
"Ewan ko sa 'yo."
Napailing na lang ako bago siya pinaharap sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya bago ito kinurot. "Na-miss kita, Trave...sobra."
Natigilan naman siya bago nag-iwas ng tingin at ngumuso. "Talaga?"
"Oo. Pero nagtatampo pa rin ako sa 'yo dahil hindi ka sumipot sa araw ng kasal ko. Wala tuloy akong bisita sa side ko," sabi ko bago mas diniinan ang pagpisil sa pisngi niya dahilan para mapangiwi siya. "Dahil do'n, libre mo ako ng kape," paglalambing ko sa kaniya.
"Bahala ka," sabi nito bago inalis ang kamay ko sa pisngi niya. "Uwi na nga ako. Mukhang okay ka naman, e. Kaya mo na sarili mo," dagdag niya bago naglakad papunta sa kotse niya.
Sinundan ko naman siya at sinundot ang tagiliran niya dahilan para mapapitlag siya."Galit ka?"
"Huwag mo nga akong sundutin!"
Sinundot ko siya ulit. "Galit ka ba?"
"Isa pa..."
"Okay," sagot ko at sinundot siya ulit.
"Ano ba?!"
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. "Ano ba kasi ikinagagalit mo?"
"Wala. Mukhang nakalimutan mo na kasi ako simula nang ikasal kayo ni Rhyzon," nakangusong sabi nito dahilan para pisilin ko ang nguso niya.
"Anong nakalimutan? Tatawag ba kita kung nakalimutan na kita? Magagalit ba ako sa 'yo sa tuwing hindi ka nagpaparamdam, tuwatawag, o nagte-text kung nakalimutan na kita? Na-miss nga kita, e!" paliwanag ko.
Umiling lang siya bago ako hinila. "Tara na nga. Anong kape ba gusto mo?"
Ngumiti lang ako bago naunang pumasok sa kotse niya.
———
"KAMUSTA ang buhay na kasama ang lalaking mahal mo?" tanong ni Travis sa akin bago ininom ang kape niya.
Nagkibit-balikat lang ako at nagbuntong-hininga. "Ewan, hindi ko alam. Masaya na malungkot na masakit. I really don't know."
Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay. "What do you mean you don't know? Sinasaktan ka ba ni Rhyzon?"
With his question, tuluyang lumitaw sa mukha ko ang sakit matagal ko nang kinikimkim at sinasarili. Napaiyak na lang ako habang umiiling. "H-Hindi n-naman..."
Pinahid ko ang mga luha ko bago pilit na ngumiti sa kaniya. "M-Masaya a-ako. I am happy on Rhyzon's side."
Napailing na lang si Travis bago pinahid ang luha ko gamit ang kaniyang hinalalaki. "Kilala kita, Sib. Alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo at kung kailanka nagsisinungaling," aniya.
"Tell me, sinasaktan ka ba ni Rhyzon o hindi? Gusto mo turuan ko ng leksyon ang lalaking 'yon?" Ipinakita niya sa akin ang kamao niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Umiling ako. "N-No need. Hindi mo na kailangang gawin 'yon, Trave. Being with me is already a big help, kaya d'yan ka lang sa kinauupuan mo at hayaan mo lang akong umiyak."
"O-Okay."
Ilang minuto rin ang lumipas nang tuluyang mapagod ang mga mata ko sa pag-iyak. Nginitian ko si Travis na tahimik lang na pinagmamasdan ako.
"Thank you, Trave."
Tumango lang siya. "Bakit ba kasi nagtitiis ka sa kaniya, Sib?"
"What do you mean?" kunot-noong tanong ko.
"Bakit ba nagtitiis ka sa kaniya? Bakit tinitiis mo ang lahat ng pananakit niya sa 'yo? Bakit pinili mong maging pipi, bulag, at bingi?"
"I-I don't get you, Trave..."
"Kahit hindi mo sabihin, alam kong sinasaktan ka niya. Either physically or emotionally. Nagsisisi tuloy akong hinayaan kang ikasal sa kaniya," naiiling nitong sabi. "Kung sana..." Nakita ko ang pag-aalangan niya sa kaniyang mga mata.
"Kung sana ano?"
Tinignan niya ako sa mata bago hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Ewan ko ba, alam kong kaibigan ko si Travis pero nakaramdam ako ng awkwardness sa ginawa niya.
"Sib, sana pala hindi na lang kita hinayaang tuluyang mahulog sa mga kamay niya," sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi kita maintindihan, Trave..."
"Kung naging matapang lang sana ako na sabihin sa 'yo ang nararamdaman ko, e 'di sana may posibilidad na hindi ka nasasaktan ngayon nang ganito," sagot niya.
"Trave, naaasiwa na ako, ha. Tell me, ano ba ang gusto mong sabihin?"
He held my hand tighter. "Sibley, I know this is too late to say but...I love you."