Episode 12

1361 Words
ONE WEEK. One week had already passed after Rhyzon and I got married—secretly. Sa huwes kami ikinasal dahil iyon ang napag-usapan. Gusto sana ni Tita Laura na engrandeng kasalan ang maganap, dahil sa wakas ay ikakasal na ang kaniyang unico hijo. Pero Rhyzon opposed her idea, kaya wala akong nagawa kundi ang kumbinsihin na lang din si Tita na pumayag na lang. As long as makasal kami ni Rhyzon, ayos lang. Tandang-tanda ko pa rin kung paano ako umiyak matapos ang kasal namin. Umiyak ako hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa sakit. Isipin ninyo, matapos na idineklara ng huwes na kami ay legal na mag-asawa na, ay bigla na lang siyang umalis, pagkatapos malalaman kong nasa bar siya at nagpapasarap sa ibang babae? Iniling ko na lang ang ulo ko para alisin ang alaalang iyon. Nag-focus na lang ako sa niluluto kong adobo na siyang paborito ni Tita Laura at Rhyzon. Naghahanda kasi ako dahil darating ngayon si Tita para bumisita. Hands-on na hands on ako bilang isang asawa. I even sacrificed my online business for this—para magampanan ko lang nang maayos ang role ko bilang maybahay. And I'm quite impressed about myself, akalain ninyo iyon, nagawa ko ang lahat ng trabaho nang ako lang? Idagdag n'yo pa na may dalawang palapag itong bagong bahay namin, na regalo sa amin ng mga magulang niya. Pero hindi naman magtatagal at may makakasama na ako rito sa bahay. May gagawa na ng ilang gawaing bahay dahil kailangan ko ring alagaan ang sarili ko. Magtatatlong buwan na rin kasi ang tiyan ko. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng tatlong magkasunod na doorbell kaya nagmadali akong lumabas. Napangiti ako nang makita si Tita Laura at Tito Anton sa labas. May dala silang mga paperbags na hindi ko alam kung ano ang laman. Nagmadali akong pagbuksan sila ng gate. "Good afternoon po, Tito, Tita," bati ko bago sila hinalikan sa pisngi. "Hija, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na Mama at Papa na ang itawag mo sa amin," pagpapaalala ni Ti--Mama Laura. "Okay po, M-Mama," sagot ko dahilan para matawa sila. "Pasok na po muna tayo sa loob," aya ko. Nang makapasok kami ay kaagad ko silang pinaupo sa sala, at saglit akong nagpaalam para tignan ang niluluto ko. Nang masiguro kong tama na ang timpla at lambot ng manok, ay bumalik na ako sa sala para imbitahan silang mananghalian. "Papa, Mama, kumain po muna tayo." "Sure!" "Look at how responsible Sibley is, Hon. Sobrang hands on niya," puri sa akin ni Papa Anton. "But I am just worried about your health and your baby's health." "Don't worry po, 'Pa, inaalagaan ko naman ang sarili ko at ang baby namin." "Dapat lang talaga, hija. Hindi na kasi kami makapaghintay na makita ang aming apo," sabik na saad ni Mama Laura. Ngumiti lang ako bago sila pinaghila ng upuan. "Wow, adobo!" "I know favorite n'yo po 'yan, 'Ma, kaya iyan ang niluto ko." "Paano naman ako?" tila nagtatampong sabat ni Papa. "Mas mahal niya ako kesa sa 'yo, Hon," pang-aasar ni Mama. "Mukha nga." Napangiti na lang ako. "Don't worry, 'Pa. The next time na dumalaw kayo rito ay ang paborito mo namang kare-kare ang lulutuin ko." "Nice. Parang gusto ko tuloy dumalaw ulit bukas, kaso nga lang baka hindi ko rin magawa. Bakit kasi ang layo ng bahay ninyo sa bahay namin, e. It took us one hour to get here," naiiling na pahayag ni Papa. Choice naman ito ng anak ninyo, e. He wants us to be far from you para hindi ninyo makita ang mga kalokohang ginagawa niya. "By the way, hija, may mga binili akong gamit dito para sa bahay ninyo. Naroon sa sala, tingnan mo na lang mamaya, ha?" pagpapaalam ni Mama. "Salamat po." Nagkuwentuhan kami nang nagkuwentuhan habang kumakain, pero kada umaabot ang tanong nila sa kung kamusta na ba kami ni Rhyzon ay pilit ko itong iniiwasan. Ayokong maiyak sa harapan nila, at ayoko ring magalit sila sa anak nila. Hindi namin namalayan ang oras at hapon na pala, meaning kailangan na nilang umuwi dahil baka gabihin na sila sa daan at maabutan na ng sobrang traffic. "Mag-iingat po kayo," sabi ko nang papasakay na sila sa kotse. "Thank you, hija." "Sibley, you cook good," pahabol ni Papa bago pumasok sa kotse. Kumaway lang ako nang umandar na ang kotse. Pumasok na ako sa loob at tinignan ang mga dala nila. Mga plato, baso, bowl, at iba pang utensils. Meron ding mga damit para sa amin ni Rhyzon, may mga painting, at may mga pang-personal na mga products kagaya ng shampoo at iba pa. Iniligpit ko muna ito bago ako pumunta sa kusina para maglinis at maghugas ng pinggan. Nang matapos ako ay pumunta ako sa sala para manood ng TV at para na rin hintayin si Rhyzon mula sa trabaho niya. Habang nanonood ay biglang nag-ring ang telepono ko kaya tinignan ko ito. Travis calling... Kaagad ko itong sinagot. "Hello, Trave?" "Kamusta ang buhay may asawa?" tanong nito. "Hmp! Hindi pa tayo bati, oy! Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong pang-i-indian, ha? Hindi!" "Sorry naman, may pinuntahan lang importante. Para sa restaurant kasi 'yon kaya bawal palagpasin," pagpapaliwanag nito. Hindi kasi siya sumipot sa mismong araw ng kasal namin ni Rhyzon. Wala naman siyang nabanggit sa akin na may pupuntahan siya before naming ikasal ni Rhyzon, e. Kaya laking pagtataka ko nang hindi siya nakarating. "Ewan ko sa 'yo," nakangusong saad ko bago hininaan ang volume ng TV. "Sorry na, please?" "Oo na, pinapatawad na kita! Nako kung hindi lang kita mahal, e!" "Mahal mo ako? Ikaw Sibley, ha, may-asawa ka na kaya hindi na puwede." "Baliw. Mahal kita bilang isang best bestfriend!" Saglit siyang natahimik kaya tinignan ko kung ibinaba niya ba ang telepono pero hindi naman. "Travis?" "A-Ah, pasensya na. Mamaya na lang ulit ako tatawag, may aasikasuhin pa pala akong importante." "Ha? Na nam--" Binabaan na niya ako ng tawag kaya napairap na lang ako sa hangin. Magmula nang ikasal kami ni Rhyzon ay bihira na lang magpakita sa akin ang lalaking iyon. Nagsisimula na akong magtampo. Baka may kinikita na siyang babae at hindi niya lang sinasabi sa akin. Nako, magtatampo talaga ako kapag ganoon. Kailangan ko pa namang kilatisin kunv deserving ang babaeng iyon! Natigil ako nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa labas. Lalabas na sana ako nang makita kong may kasama si Rhyzon. Dali-dali kong pinatay ang TV at pumunta ako sa guestroom para magtago. "Babe, sigurado ka bang ikaw lang ang nakatira rito?" rinig kong boses ng isang babae. "Yes. Pero every morning may pumupunta ritong tagalinis para linisin ang bahay." "Okay. Tara sa taas?" aya ng babae. "Tara." Natutop ko ang bibig ko at nagsiunahan sa pagtulo ang aking mga luha. Pinigilan kong humikbi dahil baka marinig nila at baka mabuko si Rhyzon na may asawa na pala siya, na ayaw naman niyang mangyari. This is our agreement. He will stay by my side and be a father to our child, basta hayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya. Nang masiguro kong nakaakyat na sila sa taas ay lumabas na rin ako. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa papunta sa taas para sundan sila. "Babe, bakit magkahalo ang amoy rito sa room mo? Wala ka ba talagang kasama?" rinig ko tanong ng babae dahil naiwan nilang bukas ang pinto. Dahil dito ay nagkaroon ako ng pagkakataong makita sila. "Yes. Huwag ka na ngang magtanong," sagot ni Rhyzon bago hinalikan ang babae kasabay ng pagbaba niya sa skirt nito. Tinakpan ko ang bibig ko bago ako sumandal sa pader at lihim na umiyak. "Oh! You are so good, Rhyzon! f**k!" Hindi ko na kinaya ang pinaggagawa nila kung kaya't minabuti ko na lang na bumaba at bumalik sa guestroom. Doon ay umiyak lang ako nang umiyak. Ito ang rason kung bakit iniiwasan kong tanungin ako nila Mama at Papa kung kamusta na kami. Dahil ako mismo sa sarili ko hindi ko alam kung mayroon ba talagang kami ni Rhyzon. Dahil sa ginagawa niyang ito, para na rin niyang ipinamumukha sa akin na... Batas lang ang nagbubuklod sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD