SIBLEY
I STARED at the white ceiling, imagining images and moments that I will have together with Rhyzon and our child. Napangiti ako nang naisip kong hinahabol ni Rhyzon ang anak namin sa playground, at ako naman ay natatawang kinukuhanan sila ng video. Such a wonderful family—kung mangyari man.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Tinignan ko kung sino ang pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. I never thought that he would come and see me.
"R-Rhyzon..."
Tinignan lang niya ako bago lumapit sa akin at ibinigay sa akin ang dala niyang bouquet ng puting rosas, habang ang dala niyang basket na puno ng prutas ay inilagay niya sa lamesa na nasa gilid ng aking kama.
Mataman ko siyang tinignan at laking pagtataka ko nang makita ang pumutok niyang labi.
"Anong nangyari sa labi mo?" tanong ko, nagbabakasakaling tatapunan niya ako ng tingin, pero hindi niya ginawa.
"Wala ka na ro'n," sagot niya bago hinila ang isang monoblock chair at inilagay sa kaliwang parte ng kama ko. Nang makaupo siya at tinignan niya ako sa aking mga mata. "Are you really pregnant?"
Ngumiti ako saka tumango. "Yes, I am. Hindi ko nga inakala na magbubunga pala ang--"
"Ipalaglag mo ang bata," putol nito sa sasabihin ko.
Napaawang ang mga bibig ko at hindi ko napigilang bumigat ang pakiramdam ko. "How could you say that, Rhy?! Are you even thinking?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, I am thinking. Kaya nga kita sinabihang ipalaglag 'yan, 'di ba?" malamig niyang sagot.
Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko. Huminga ako nang malalim bago siya muling hinarap. "Kung hindi mo ako mahal at ayaw mo ng commitment, sige, papayag ako. Pero ang ipalaglag ang bata?" Hindi ko na napigilang mapaiyak. "H-Hindi k-ko kaya."
"Hindi mo kaya? I know you, Sibley. Kaya mo 'yan," he insisted. "And you know what? I think you are just using that child inside you to get me...to have me."
Naikuyom ko ang kamay ko. Huminga ako nang malalim para pigilan ang damdamin ko, pero hindi ko nagawa. Mabilis na lumapag ang palad ko sa kaliwang pisngi niya. Hindi ko alintana ang sakit na nararamdaman ko sa aking palad. I just felt the need to that. Wala siyang karapatang sabihin iyon!
"Oo, mahal kita! Mahal na mahal kita to the point na gagawin ko ang lahat makasama ka lang, but using someone to have you? Hinding-hindi ko 'yon magagawa, Rhyzon!"
He held his face. "Ako ba talaga ang ama ng batang 'yan?"
His question tore my heart into pieces. Nanginig ang mga kamay ko at nag-unahang bumagsak ang mga luha ko. I know this may sound so exaggerated, but this is what I feel. "A-Are y-you thinking that...I am hooking up with someone aside from you?"
"Yes," walang pagdadalawang-isip niyang sagot.
Natawa ako. "f**k it, Rhyzon! Alam mong ikaw lang ang lalaking ikinakama ko. Alam na alam mo 'yan dahil paulit-ulit kong sinasabi 'yan sa 'yo!"
"How would I know?"
"f**k you! You are unbelievable! Paano mo nasasabi ang mga salitang 'yan sa akin? Dahil ba sa nalaman mong mahal kita at buntis ako at ikaw ang putaningang ama?!" Napahigpit ang hawak ko sa bulaklak na bigay niya. Doon ko ibinuhos ang sakit at inis na nararamdaman ko.
"Oo."
"Duwag ka, Rhyzon. Duwag ka! Stop being a manwhore and start being a man. Magiging tatay k---"
"I need to go."
Umawang ang bibig ko nang iwan niya ako. Sa sobrang inis ko ay naibato ko ang dala niyang bulaklak. Napapikit ako nang madiin at rinig na rinig ko ang tunog ng naggigitgitan kong ngipin.
Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pinto kaya napatingin ako roon. Akala ko si Rhyzon, hindi pala.
"Trave," tawag ko at pilit na itinago ang sakit sa aking mga mata.
Nginitian niya ako bago siya lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. He held my face and pinched it. "Looks like hindi naging maganda ang pag-uusap ninyong dalawa, a?"
"Yeah, hindi talaga maganda. Can I cry?" tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya bago inilagay ang tumakas na iilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga.
"Don't cry, ayokong magmukha kang stressed kapag nakaharap na natin ang tutulong sa 'yo," saad nito.
Napataas ang kilay ko. I think he's up for something. "Tutulong sa akin?"
"Yes."
"Wait, do you...by any chance, went to Rhyzon's office and told him to visit and talk to me?" pagbabakasakali ko.
He smiled and nodded. "Yes. And I was also the one who did that to his lips."
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"What? The talking or the punching?"
"Both."
He smirked. "Kinausap ko siya dahil alam kong kailangan niyang malaman ang tungkol sa iyo at sa magiging anak ninyo. But it just happened na sobrang hindi ko nagustuhan ang pananalita niya kaya pinatahimik ko muna," sagot niya bago ngumiti sa akin. "At isa pa, deserve niya 'yon at nang magising siya sa katotohanan na hindi sa lahat ng panahon ay pakikipag-s*x lang ang gagawin niya."
"Baliw ka talaga!" natatawang sabi ko. Kahit na mahal ko si Rhyzon, alam kong dapat lang din sa kaniya ang ginawa ni Travis. God, I am so lucky to have a friend like him! He just made me feel better right now.
"Basta para sa 'yo—sa bestfriend kong mahal na mahal ko—gagawin ko ang lahat para sa ikakasaya mo," nakangiting pahayag niya bago ginulo ang buhok ko.
"Nako, kung hindi lang kita kilala iisipin kong mahal mo ako bilang isang babae at hindi bilang isang kaibigan!" pang-aasar ko sa kaniya dahilan para matahimik siya.
Bigla akong nakaramdam ng awkwardness. Pero mabuti na lang at nagsalita siyang muli.
"Tigil na nga. Sige na, maghanda ka na dahil ihahatid na kita sa apartment mo para makapagbihis ka." Tatanungin ko sana siya patungkol sa bill pero naunahan na niya ako. "Nabayaran ko na ang bill. Sagot ko na 'yon, kaya bilis na maghanda ka na."
"Teka, Trave, kamusta na pala si Jordan?"
Ngumuso siya. "Buti pa si Jordan inaalala mo, pero ako hindi!"
"Travis..." saway ko rito.
"Nakakulong na siya. Gusto niya sanang humingi ng sorry sa 'yo at humiling na iurong na lang ang kaso, pero hindi ako pumayag. Dapat lang na makulong siya."
Ngumiti ako bago pumunta sa harapan ng pinto ng banyo. "Mabuti naman at iyon ang ginawa mo, dahil kung ako mismo, hindi ko rin iuurong ang kaso. Dapat lang na pagbayaran niya ang ginawa niya," saad ko bago tuluyang pumasok.
Nang nasa loob na ako ay hindi ko mapigilang hindi magpasalamat sa panginoon dahil binigyan niya ako ng isang matalik na kaibigang handang gawin ang lahat para sumaya lang ako. Dahil kay Travis, panandalian kong nakalimutan ang sakit na idinulot sa akin ni Rhyzon.
__________
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang inililibot ang mga mata ko sa magarang restaurant na pinuntahan namin.
"Dito, malamang," pambabara niya dahilan para mahampas ko siya sa balikat. Tumawa lang siya at hindi na nagsalita pa.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahiya sa suot kong white dress na hindi original. Sobrang gara kasi ng suot ng mga tao sa paligid! Amoy mga mayayaman pa!
"We are here, Mrs. Tuazon."
Napatingin ako sa kinausap ni Travis at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mama ni Rhyzon.
"H-Hello po," bati ko at bahagya pang yumuko.
"Hello, hijo, hija," nakangiting bati nito bago itinuro ang upuan. "Take your seats."
Pinaghila ako ng upuan ni Travis bago siya umupo. Ngayon ay hindi ko mapigilang hindi mapaisip sa kung ano ba ang ginagawa namin dito.
Nilingon ko si Travis at binulungan, "Ano bang ginagawa natin dito?"
Tinignan at nginitian lang niya ako at hindi sinagot. Hinarap niya si Tita Laura. "Mrs. Tuazon, ako po ang nag-text sa inyo. I used Sibley's phone."
"Wait, what?" gulat kong tanong at nahampas pa sa balikat si Travis. "Why did you do that?"
"Oo nga, hijo, bakit?"
"Sibley has something to say. This has something to do with her and your son," sabi ni Travis, dahilan para manlaki ang mga mata ko. Kinurot ko ang tagiliran niya sa inis. Bwisit!
"About them?" Tinignan ako ni Tita Laura. "What about you and Rhyzon, hija? Please tell me."
Fuck! Sobrang bait ni Tita Laura sa akin, kaya nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya. This could serve as a reason for her to hate me!
"She's pregnant, and your son is the father of her child," pangunguna ni Travis.
"What?!"
"Rhyzon!"
Napapikit na lang ako sa inis. Akala ko ba ako ang magsasabi?
"Hija, is it true?"
Tinignan ko si Tita Laura at alanganing tumango.
Nahilot niya ang sentido niya at pinaypayan niya ang kaniyang sarili. Huminga siya nang malalim bago tumingin sa ibang direksyon.
"Tita, hindi naman po namin sinadya ito, e. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po kayo iistorbohin. Bubuhayin ko ang bata nang ako lang. Kaya ko---"
"No," putol nito sa sinasabi ko.
"No? Anong 'no'? Pasensya na po Tita pero hindi ko ipapaglag ang bata. Bubuhayin ko siya ka---"
"Ano bang pinagsasasabi mo, hija? Sinong nagsabing ipalaglag mo ang bata?"
"Tita..."
"Dapat panagutan ng anak ko ang ginawa niya. Don't worry, Sibley, bukas na bukas din ay aasikasuhin ko kasal ninyong dalawa ni Rhyzon."