TRAVIS
HEARING those words broke my heart into pieces. Knowing that Sibley is pregnant hurts me and makes me happy at the same time. Hurt, because I know that I no longer have a chance to win her because she will now chase Rhyzon more than she did before. Happy, because I know, that she already had a reason to chase Rhyzon and make him stay with her.
Nang lumabas ang doktor ay kaagad na umiyak si Sibley. She's smiling while crying. And that really pained me more. She's too happy to notice that I am hurting and dying inside. I want to scream and tell her that I love her, but as a supportive bestfriend, all I can do is to cheer for her in chasing the man that keeps on running away from her.
"Trave..." she called, between her sobs. "I don't know what to say..."
I smiled. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang kaniyang pisngi at pinahid ang luha niya. "You don't need to say anything. I'll do it for you. Don't worry, I'll make sure na papanagutan ni Rhyzon ang ginawa niya sa 'yo."
Napatingin siya sa akin. She held my hand tightly, an indication that she is not sure if Rhyzon will really take responsibility for this. "Trave, you don't need to do that. Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong buhayin ang anak ko nang ako lang. Ayokong abalahin si Rhyzon."
I hissed and pinched her cheeks. "Stop saying that cliche words. I know you more than others do, Sib. And I know when you are lying or not," I said as I stood up and smiled—trying to hide the pain that is starting to show in my face. "If you don't want to bother him, then I'll do the bothering. I'll talk to him, and I promise, he will come to see you and ask you for a wedding!"
Nakita ko ang pagguhit ng isang totoong ngiti sa kaniyang mga labi. Her eyes sparkled in happiness as she stared at mine. "Talaga? Gagawin mo 'yon para sa akin?"
I smiled and winked at her. "Of course! I am your best bestfriend, and a friend must do what his or her friends can not. Just think of it as a favor coming from your hottest and most handsome friend!"
"Thanks," she whispered and started crying again. She spread her arms and pouted. "Yakapin mo ako dali!"
Napailing na lang ako bago siya niyakap. "Feeling better?" I asked. She nodded. "Don't cry anymore. Makakasama sa baby mo 'yan."
"Okay," she answered.
Humiwalay na ako sa yakap at nagpaalam muna sa kaniya na aalis lang ako saglit dahil may kailangan pa akong puntahan. I even suggested to call her parents para bantayan siya pero isang malaking 'no' lang ang lumabas sa bibig niya. I sighed. Hindi pa rin pala talaga sila okay ng pamilya niya.
Nang makapasok ako sa elevator ay kusang bumigay ang tuhod ko. I never knew that I could be this hurt. Right now, regrets are flooding my system. Napakaraming 'kung sana' ang pumapasok sa sistema ko.
Kung sana ay noon pa lang sinabi ko na sa kaniya na mahal ko siya, hindi sana ako masasaktan nang ganito.
Kung sana naging matapang lang ako, hindi sana hahantong ang lahat sa ganito.
Kung sana taglay ko lang ang mga nakita niyang katangian kah Rhyzon, may posibilidad na ako ang hanapin niya at hindi na siya masasaktan pa.
Kung sana gumawa lang ako ng paraan para maipakita sa kaniya kung gaano ko siya kamahal nang higit pa sa pagiging kaibigan lang, hindi sana ako masasaktan nang ganito.
Kung sana isinigaw ko lang ang nararamdaman ko, hindi ako nasasaktan nang ganito.
Iniling ko ang ulo ko para tanggalin sa isip ko ang mga bagay na iyon. Nang bumukas ang elevator ay mabilis kong hinanap ang kotse ko sa parking area ng hospital.
I need to see and talk to him—to Rhyzon. He needs to know. He must know.
Alam kong ako na rin mismo ang gumagawa ng paraan para mas lalong mawalan ako ng chance na makasama si Sibley. Pero ano ang magagawa ko? I am not the man that she needs. And as a bestfriend and a lover, helping her have that man is the best thing to do. Ganoon naman talaga dapat kapag nagmamahal, 'di ba? At isa pa, if you truly love someone, you'll do everything just to make him or her happy, even though it will inflict you too much pain. That's love—true love.
Pumasok na ako sa kotse at mabilis itong pinaharurot palabas ng parking lot ng hospital. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at tinawagan si Rhyzon.
"Where are you?"
"Office."
"We need to talk. I'll come and see you."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at ibinaba ko na ang telepono. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa makarating na ako sa building ng kompaniya niya.
Nagmadali akong pumunta sa opisina niya, pero bigla akong hinarang ng secretary niya. "Sir, do you have any appointments with Mr. Tuazon?"
"I do, and it's urgent. Please let me in," sagot ko at akmang bubuksan na sana ang pinto pero hinarangan niya akong muli.
"Sir, let me verify it first. Ano po ba ang pangalan ninyo?"
Naikuyom ko ang kamay ko sa inis. I heaved a sigh. "Travis. Travis Santiago."
"Uhm, Sir, wala po kayo sa listahan ng—"
"Can you just let me see him?!" Nabigla siya sa pagsigaw ko. I sighed. "I am sorry. I just need to see Rhyzon. I am his friend."
"But, Sir, m—"
Natigil siya sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto. "What's happening here---Travis."
Napatingin ako sa kaniya maging ang secretary niya.
"Sir," tawag ng secretary niya sa kaniya, trying to verify if Rhyzon really knows me.
"I know him, Bea," saad nito bago bumalik sa loob ng kaniyang opisina.
"Sir, sorry," hingi nito ng tawad sa akin.
Ngumiti lang ako bago pumasok sa opisina ni Rhyzon. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya habang pinalalaruan ng isang ballpen.
"What do you want to talk about, Travis?"
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Mataman ko siyang tinignan sa kaniyang mga mata. "Sibley needs you now more than she does before."
Napataas ang kilay niya. "Travis, I know that you are aware that we are done. If you are here to beg me to be with her, then you may go now."
Naikuyom ko ang kamay ko. "She needs you, so you better stand up and visit her!"
He laughed. "Bakit mo ba ginagawa ang bagay na ito, Travis?"
"Because I am his friend."
Tumayo siya saka umupo sa lamesa. Tinignan niya akong muli sa mga mata ko. "Do not fool me, Travis. You love her, do you?" he asked, smirking.
Hindi ko siya sinagot, kaya mas lalong lumaki ang ngisi niya. Napailing siya saka hinilot ang sentido niya.
"Man, if you really love her, then tell her. Huwag kang duwag," saad niya.
I hissed. "Ha! 'Huwag akong duwag?' Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Rhyzon? Baka nakakalimutan mong isa ka ring duwag. Takot ka sa commitment, 'di ba?"
Nagtagpo ang kilay niya. "Ano ba talaga ang ipinunta mo rito?"
"Sibley is pregnant. Panagutan mo ang ginawa mo sa kaniya."
Nakita kong natigilan siya nang ilang segundo saka umiling. "Are you sure na ako ang ama?"
Sa sinabi niyang iyon ay mabilis ko siyang nilapitan at sinuntok. Bumagsak siya sa sahig at pumaibabaw ako para suntukin siya ulit. "Gago ka pala, e! Para mo na ring sinabing may ibang lalaki si Sibley!"
Sinuntok ko siyang muli dahilan para pumutok ang labi niya. "Be a man, Rhyzon! Huwag mong hintaying ako pa mismo ang magsabi sa mga magulang mo na nakabuntis ka!"
Tumawa siya. "Bakit hindi na lang ikaw ang tumayong ama ng bata? 'Di ba kaya mo namang magpakatanga at magpaka-martir para sa kaniya?"
Binitawan ko siya saka nginitian nang mapait. "Oo, kaya ko. Pero kahit na gano'n, ikaw pa rin ang kailangan niya. Panagutan mo 'yon. Nagmamakaawa ako, ayokong makitang nalulungkot ang babaeng mahal ko. Kaya please lang, if I need to get this low, I am begging you to take responsibility for what you have done."
"Are you really that pathetic?"
Ngumiti akong muli. "Yes I am. If being pathetic is the only way to give Sibley her happiness, I won't regret being one."