Dahan-dahan bumaba si Darlyn sa paayas na sinundan nina Ate Dianne at Ate Darren, at tama nga ang tantiya ko na hanggang tuhod lang ang tubig, at dahil nakashorts na ang mga kapatid ko ay binti lang nila ang nabasa. "Dia baba ka na!" Sigaw ni Ate Dianne, umiling ako at tinawanan sila. "Baka mangitim ako, saka nalang kapag pauwi na tayo." Natatawa kong saad. Sinamaan ako ng tingin ng mga kapatid ko sabay tapon sakin ng tubig kaya napaatras ako. Ilang sandali pa ay umakyat na din sila at nag-groufie nalang kami at nang magsawa ay bumalik na sa bahay. "Tanghaling tapat, pumunta na naman kayo ng paayas! Kayong mga bata kayo, paano kung manuno kayo doon? O mabati?" Agad na salubong samin ni Lola Vereng--ang untie ni Papa pagkakita samin. Hindi nalang kaming apat na umimik at naupo